Tuesday, October 13, 2009

Sando





Alas-nuwebe pa lang ng umaga ay tatakas na ako ng bahay. Sa gulang na anim na taon ay laman na ako ng aming lugar. Sa tapat, kung saan mayroong malaking lumang bahay ay may apat na mga bata. Tatlo ay nakababatang kong pinsan samantalang ang huli ay isang babae na halos kasing-edad ko lang. Masukal ang kanilang bakuran. Doon ay matatagpuan ang sari-saring mga puno kagaya ng Bayabas at Karumay. Mayroon din silang Guyabano pati na rin Dama De Noche. Ang kanilang hardin ay puno ng iba't ibang bulaklak. May Yellow Bell at pati na rin makukulay na Santan. Madalas ay naglalaro kami ng luto-lutuan. Mamimitas kami ng mga dahon at bulaklak sabay papakuluan ito sa pamamagitan ng siga na aking ginawa. Minsan ay nanghuhuli ako ng maliit na gagamba o kaya naman ay manunungkit ng bulate sa tabing kanal. Kapag nakatingin naman ang kanilang mga magulang ay nagpapagulong na lang kami ng kotse-kotsehan sa palaruan. Sa tuwing bumubuhos ang malakas na ulan at pagkatapos ay magbabaha, handa na ang aking talampakan na lumusong sa maburak na tubig. Mapalo man kami sa puwet ng matatanda, ang mahalaga ay nakapagpalayag kami ng bangkang papel sa baha.

Ito ay ilan lamang sa mga paborito naming gawain noong ako ay bata pa. Sa panahong wala pang Internet, cellphone, cable TV at kung ano-anong gadget na makikita ngayon, lansangan ang tunay naming naging kaibigan. Hindi ko alam kung sino ang nakaisip magtabi, o sadya marahil nasanay na ang mga naglalaba ngunit sa pagdaan ng taon, nanatiling nakatago sa aking damitan ang sandong lagi kong suot noong ako ay babad pa sa daan.

Matapos ang matagal na panahon, nilabas ko ang sando upang itabi sa damit pangbuhat sa gym.





Ganito pala kabilis ang dalawampung taon.





21 comments:

Jaypee David said...

i-donate nalang yan! hehehe.. =)

~Carrie~ said...

pang-MMK :)

Soul Yaoi said...

Laki mo na ngaun.

period said...

HAAAY... :'(

engel said...

nasa'yo pa rin yung mga damit mo noong bata ka pa?

Mugen said...

Jay: Sentimental ako eh. No way! Hehehe.

Knoxxy: Parang magtatay lang no?

Period: Bakit?

Mugen said...

Carrie: Para naman maiba. Hehehe.

Engel: Tatlo sila, yung inuman ko nung 3 years old ako, isang paris ng sandals na suot suot ko rin nung bata pa ako, saka tong sandong to. Tinago lahat ng nanay ko sa paniwalang bibigyan ko to ng halaga pagtanda.

Hindi siya nagkamali.

period said...

kagagaling ko lang sa batangas..at actually, ganiyan din yung nangyari sa akin, nakita ko na nakatago pa yung mga luma kong sando..i was about to post something similiar to this when i saw you post..yung sando ko nung bata na kinunan ko ng picture ay may design na care bears na may hawak na lobo..naunahan mo ako kuya joms!

lungkot pa rin ako kuya joms...and this has nothing to do with love life..haaay...

:'(

Mugen said...

Period: Tingin mo ba bakit ako nagkukubli sa alaala ng aking pagkabata? :)

<*period*> said...

hmmmm, but i cant read your mind, aking kuya!haaaay

anyways, ikaw ba si knoxxy ng verum peto?

abangan mo na lang yung ipopost kong bago...lalandi na lang ako sa blogpost na yun. ahihihihi

Mugen said...

Period: Nope. Isa siyang old friend mula sa mundo ng G4M. Sa kanyang pagbabalik, nagdadalawang isip nga akong isuko ang pangalang Knox Galen. Hehehe.

<*period*> said...

SA ISA kasi niyang post, eto ang nakasaad sa kaniyang comments section:

2 comments:
Mac Callister said...
are u the same knoxx at souljacker?

October 11, 2009 12:35 PM
Knoxxy said...
@Mac Callister: Yeah I am. Why?

October 11, 2009 2:17 PM

Post a Comment


bakit ka nagkukubli sa alaala ng kabataan mo?hmmm, dahil ba nalulungkot ka rin kuya?

Anonymous said...

sarap nga namang maging bata ulit. walang ka proble-problema. laro lang tapos pag napagod, uwe tapos nuod ng TV, tapos hingi pera sa magulang tapos labas ulit, hehehe.

Mugen said...

Maxwell: Sinabi mo pa. Nakakamiss. Ehehehe.

engel said...

mabuti ka pa, sakin lahat naidonate na sa mga kamag-anak. pictures tsaka iilang laruan na lang alaala ko ng kabataan ko.

YAJNAT said...

hmmmmmmmm

is it your birthday?

havah birdie!!!

Anonymous said...

grabe knox astig. sa amin kase lagi pamana mga gamit kaya hinid maiwasang masira ito. ako ang panganay so mga gamit ko galing sa mga kaibigan at kaopisina ng mama ko then ipapasa ko un sa kapatid ko na sunod sa akin. kaya pag hindi na namin magamit at hindi pa nasira, ipapamana na naman ito ng nanay ko sa mga anak ng kakilala niya at kaopisina niya. mahirap talaga buhay namin dati sa probinsya.

Mugen said...

Engel: Sentimental rin mom ko eh, nag donate siya ng mga gamit ko pero she made sure to keep those I prized talaga.

Yajnat: Meron pa akong two months before I turn 28. Hehehe.

Xtian: Nabasa ko nga blog mo hehehe. Sa amin kasi mag-isa lang akong lalaki eh.

Anonymous said...

dapat pati brief may picture din heheheeh


-buraot mong shufatid

Mugen said...

Rain Darwin: Hindi ako nagbrie-brief nung bata pa ako. Kaya hanggang ngayon, commando pa rin ako sa bahay. Lol.

Soul Yaoi said...

I love commando when we its hot!