Monday, October 26, 2009

Guro (Last Part)

Para sa aking ina na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon.


Sa loob ng classroom ay may dalawang uri ng guro. Una ay yung basta makapagturo ngunit kulang naman ang laman ng utak (kung hindi man, masyado itong mapagmataas at walang ginawa kung hindi mag-power trip ng mga estudyante) at pangalawa ay yung matalino (at mapagkumbaba sa pagbabahagi ng kanyang mga nalalaman) Bilang dating estudyante at laman ng paaralan, alam ko kung sino sa dalawa ang higit na nirerespeto ng mga bata. Karanasan ang nagturo sa akin na dumaan man ang maraming taon ay yung mapagkumbaba at matalino pa rin ang siyang natatandaan ng mga estudyante.

---

Tumayo ang second reporter ng klaseng aking binabantayan. Gaya ng nauna ay hindi ito handa sa pag-uulat, bagkus ay binabasa pa nito mula sa xerox ang kanyang nirereport. Nakaramdam ako ng antok kaya't pinili ko ang maupo sa tabi ng estudyante. Siyempre tumabi ako sa lalaki. Biased kasi ako. Nagpatuloy sa pag-didiscuss ang babaeng nasa harapan ng classroom, subalit ako ay piniling makipagkuwentuhan na lang sa aking katabi. Just like the good old days, nagfe-feeling lang naman ako. Naalala ko kasi na may katropa ako noong third year college. Kapag buraot kami sa professor ay umuupo kami sa likod ng class upang pagpantasyahan ang mga kaklase naming babae.

Sa awa ng langit ay sumakabilang buhay na ang tropa kong ito matapos mag-iwan ng isang byuda at isang junior na ako pa ang piniling maging ninong.

Natapos ang ikalawang reporter na wala akong na-recall sa kanyang discussion. Basta tungkol sa education ang kanyang topic. Samantalang yung katabi ko naman, nalaman kong sixteen years old pa lang at graduate ng Ramon Magsaysay High School sa Cubao. Nalaman ko rin na hindi pa ito nagkaka-girlfriend at ayaw sabihin kung sino ang crush sa loob ng class.

Sumunod ang ikatlong reporter. Babae rin ito at mukhang sa tono ng kanyang pananalita ay alam ang kanyang ididiscuss sa klase. Tungkol ito sa introduction to Family Planning. Ang kanyang topic ay ang natural family planning methods. Hindi man ako bihasa sa usaping ito, ngunit nakita ko ang maningning na daan upang mapalapit sa klaseng aking binabantayan. Confident ang reporter, bibo ito't maganda ang presentation. Siya ang binigyan ko ng pinakamataas na grado sa lahat ng nagreport hindi lamang dahil pinaghandaan niya ang kanyang presentation, binigyan pa ako nito ng opportunity upang makapagsalita sa harapan ng kanyang mga kaklase.

"Class listen!" Bungad ko sa maiingay na tsikiting.

"Alam naman natin na ang religion lang ang siyang nagdidikta kung bakit kailangan natin ng natural family planning methods tama ba?" Lahat ay sumang-ayon sa aking opinyon.

"At alam naman natin na lahat tayo ay natural na MALILIBOG? Correct? Malutong ang aking pagkakabigkas ng salitang malibog. Hiyawan ang buong klase. May mga namula ang mukha lalo na sa hanay ng mga dalaga. Ang mga binata naman ay parang kiniliti sa kanilang mga betlog.

"Kung gayon ay I want you to pay attention. Mahalaga ang topic na ito sapagkat nakasalalay ang inyong hinaharap sa inyong mga mapapakinggan."

Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin upang maging maharot ang dila, lalo pa't mga menor na edad ang nakikinig sa aking bawat salita. Subalit sa mga oras na iyon ay alam kong mahalaga ang makuha nilang aral mula sa mga magsasalita.

