Thursday, January 29, 2009

Chronicles of El Tigre (Episode Three)

Sa araw-araw na ginawa ng maykapal, ganito nagsisimula ang aming umaga.

---

[10:09] elTigre: di ako papasok ngayun brad
[10:09] elTigre: ewan ko ba bkit di parin nawawala ng tuluyan yugn sama ng pakiramdam ko
[10:10] MuGen: kasi naman miyaw
[10:10] MuGen: imbes na nagpapahinga ka eh pinapagod mo sarili mo
[10:10] MuGen: hayan nabinat ka tuloy
[10:10] elTigre: hidni e me konting konti na alng
[10:10] elTigre: e
[10:10] elTigre: hang over
[10:10] elTigre: kaya aabsent ako ngayun
[10:10] MuGen: wushoo!
[10:10] elTigre: tapos yung eye bags ko sobrang laki na muka na akong bampira
[10:12] MuGen: hahaha
[10:12] MuGen: pahinga ka muna kaya

---

Reklamador. Yan ang bago kong bansag kay El Tigre. Umasa ka na hindi ito nawawalan ng papansinin o kaya naman ay pipintasan sa tuwing magkausap kami. Mula sa kanyang walang katapusang paghahanap ng makakain sa hapon, hanggang sa mga trabahong kanyang ginagawa sa opisina, ang mga ito ay kailangan pa makaabot sa akin. Gaya ng dati, sa usapang work-out pa rin madalas umiikot ang aming kuwentuhan. Hindi ko nga alam kung bakit na kung sino pa ang mas adik magbuhat, siya pa itong may gana humingi ng payo kung ano ang gagawin sa kanyang program. Kung ang iba ay mababagot sa ganitong pag-uusap, sa aming kaso, lubos kong kinakaaliw ang kanyang pagbubukas ng sarili.

Marahil ay isang malaking karangalan ang mag-open up ang isang tao sa iyo na ramdam mo ay madalas walang pakielam sa buhay ng iba.

---

[10:27] elTigre: normal bang jumebs ng 3 times a day?
[10:27] MuGen: oo pag marami ka kinakain
[10:28] MuGen: malambot ba ang jebs?
[10:28] elTigre: ok lang normal lang naman
[10:28] MuGen: walang problema dun
[10:28] elTigre: yun na nga kasi ang dami ko kumain kaya madalas din
[10:28] MuGen: asus
[10:28] MuGen: ikaw rin sumagot sa tanong mo
[10:28] MuGen: hahaha.
[10:28] elTigre: bka kasi me something lang dun
[10:28] MuGen: breakfast ka na?
[10:29] elTigre: hindi pa
[10:29] elTigre: 12 ang breakfast ko lagi e
[10:30] elTigre: sakit talga ulo ko e di parin nawawala me konti pa e
[10:30] elTigre: biogesic na nga ako ng biogesic ayaw mawala
[10:33] MuGen: hala
[10:33] MuGen: baka magkaproblema ka naman sa kidney niyan
[10:33] MuGen: pahinga ka lang miyaw
[10:33] elTigre: 2 lng nmn e
[10:33] MuGen: sobra kaya yun
[10:33] elTigre: hihihi
[10:33] elTigre: ganun

---

Kung tutuusin ay isang malaking trade deficit ang aming mga pag-uusap. Madalas ay siya ang may kuwento (o reklamo) habang ako naman ay kanyang tigapakinig lang. Wala rin naman akong masasabi. Kung malalaman niya lang ang mga issue ko sa buhay ay baka magka-nose bleed ito. Sa aming paguusap ay naiimagine ko kung paano pumasok sa relasyon itong si El Tigre. Kung siya ay pipili ng kasintahang babae, tiyak ay dapat higit na mature at maalaga ito kesa sa kanya. Nakikinita ko rin na siya yung tipong hindi magpapatakbo ng relasyon kundi susunod lamang dito sa mga panahong kanyang maiibigan.

Just the same, it is still too early to tell what to know about him. Tutal hindi pa pumapasok sa aming mga kuwentuhan ang kanyang buhay pag-ibig o kaya naman ang kanyang pangarap na mag-settle down at magkapamilya balang araw. Para kay El Tigre, higit na mas mahalaga ang career at ang ma-promote sa kanyang trabaho. Pangalawa dito ang gym kung saan naging panatag ang loob namin sa isa't isa .

Marami pa akong mga bagay na dapat malaman tungkol sa kanya. Marami rin ang maaring hindi ko na madiskubre pa. But, whatever it's worth, I'm so glad we still see each other as two straight friends.

---

[10:44] elTigre: so no gyming nu
[10:44] elTigre: [insert evil smiley here]
[10:45] MuGen: WALA
[10:45] MuGen: pahinga ka lang
[10:45] elTigre: hahahah
[10:48] MuGen: maniwala ha!
[10:48] elTigre: opo
[10:50] MuGen: [insert smiley here]
[10:50] MuGen: nagpaalam ka na na di ka makakapasok?
[10:52] elTigre: oo naman
[10:52] MuGen: ayan ready ka na sa isang holiday
[10:52] MuGen: hehehe
[10:53] elTigre: holiday?
[10:55] MuGen: ganon tawag ko
[10:55] MuGen: pag absent sa wrok
[10:55] elTigre: hahahaha baliw ka

---

Sapagkat kung hindi, sa chat pa lang, alam mong makulay na ang aming usapan. Paano pa kaya kapag kami'y nagkasundo sa aming unang pagkikita?

PS: Ang Tigre ay naggym kinahapunan. Tiyak na may masakit na naman ang katawan bukas ng umaga.


No comments: