Maraming beses nang sumagi sa isip kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Tigre sakaling malaman niya na hindi ako straight. Hindi kaya siya biglang mailang at basta na lang akong hindi pansinin? Magtaka kaya siya kung bakit "Miyawmiyaw" ang palayaw niya sa tuwing babati ako sa YM? Manibago kaya siya sa mga panahong nagiging maalalahanin ako sa kanyang pang araw-araw na kalagayan at dahil dito'y maging mailap sa akin?
Minsan naiisip ko rin na hindi kaya PLU ang binata't hindi lang nito sinasabi ang tinatago nitong lihim. Puwede rin naman na masyado lang siyang natutuwa sa binibigay kong atensyon kaya't kahit na nagmumukhang "mag-syota" ang aming usapan, wala pa rin siyang pakiealam dito at tuloy pa rin sa pakiki-ride on sa akin.
Subalit anuman ang pagkukulay na aking gawin at gaano man ka-ambigious ang mga bagay na pinaparamdam namin sa isa't isa, darating ang panahon at ipapatuklas niya rin sa iyo ang kanyang tunay na pagkatao.

---
[20:31] elTigre: nga pala na kwento ko sa basayu
[20:31] elTigre: nung sabado munik na ako maka sagot ng bakla sa gym
[20:31] MuGen: makasagot ng bakla?
[20:31] MuGen: bakit?
[20:31] elTigre: e puking ina
[20:32] elTigre: kasi inaayus yung locker ng lalake
[20:32] MuGen: lutong ah!
[20:32] MuGen: tapos?
[20:32] elTigre: curtains ang takip sa shower
[20:32] elTigre: sabi ba naman
[20:33] MuGen: u?
[20:34] elTigre: OH GOSH KUYA (SA UTILITY) BKIT NAMAN GANITO SCARY
[20:34] elTigre: tapos
[20:34] MuGen: okay.
[20:34] elTigre: SABI KUYA PWEDE MO BA AKONG BANTAY SHOWER LANG AKO NG SANDALI
[20:34] elTigre: puta
[20:34] elTigre: sisilipan kaba
[20:34] MuGen: arte!
[20:35] MuGen: hindi tatagal sa Eclipse yan
[20:35] elTigre: muntik ko na sabihin langya anu ka artista
[20:35] elTigre: napaka arte oo nakakatakot na curtain lang pero wala ka naan magagawa
[20:35] MuGen: curtain kaya ang
[20:36] MuGen: kurtina sa gym namin
[20:36] elTigre: hahaha
---
Mahigit isang buwan na rin simula nang kami ay magkakilala sa PinoyExchange ni Tigre. Mula sa maikling usapan sa private messages tungkol sa isang exercise program, ito ay nauwi sa pagpapalitan ng YM address sa internet. Anim na araw sa isang linggo kung kami ay magtagpo sa chatroom. Madalas ay tungkol sa pagbubuhat at wastong pagkain umiikot ang aming usapan ngunit paminsan minsan ay nadadapo rin kami sa kwentong buhay ng bawat isa.
---
[20:41] elTigre: yun na nga e
[20:41] elTigre: pero di ako ngayun nakakapag yabang sa gym e
[20:41] elTigre: [insert smiley here]
[20:41] MuGen: kasi?
[20:41] elTigre: nagbabalat katawan ko e
[20:41] MuGen: hahaha
[20:41] MuGen: so hindi ka nagdidisplay ng mala-adonis mong katawan
[20:41] MuGen: nyahahaha
[20:41] elTigre: hahah
[20:42] elTigre: ooanaka brip lang
[20:42] elTigre: joke
[20:42] elTigre: [insert smiley here]
[20:42] MuGen: yabang
[20:42] elTigre: hindi ko ata kaya yun
[20:42] elTigre: joke laang
[20:42] MuGen: hehehe
---
Mararamdaman mo sa inyong kuwentuhan kung gaano siya ka-loner na tao: Nakatira siya sa Maynila kasama ang kapatid (na mukhang kabangga yata ngayong mga araw); ang nanay ay nasa probinsya; walang katropa sa trabaho at tanging gym at photography ang inaatupad sa buhay. Marahil ay marami pa akong dapat malaman tungkol sa kanya, subalit dahil sadyang maliit na bahagi lamang ng kanyang mundo ang kanyang pinapakita, minarapat kong manatili sa mundong iyon.