Ilang estudyante pa ang nagpresent ng report sa harap ng class. Lahat ay puro tungkol sa pagpapamilya. Wala na ang nakatumbas sa husay ng ikatlong reporter ngunit ang diwa ng mga estudyante ay gising na gising na. Sa bawat pagkakataon ay pinipili ko ang magsalita. Naroong ginawa kong halimbawa ang palabas na Katorse sa Kapamilya Network upang maging babala sa mga pasaway na bata. Nasabi ko rin sa mga lalaki na dapat ay laging silang may nakatagong condom sa bag. Hindi ko na sinabi ang dahilan, ngunit sa edad nilang iyon ang maaring na-figure out na nila kung ano ang nais kong ipahiwatig. Ang kaisa-isang mag-jowa sa klase ay halatang kinakabahan. Magkahawak ang kanilang kamay at tila naghahanda sa oras na sila'y aking pagdiskitahan.

Prumeno ako't naisipang maging mushy. Bigla kong naalala ang mga panahong nangarap akong magkaroon ng gerlprend sa klase.

"Tandaan niyo lagi class, hindi sa lahat ng pagkakataon ay nauuwi sa break-up ang isang relasyon." Bitter na kung bitter, ngunit kailangang itago ang sarili kong mga kuwento. "May kilala akong tropa, nagsimula ang pag-iibigan sa loob ng classroom." May sumigaw sa likuran ng puppy love, habang ako naman ay nakatingin sa lovebirds na magkahawak pa rin ang kamay sa aking harapan. "Ngayong Disyembre ay ikakasal na sila sa simbahan, so huwag kayong maniniwala na walang happy ending sa mga nagmamahalan."

Nagpatuloy ang reporting hanggang sa ito ay matapos. Naroong pagtripan ko ang kanilang presidente, (at sabihan itong manyak sa dami ng alam pagdating sa contraception) at asarin ang nagrereport tungkol sa contraception dahil wala itong dalang condom at pills na ininsist ko na dapat ay kasama sa kanyang visual presentation. Sa totoo ay nagsisisi ako't naubos ang Frenzy na laging nakalagay sa loob ng aking bag. Kung may natira sana ay gumawa pa kami ng lobo't pinagpasa-pasahan ito hanggang maging riot ang section na aking binabantayan.

---

Sa wakas ay natapos rin ang lahat ng nagrereport. Bakas sa mukha ng mga nakinig ang shock (at aliw) na aking iniwan sa isang gabing kami ay magkakasama. Pati ang bitchesa na naglakas loob magdemand sa akin na simulan na ang reporting ay masaya sa aming naging katapusan. Matapos i-announce ang nakuhang score ng mga bata sa kanilang midterm exams ay maari ko na silang i-dismiss. Subalit gaya ng mga gurong nag-iwan ng magandang alaala sa akin, panahon ko namang mag-iwan ng magandang ala-ala sa mga batang kahit kailan ay hindi ko na makikita.

"Alright class, bago tayo magtapos ay gusto kong mag-iwan ng payong kaibigan sa inyo." Sa halip na magpatuloy sa pag-aayos ng kanilang mga gamit, ang mga bata'y masinsinang nakinig.

"Ngayon ang una't huli nating pagkikita. Most likely ay magkakalimutan tayo pagdating ng bagong semester. Subalit bago muna iyon, gusto kong malaman niyo what to expect sa mundo ng college." Unang semestre pa lang kasi nila sa unibersidad.

"Unlike sa high school na umiikot ang mundo sa atin, sa college ay kanya-kanyang langoy ang bawat estudyante. May mag-iiwanan, ilan ay malulunod at titigil sa karera sa pag-aaral at ang marami ay matatagpuan ang pampang pagkaraan ng ilang taon. Subalit bago niyo matagpuan iyon, asahan niyo na marami ang pakikisamahan. Bawal maging spoiled brat sa mundong ito." Matalas ang aking naging tingin sa bitchesang dalaga.

"Hangga't may oras ay mag-explore kayo sa labas ng classroom at higit sa lahat, sa tuwing kayo'y naliligaw ng landas, tandaan niyo lagi na ito'y paghahanda lamang sa totoong buhay. Eight years na akong graduate ng college ngunit kapag naalala ko ang mga panahong ako ang nakaupo sa kinauupuan niyo ngayon, hindi ko maiwasan makamiss."

