Monday, January 12, 2009

Love Birds

Minsan masarap mag-trip ng dalawang kaibigang nag-iibigan. Palibhasa'y may pagka-torpe ang dalawa, kailangan pa ng ikatlong gulong upang maipaabot ang nararamdaman ng isa para dun sa isa:

[21:12] Heartreb: eh ayun..
[21:12] Heartreb: ang lamig ngayon
[21:14] Mugen: hehe
[21:14] Mugen: sabihan mo [si nililigawan mo]
[21:14] Mugen: "ang lamig ngayon, sana ka-hug kita."
[21:14] Mugen: kikiligin yan
[21:14] Heartreb: hahaha
[21:16] Heartreb: [insert smiley face here]
[21:16] Mugen: nasabi mo na
[21:16] Mugen: online siya
[21:16] Mugen: hehehe
[21:17] Heartreb: hindi
[21:17] Heartreb: yoko nga
[21:17] Heartreb: hehehe
[21:17] Mugen: gusto mo ako magsabi
[21:17] Heartreb: kausap mo ba?
[21:17] Mugen: imamack ko siya
[21:17] Heartreb: wag na
[21:17] Mugen: sabihin ko na
[21:17] Mugen: hehehehehe

Nakakatuwang isipin na ilang buwan ang nakaraan nang ikumpisal sa akin ni Bato ang kanyang pagtingin kay Heartreb. Noong mga panahong iyon ay marami ang kaagaw ni Bato sa attensyon ng kanyang gusto. Hindi ko rin sigurado kung si Heartreb ba ay may gusto kay Bato. Ang mga maling diskarte na aming gagawin ay maaring mauwi sa pagkasira ng barkada. Nangyari na ito nang minsang tinulungan ko ang isa pang barkada na may pagtingin sa aming kaibigan na si Heartreb na hindi nag work out.

Kaya't nagpasya akong ilihim ang mga inamin sa akin noong gabing iyon.

[21:17] Mugen: sabi ni Heartreb kung pwede ka daw ma hug. Hehehehe.
[21:20] Bato: aha!
[21:20] Bato: hindi naman daw eh
[21:20] Bato: hehehe
[21:20] Bato: sandali lang joms ha

Buwan ang lumipas nang si Heartreb naman ang umamin sa akin. May pagtingin daw siya kay Bato subalit natatakot siyang hindi mapansin nito. Nang mga oras na iyon ay abot tenga ang ngiti ko sa labi. Who would have thought pareho nilang gusto ang isa't-isa subalit takot sa mga sasabihin ng kabarkada. Sa akin naman ay di bale na ang makasagasa ng mga kaibigang nakikipagagawan sa atensyon ng dalawa.

Basta ba tunay ang nararamdaman ng bawat isa, handa akong ipaglaban magkatuluyan lamang sila.

O Sabel this must be love!

Ako ang magiging matchmaker ng dalawa!

[21:46] Mugen: kaya nga
[21:46] Mugen: sabihin ko kay Heartreb hug mo rin siya?
[21:46] Mugen: hehehehe
[21:47] Bato: hahaha
[21:47] Bato: pwede rin
[21:47] Mugen: ^_^

Ilang araw bago sumapit ang kaarawan ko, muli kong tinanong si Bato kung mayroon pa rin siyang pagtingin kay Heartreb. Sumagot ng oo ang binata sa text. Ako naman ay nagsimulang gumalaw upang bigyang lakas ng loob si Heartreb magparamdam sa isa. Mabagal ang binata. Subalit dahil alam kong pareho nilang gusto ang isa't-isa kulang na lang na isigaw ko ng harapan.

"Crush ka ni Bato!"

"Gusto ka ni Heartreb!"

Ang nagpipigil lang sa akin ay ang kanilang karapatan na dumiskarte kung paano magkakaalaman ng pag-ibig sa isa't isa. It will be their moment at labas ako sa usapang iyon.