---
---
[20:49] MuGen: 10 minutes parekoy!
[20:49] MuGen: laya ka na
[20:50] elTigre: ako
[20:50] elTigre: hmmm
[20:50] elTigre: defined
[20:51] elTigre: hahaha nkita mo naba yung ngayun edi naman a
[20:51] MuGen: naka lantad kaya
[20:51] elTigre: pero oo mas defined yun kesa ngayun
[20:51] MuGen: sa facebook mo
[20:51] elTigre: ah yun ba
[20:51] elTigre: [insert smiley here]
[20:51] MuGen: yung sa mga beach photos mo
[20:51] elTigre: taba nu
[20:51] elTigre: walang cuts
[20:52] MuGen: hahaha
[20:52] MuGen: okay pa yun
[20:52] elTigre: yung me cuts
[20:52] MuGen: uu
[20:52] MuGen: kaingget.
[20:52] elTigre: tungaw pag nkita mo ako naka damit nun
[20:52] MuGen: mukha ka hiphop?
[20:52] elTigre: payat
[20:52] elTigre: oo ngaun mejo malamn na
[20:52] elTigre: pero amg dedefine ako try ko sa feb
[20:52] MuGen: hehehe
[20:53] elTigre: papalit lang ako ng joging pants
[20:53] MuGen: sige brad
---
Nasabi niya minsan na namimili siya ng mga taong kinakausap. Ang rebelasyong ito ay tunay na nakapagpataba ng aking puso. Ito ay dahil sa ang pagkatiwalaan ng isang estranghero mula sa mundo ng mga straight ay isang malaking bagay para sa akin. Ilan lang bang straight ang napapakisamahan ko gaya ng pakisamang binibigay ko kay Tigre?
Wala pa yatang sampu.
Sa loob loob ko, ang mga lalaking katulad ni Tigre ay pagkakaguluhan sa aking mundo. Marahil ay nakatiyamba ako ng isang inosente at mahiyaing binatilyo na nagbukas ng kanyang mailap na pintuan papasok sa kanyang buhay. Kumbaga, siya ay nakatagpo ng barkada na kahit maging kaduda-duda man ang pinakikita nitong pagpapahalaga sa kanya, sa huli ay nananaig ang pakikisama na di nito nakikita sa iba.
Ito marahil ang pwersa na nagbubuklod sa aming dalawa.
Marami pa ang mga linggong bibilangin bago kami magtagpo ng harapan. Sa kabila nito ay planado na ang dahilan ng aming pagkikita. (ang pagsama niya sa akin sa Cash and Carry upang bumili ng Hydroxy Cut, ang pangako niyang Cheeseburger sa Mcdo, ang pangako kong pagtuturo kung paano mag-focus ng subject para sa kanyang photoshoot) Sa ngayon ay sapat na ang halos araw-araw na pag-uusap sa chat na may kaunting asaran at paminsan-minsang lambingan upang iparamdam na naroon kami upang bigyang distraction ang buhay ng isa't isa.
Weird, sapagkat gaano man kami kalapit sa tuwing magkausap, alam ko na walang taluhan sa aming dalawa.
Sa mahigit pitong taon ko na pagiging PLU ay marami pa akong dapat matutunan. Mukhang kay Tigre ko malalaman kung paano makisama at makisalamuha muli sa isang straight nang hindi nilalantad ang tunay kong pagkatao.
---
[21:03] elTigre: cge uwi na ako
[21:03] MuGen: babay
[21:03] MuGen: miyawmiyaw
[21:03] MuGen: [insert smiley here]
[21:03] elTigre: later if online kapa
[21:03] elTigre: ingat brad
Happy Birthday Parekoy!

No comments:
Post a Comment