"Magpaparty ba kayo pagkatapos nitong last class niyo?" Masyado yata akong nadala ng alaala ng aking kolehiyo. Nakalimutan kong nasa State University pala ako.

"Wala sir, mag-uuwian na kami."

"Kung gayon ay tapos na ang ating klase. Happy Sembreak sa inyo." Kaagad nagpulasan ang mga estudyante. Samantalang ako naman ay tahimik na lumapit sa aking backpack upang bumalik sa classroom kung saan patuloy ang reporting ng mga estudyante ng aking ina.

Sa aking paglabas ng kuwarto ay may natira pang mga estudyante. Sila yung mga cute na lalaki na nagkumpulan malayo sa aking kinauupuan. Wala ni-isa sa kanila ang aking napagtripan, ngunit sa aking pagdaan, puro pasasalamat ang bukambibig nila. Hindi ko alam kung iyon ba ay dahil masyado silang natuwa sa pagiging unconventional ng aking pag-tuturo, o dahil sa kabila ng aming one-time na pagtatagpo ay nakaramdam sila ng concern mula sa isang taong nagkukunwaring kanilang guro.

---

Naikwento ko sa kanilang maestra ang mga nangyari. Liban sa mga detalye, (na iniwasan kong sabihin sapagkat baka ikagalit lang ito ng aking nanay) nasabi ko na kapag binenta mo pala ang iyong sarili na kaiba sa maraming guro, lubhang papakyawin ka ng iyong mga estudyante. Kung alam lang ni Mama kung gaano ko kinorupt ang kanyang mga estudyante, maaring sa loob ng dalawang oras ay higit na maraming nakuhang aral ang mga bata sa mga turong hinugot ko sa lesson plan ng panahon.

Habang tinutulak ang wheelchair patungo sa nakaabang naming sasakyan, nalaman ko na kung hindi pala ako nagpakita ay isang malaking problema sa aking ina ang punan ang grades ng mga estudyanteng nagsipagbakasyon na.

"Naku anak, kung alam mo lang kung gaano katinding stress ang dadalhin ko kung wala ka kanina," paliwanag niya sa akin. Lingid sa aming kaalaman, ang pag take-over ko sa kanyang klase ang simula ng mga pagbabagong ni minsan ay hindi ko lubos napag-planuhan.

Isang linggo matapos ang reporting ng mga bata.

Pormal na naging bahagi ng aking trabaho ang mag-retraining ng mga ahente sa aming kumpanya.

---

Pangarap ko lang naman ang makapagturo sa harap ng dalawampu hanggang tatlumpung estudyante - mapa ito man ay sa linya ng pagsusulat, kasaysayan o kaya naman ay sa fitness. Ang kumita ng sapat upang buhayin ang aking pamilya, ang makapaglakbay at mag-explore ng maraming lugar dala ang aking camera at ang makapagsulat ng mga bagay tungkol dito ang masasabi kong ideyal na buhay para sa akin.

Ang hindi alam ng marami, isa sa mga top agent sa trabaho ay personal kong binigyan ng coaching noong ako ay OIC pa lang. Hindi man kami madalas mag-usap, ngunit sa aking pakiramdam, higit ang tiwalang binibigay niya sa akin kaysa sa mga team-leaders na humahawak sa kanya ngayon. Sa gym, hindi man direkta ang mga aral na binigay ko kay El Tigre subalit ang aming naging simula ang nagmomotivate sa kanyang pagbubuhat ngayon. Isa siya sa mga paboritong member ni Head Coach at ang huli kong balita, malakas rin mang-recruit ang binata kahit hindi man ito lantarang nag-iimbita ng bagong members sa gym.

Hindi na ako magtataka kung sa aming henerasyon ay patuloy na dumaloy ang dugong mga guro. Pasaway man ang aking kapatid ngunit ang kanyang mga karanasan sa lansangan ang magbibigay ammunition sa kanya sakaling seryosohin niya ang pagiging instructor ng NSTP. Ang pinsan naming nagmamasters sa Economics ay magiging dalubhasa sa field na ito balang araw. At ang isa pa naming pinsan na ang talento ay nasa visual arts ay hindi nalalayong maging tanyag na pintor at guro balang araw.