[21:47] Heartreb: hmmm...
[21:47] Heartreb: senti
[21:47] Mugen: hug ka daw ni
[21:47] Heartreb: hahaha
[21:47] Mugen: Bato
[21:47] Heartreb: Heartreb has buzzed you!
[21:47] Heartreb: wushu
[21:48] Mugen: [insert smiley face here]

***copy pasted from previous conversation

[21:46] Mugen: sabihin ko kay Heartreb hug mo rin siya?
[21:46] Mugen: hehehehe
[21:47] Bato: hahaha
[21:47] Bato: pwede rin

***

[21:48] Heartreb: hahaha
[21:48] Mugen: uyy nagblublush siya!~
[21:49] Heartreb: hehehe

Bisperas ng akinse, sa Christmas Party ng PEx muling nagsama ang dalawa. Kabilin-bilinan ko kay Heartreb na ihatid pauwi ng bahay si Bato. Ngisi lang ang isinukli sa akin ng mahiyaing binata. Naghahanap ako ng kasiguraduhan na gagawin niya ang plano ko kaya't tiningnan ko ito sa mata't sinabing

"Kahit pa-birthday mo na sa akin to bro."

Noong gabing iyon, halatang masaya ang dalawa. Magkatabi itong nakaupo sa isang sulok at waring walang nakikitang iba. Ako naman na nakikigulo noong mga oras na iyon ay walang kaalam-alam sa binabalak nitong si Heartreb. Didiskarte pala ang binata nang hindi sinasabi sa akin.

Sa isang laro kung saan ibibigay ng kalahok ang tsokolate sa kanyang crush, ibinigay ni Bato ang tsokolate kay Heartreb. Sa hiya ni Heartreb, binigay nito ang kanyang tsokolate sa isang kaibigan na dating may pagtingin sa kanya.

Subalit habang iniinterview ang Heartreb ng mga intrigerong hosts, kumabig ito at sinabi ang tunay na nararamdaman ng kanyang puso. Nabigla ang buong Pinoyexchange sa pagkanta ng binata.

Dahan-dahan daw itong lumapit sa microphone, ayon sa mga saksi. Nangangatal ang boses at nanginginig ang kamay, ito daw ang mga linyang binitawan ng binata: "bago ko sagutin yan [isang intrigang binato ng mga host] gusto ko lang ipaalam sa inyong lahat na nagsinungaling ako kanina at hindi ko binigay yung chocolate sa crush ko. Gusto ko yun ibigay kay Bato dahil siya ang crush ko."

Palakpakan ang lahat ng tao. Hindi naman makapaniwala ang mga may lihim na pagtingin sa dalawang binata.

Samantalang ako ay inabot ng isang linggo bago malaman ang mga naganap noong gabing iyon. Ingratang mga love birds yan.

Mag-iisang buwan na matapos ang pag-amin ni Heartreb kay Bato. Nagkaroon na rin ng pagtanggap mula sa mga taong naging bahagi ng nakaraan ng dalawa. Tingin ng marami ay exclusively dating ang dalawa. Pakiramdam ko naman ay nagkakahiyaan sina Bato at Heartreb sa isa't isa.

Anuman ang aming mga kuro-kuro, hangad namin ang kasiyahan nilang dalawa.

Hindi ko alam kung sadyang pailalim lang dumiskarte itong si Heartreb. Malihim at mahiyain kasi ito. Ngunit dahil ako ang may pakana kung bakit naging malinaw ang ugnayan nila ni Bato, ginawa ko na ring karir ang subaybayan ang takbo ng kanilang kwentong pag-ibig.

Kasing edad ko si Heartreb. Si Bato naman ay bata sa amin ng ilang taon. Bilang matanda, si Heartreb ang higit kong ginagabayan kung paano popormahan si Bato. Inaasahan ko rin naman na siya ang gagabay dito sakaling maging magkasintahan sila.

Dalawang beses na ako sumuong sa pag-ibig. Marami rin akong ginawa upang mag-work out ang mga ito. Sa dinami-dami ng aking karanasan sa pagpapaabot ng pag-ibig sa minamahal, ito ring mga paraang ito ang siyang binubuhos ko upang mapaglapit ang mga taong nagkakamaling humingi ng payo sa akin.

[21:56] Mugen: don't hesitate to ask me questions
[21:56] Mugen: how to make him fall for you.
[21:56] Mugen: ipapasa ko lahat ng alam ko.

Sana magkatuluyan sila.

---

So close to reaching
That famous happy end.
Almost believing
This one's not pretend
Now you're beside me
And look how far we've come
So far
We are
So close...

- Jon McLaughlin, So Close

No comments: