May kasabihan na makikilala mo ang isang tao sa kuwartong tinutuluyan nito. Malalaman mo ang kanyang vanity level, ang kapraningan nito sa buhay at kung gaano siya kaayos at orderly sa kanyang sarili at sa kanyang paligid. Madidiskubre mo rin sa pagtingin sa kanyang kwarto ang mga bagay-bagay na mahalaga sa kanya - kung ito ba ay sarili, pamilya, o kaya naman ang mga materyal na gamit na siyang nagbibigay kabuluhan sa kanyang pagkatao.
Sa kuwarto mo malalaman ang interest ng isang tao. Dito mo rin malalaman ang kanyang intellectual o kaya naman ang kanyang physical leanings; Kung ito ba ay mahilig sa gadget, o kaya naman sa libro, o mas priority niya ang sports higit sa anupaman. Kung ang isang tao ay walang sariling kuwarto, sa kanyang maliit na espasyo - maski man ito'y isang papag o backpack lang ay malalaman mo rin ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya.
Take for example ang kaibigan nating blogger na si Dabo.
Isang linggo matapos niyang i-post ang kanyang New Year's entry, sariwa pa rin sa aking isip ang kanyang "Mi Amor Karton" na litrato. Ewan ko ba kung bakit masyadong napukaw ng litratong ito ang aking damdamin. Iyon ba ay dahil higit kong nakilala ang kanyang koboy spirit? O dahil noong mga panahong iyon ay wala man lang ni-isa sa amin ang nakaalam kung gaano kapayak ang kaligayahan ng aming kasama.
It makes you wonder, but I'm really impressed at how simple his pleasures are.
Subalit hindi tungkol doon ang aking entry para sa araw na ito.
Kung si kaibigang Dabo ay may kakayahang mag-survive sa isang karton bilang tulugan, nakakatagal naman ako sa isang bag na, sa maraming pagkakataon ay halos mawarak dahil sa bigat ng mga laman nito. Ang bag na ito ay nasa akin na rin ng mahigit kalahating taon. Umulan man o umaraw ay lagi itong nakasakbit sa aking likuran tuwing ako ay nasa labas ng bahay. Dahil isang bag lang ang ginagamit ko, minsan ko lang yata ito napalabhan sa aming kasambahay.
Nitong gabi ay nakatanggap ako ng bagong backpack mula sa isang kaibigan.
Matapos itong ilabas sa plastic bag, kaagad kong napagpasyahan na iretiro na ang aking lumang bag. Malungkot mang isipin ang mawalay sa kasa-kasama mo ng maraming buwan - ang iyong personal mobile carrier na naging saksi sa buhay mo sa labas ng bahay, ito'y makakabuti para sa bag, lalo pa't manipis na tela na lang ang bumabalot sa ilalim nito
Matapos itong ilabas sa plastic bag, kaagad kong napagpasyahan na iretiro na ang aking lumang bag. Malungkot mang isipin ang mawalay sa kasa-kasama mo ng maraming buwan - ang iyong personal mobile carrier na naging saksi sa buhay mo sa labas ng bahay, ito'y makakabuti para sa bag, lalo pa't manipis na tela na lang ang bumabalot sa ilalim nito
At dahil nabanggit ko sa simula ng entry ang koneksyon sa pagitan ng personality ng isang tao at mga bagay na nagrereinforce dito, I'd share to you the contents of my bag.
Wala sanang magrereact sa mga gamit na araw-araw kong dinadala sa lansangan:
- Wallet
- Ipod Nano
- iPAQ Cellphone
- Menthol Inhaler (dahil trip ko na laging may sinisinghot)
- Lighter (na inarbor ko kay Macoy bago siya makipagtanan kay Miss Bermuda)
- Water Tumbler
- Basketball Shorts (kapag gym day, may kasama itong face-towel at sando)
- Gym Gloves (na nangigitata palagi sa dumi)
- Timer na nakalagay sa cigarette canister
- Clinique Happy na spray (na pa-krismas gift ni Lukayo)
- Tatlong pack ng Frenzy (in case of emergency hehehe.)
- Stuff toy na aso (na lately ko lang narealize na reincarnation pala ni Dominus)
- ID sa office (na hindi ko pa nasuot kahit minsan)
- Bible, New Testament
- Maliit na wooden rosary
- Prayer Book na bigay ni Mama
And true to the nature of the person from where the backpack came from, this new personal mobile carrier shall bear witness to my outdoor stories from now on.
May my life be with this keeper as interesting, as the giver of it wished himself to have.
No comments:
Post a Comment