Ito marahil ang destiny na sinasabi nila.

19 comments:

engel said...

maligayang kaarawan sa iyong Ina!

wish ko sa kanya ay good health palagi.

sa nabasa ko, talagang the apple does not fall far from the tree.

blagadag said...

guro din nanay ko. last week ang birthday nya. happy birthday sa kanila.

rudeboy said...

Happy Birthday to your mom, Galen.

She's already lucky to have you, so in addition to a loving son, I wish her good health and happiness.

Abou said...

kung kagaya mo lang sana ang hirit ng mga teachers ngayon malamang masaya ang pag aaral

Herbs D. said...

moms are the best non-homo friends evar! happy birthday to mommy!

<3

& tsikiting is so 1970s LOL.

loudcloud said...

nothing can ever compare to the nobility of a mentor.

happy birthday to your mom!

what a lovely ode.

Yj said...

happy birthday sa mother mo...

sa pagkakakilala ko sayo, i'd say your mom is one remarkable woman....

<*period*> said...

now i know who to thank everytime i get to have some chit chat with you.

i know, somebody up there is really proud of having you as his beloved son..and had your mom known everything that happened in the classroom, she would be mighty proud of having you as her son.

i know you would say your just as imperfect as every one else. but your imperfections bring you closer to reality.

happy birthday to your mom.

and congratulations, you're doing just right as my mentor.

i know you are not aware of it.BUT YOU'RE ONE HECK OF A MENTOR TO ME...pinuputol mo ang mga sungay ko

(bawal ang kontra..lol.)

hugs,

Unknown said...

tama ka, ganyan ang klase ng mga guro sa ngayon. ako kaya? hullan mo kung ano ako! kapal ko noh! hehe! dude, hapi-bday nga pala sa mom mo, regards na lang. ;-]

Anonymous said...

happy birthday to your mom.

dencios said...

dinugo ako sa haba ng past parts

hehe

pero ayus.

hapi bday kamo,

may kiss sa cheeks si ermat sa akin.

ingat!

~Carrie~ said...

Happy birthday to your mom, Joms. I wish I could write a good entry as yours... We love our moms. They're the best.

Anonymous said...

maligayang kaarawan sa dakila mong ina.

sweet mo pala Galen. I'm sure proud na proud mama mo sayo.

miss ko tuloy lalo si mama na nasa ibayong dagat nagtatrabaho para sa aming magkakapatid.

Anonymous said...

maligayang kaarawan sa iyong ina!

more blessings and good health to her! cheers!

RainDarwin said...

"At alam naman natin na lahat tayo ay natural na MALILIBOG? Correct?
--------------------

Kung estudyante mo ko, PABORITO na kitang prof !

red the mod said...

We are our own teachers in life. Our experiences are mere settings afforded by circumstance as opportunities for learning. Whether or not we learn from what we experience is always a personal choice. Just as it is to choose what will allow us growth.

Sometimes we miss the mark, and certain personalities come into our story to help us revise the pages. They are our editors, although often unaware of it, these people aid in the education of the spirit as we seek the realization of our story's happy ending. It may be a friend, a mentor, a confidante, or that bitch from third floor.

That night, for those young impressionable, hormone-filled minds, that was you. Your mom, although not privy to your mostly unconventional methods, will soon realize how valuable that evening was both for you and her students.

One of the proudest things a mentor can have is to learn that his apprentice has chosen to share what he has imparted to him.

And to your mom, Feliz cumpleaños.

Eben said...

happy birthday to your mom! :)

Dabo said...

happy birthday kay nanay mo.

tama kung prof kita, isa ka sa magiging pinakamemorable na teacher ko

A.Dimaano said...

Naalala ko dito yung teacher ko nung college. Magna Cumlaude graduate, B.S. Math. Sobrang talino siya lang at pisara ang nagkakaintindihan.