Saturday, October 17, 2009

Guro (First Part)

Sinasabi ng marami na dumadaloy daw sa dugo ng aming angkan ang pagiging guro. Bukod sa aking nanay, lima sa kanyang mga kapatid ang nasa training o kaya naman ay kapareho niyang educator sa isang unibersidad. Isang pinsan ang kasalukuyang may part-time sa Ateneo samantalang ang utol ko naman ay rumaraket sa pamamagitan ng pagtuturo ng NSTP sa La Salle. Kung titingnan mo ang pattern, hindi nalalayo na pati ako ay dapat sumunod sa trabaho ng pamilya.

Sa kasamaang palad ay magaling lamang ako sa one-on-one sessions. Ilang beses ko na ito napatunayan sa trabaho nang minsang gawin akong side-by-side trainer ng ahente. Subukan nila akong pagsalitain sa harap ng maraming tao at tiyak na magstu-stutter ang pananalita ko.

Ganoon na ako simula pa noong college. Mabilis masira ang train-of-thought ko kapag nagsasalita kaya't madalas ay pa-cute lang ako tuwing may reporting sa klase (lalo na kung ang prof ay bading) o kaya naman ay nagbabasa ng report habang pinagmamasdan maghikab ang guro sa likuran ng room.

Hindi na bago na sa tuwing prelims at finals ay papakiusapan ako ng aking ina na magbantay ng kanyang klase. Bukod kasi sa hirap itong maglakad, ang kanyang kabaitan ay inaabuso ng kanyang mga estudyante. Nagkokopyahan daw ang mga ito kahit sa kanyang harapan. Kaya naman kapag ako ang kanyang bantay, kulang na lang ay maihi sa upuan ang mga nag-eexam. Kulang na lang kasi ay manigaw ako sa tuwing nakakahuli ng student na nakikipag-usap sa kanyang katabi.

---

Mag-aalas siyete na ng gabi nang matapos ang aking pagbabantay. Labing dalawang oras na akong gising; isang bote ng Cobra, isang sachet ng Oatmeal, tatlong pirasong fried siomai at apat na pirasong itlog ng pugo lang ang laman ng aking sikmura buong araw; at ang pagod at pananakit ng kaliwang kamay ay unti-unti nang sumisira ng aking mood. Palabas na ako ng campus noon at pauwi ng bahay nang biglang nagpahabol ng text message ang aking ina.

"Anak nkalis knb? Bka pwde k blik sandali kung d2 kp skul. Kung wala n txt klng pra mlaman ko."

Handa na akong mangdedma ng text message. Kung alam ko lang ay may itatanong ito na maari naman niyang itanong kapag nagkita kami sa bahay. Sa isang banda, may nag-uudyok sa aking bumalik. Ramdam ng aking sarili ang kanyang matinding pangangailangan. Kaya't kahit nasa ground floor na ako't isang tawid na lang ng kalsada ay nasa walkway na ako palabas ng campus, muli akong umakyat sa sixth floor upang puntahan ang aking iniwanan.

"Ay buti nandito ka pa, puwede ka ba ulit mapakiusapan?" Bungad ng maestra.

"Ano yun."

"May reporting pa kasi yung make-up class ko dito eh nakalimutan ko na may klase pala ako ngayong oras na ito." Aninag sa kanyang mga mata ang pagkamaligalig. Patapos na kasi ang semester at ang mga bata ay kating-kati na ma-enjoy ang kanilang sembreak.

"Gusto mong ako ang maghandle ng isang class mo?" Ang pagvo-volunteer ko sa kanya.

"Oo sana, magrereporting lang naman sila. Ikaw na ang mag-grade."

Hayun naman pala eh, na-promote na ako sa pagiging tagabantay ng kanyang klase at tiga-input ng grades sa kanilang online database. Ngayon ay puwede na akong mag-grade ng final requirement ng estudyante.

Sa kabila ng bugbog na katawan at nagbabadyang pag-init ng ulo, alam kong wala akong magagawa. Gets ko na kung bakit nagpro-proctor pa lang ako sa una niyang klase ay hesitant na akong umalis at hindi sabayan ang aking nanay pag-uwi sa bahay.

Ito pala ang dahilan.

"Salamat anak ha. Papuntahin mo dito yung president nila bago mo introduce sarili mo sa class."

"Opo."

Bitbit ang pagkalaki-laking bag na puno ng orders na inutang sa Avon, lumakad ako palabas ng kanyang classroom upang hanapin ang aking mga estudyante.

---

-tobecontinued-

26 comments:

gillboard said...

i wonder what happens next. mukhang magiging interesting read ito. post mo agad kasunod joms.

<*period*> said...

ako kuya, palaging sinasabihan na dapat maging guro...even our school president, former justice secretary nani perez, yan ang sinabi sa akin during our graduation...

nag-aplay na rin akong mag-part time sa tatlong unibersidad dito.yung dalawa hindi ako tinawagan kasi kahit impressive yung credentials ko at excellent ang grade sa teaching demo, hindi nila ako kunin kasi hindi pa nakakapag-enroll ng masteral..yung isa naman, willing to take me in kaso the amount offered in exchange for my service prevents me to accept it.

sa ngayon, naghahanap pa ako ng willing kumuha sa akin para makapag-part time teaching kasi i needed the money

(and yes, kinain ko ang sinabi ko nuon na hindi ako magiging professor)

and yes ulit, takot sa akin ang mga estudyante kasi kahit mukha raw akong bubbly, nagugulat sila sa standards ko at kapag nagsalita na ako sa klase (that's why mas malimit nag-style bata ako sa pagsasalita o pagtetext..masyado raw kasing maaangas at domineering ang dating ko kapag nagpaka-formal ako)

sa tingin ko, magiging strikto ang dating ko kung naging prof ako..aminado kasi ako na mataas ang standards ko, lalo na sa studies.

Mugen said...

Naks ang bilis ng pasok ng comment ah. Nag-rerevise pa lang ako ah. Lol.

Period: Hindi ko alam na may kuwento kang ganun ah. Sana maipasok ko sa susunod na entry paano nakuha ang attention ng mga bata.

Hehehe.

Gillboard: Pinaghahandaan ko na kung paano isusulat ang last part. :)

Unknown said...

well, thats was a noble and desent job. ako rin po, future teacher din po! ;-]

Aris said...

why not, di ba? pwede namang karerin ang pagiging teacher. nasubukan kong magturo noon. one sem lang. masaya at very fulfilling kahit maliit ang suweldo. :)

Dabo said...

agree ako kay gillboard..mukha ngang magiging interesante ang susunod na kabanata..

follow up ko na lang yung commnet ko ah..

rudeboy said...

This may sound like lip-service, but I truly believe teaching is a noble profession. The hours are long, the frustrations many, the financial rewards few.

Still - to shape the minds and influence the lives of the next generations - what a priceless privilege that must be.

Mugen said...

Rudeboy: And a great responsibility as well. It doesn't matter if the hours are long and the frustration, high. As long as you have the passion, everything will be fine.

Dabo: Hala, ngayon na-pressure na ako. Ang hirap kaya habulin ng aking musa nitong mga nakaraang araw.

Mugen said...

Xavier: Uy education pala major mo. Good luck dude. ^_^

Aris: Magtuturo lang ako pag may hubby ako na mas malaki sinusweldo sa akin. LOL.

Anonymous said...

may "calling" ang pagiging isang guro. kapag kaya ko ng sawayin at turuan ang sarili ko, gugustuhin ko ring magturo balang araw.

wanderingcommuter said...

mag turo ka na daliii! mukhang you'll be one hot teacher... hihihi!

John Ahmer said...

waiting for the continuation hehe : D

red the mod said...
This comment has been removed by the author.
red the mod said...

Being a teacher goes beyond what the four walls of the academe defines. It is imparting knowledge, inspiring learning and assisting in another's discovery of their capacity for improvement.

It's allowing another the freedom to realize their potential. It's believing that someone is way more than what their present professes. It's knowing that one could be better, with a little guidance.

It is a tricky job. And often frustrating. The rewards are few, but well-worth.

You might not know it, but you are a teacher. A mentor. And a friend. All rolled into one.

period said...

You might not know it, but you are a teacher. A mentor. And a friend. All rolled into one.

AGREE AKO KAY RED THE MOD...

yun lang ang masasabi ko, kuya joms

Anonymous said...

kaya nga magkaigan tayo eh.. nasa dugo mo rin ang pagiging isang magaling na guro..

you who i am ;-)

Anonymous said...

kapatid, sit in ako sa klase mo hehehe. dnt worry nde ako mambuburaot sa klase.

u know hu i am.

Mugen said...

Anon1: Wushooo!! Maghahanap ka lang ng twinks eh. Marami dun!

Anon2: Naku maraming salamat pinuno. :)

Period: Those things are still to be proven. Marami pa akong shortcomings sa buhay eh.

Mugen said...

Red the Mod: Part of being a teacher is to motivate, inspire, believe in students who have already lost faith in themselves. Part of me, is still not convince that I could fill that part, but now that I'm realizing what the essence of a true teacher is, probably in time. I will follow that path which was already laid to us.

Thank you my friend.

Wait: I will take some time-off to think how will I finish the final part. Medyo mahirap yata yun. Ehehehe.

Mugen said...

John Stan: Ikaw pasaway? Weh! Hindi ako maniniwala.

Ewik: Bitchesa kamo. Tagal mong dumating kahapon. Naabutan mo akong pagod na saka ipit na para sa susunod kong lakad. :(

Di tayo tuloy nakapagkuwentuhan.

Anonymous said...

ako naman, sabi nung college ako, effective public speaker daw ako. ewan ko ba kung bakit, hahaha.

naexperience ko na ring maging teacher nung highschool pag student's week sa amin. kahit 1 week lang, masarap sa feeling kasi you get to lead the class and provide knowledge to them pero dun din ko napatunayan na true calling ang pagiging teacher kasi kahit makukulit ang mga tinuturuan mo, kelangan graceful ka pa din and composed. eh maikili lang pasensya ko when it comes to kids, hehehe.

Anonymous said...

saludo talaga ako sa pagiging anak mo Knox. Kung ako 'yun susundin ko pa din mama ko pero nakailang comment na ako nun before gawin hehe

Mugen said...

Maxwell: Siguro kapag naging guro ka eh napaka-unconventional mong teacher. Hehehe. I wonder how would you look like being one.

Xtian: Thanks! In the last part, I'd tell what could have happened had I ignored her plea for me to take over her class.

Anonymous said...

Welcome and thanks sa *hug* me *hug* you back.

Anyway, way back in elemtary and hs, oftentimes my profs lagi nila ako kinukuha bilang guro to take over their class during teacher's day. Math, physics, biology, theology ewan ko nga bakit ako pero tinangap ko din naman. sa college, tutor din ako sa mga kaklase ko at kapatid ko hehe. pero ayoko maging teacher.

Mugen said...

Xtian Hate na hate ko ang reporting sa harap ng class. Imposible nila akong kunin bilang guro. Lol.

Anonymous said...

hate na hate ko din kaya. ewan ko anong nakain nila at ako lagi kinihuha.