Joleeeee!!! Meron akong bagong tropa sa gym. Si karagözler. Papakilala kita pag nagkasabay sabay tayo dun!
Hindi ibig sabihin na natorpe si miyaw-miyaw kay O-Bar chick na nireto ko noong isang linggo ay basta basta na lang akong susuko sa paghahanap ng ipapa-date para sa aking kaibigan. Kani-kanina lang ay may nakilala akong babae sa gym. Pangalan niya ay Aisa at gaya namin ay PExer rin ang dalaga. Sabi ni chick (habang ito ay nagsqua-squats sa aking tabi) ay madalas daw siyang pagkamalang lalaki ng mga boys sa aming thread. Naisip ko bigla, kung mabebenta ko ang dalaga bilang isang binata kay miyaw-miyaw, chances are, titingnan niya itong ka-tropa. Kapag naging mag-tropa sila nang hindi alam ni miyaw-miyaw na babae pala ang binabarkada niya, maaring in the future kapag nalaman niyang babae pala ang tri-nopa niya ay baka magkadevelopan ang dalawa.
Sounds like a good love story. Lol.
Sana single si karagözler. Ito muna ang aking magiging pastime hangga't hindi ko pa alam ang hinaharap ng aking buhay pag-ibig.
23 comments:
Matchmaker ka na kuya hehe. And your imparting the lessons of past experiences in assisting El Tigre's romantic future. Good luck!
Matanong ko pala, how much do you charge for matchmaking services? Hehe, biro lang tol.
i smell something fishy.
nagstop na'ko magpares ng mga kaibigan. uunahin ko muna sarili ko. mawawala lang yung credibility ko kapag nagpapares ako ng ibang tao tapos di naman nagwowork.
me ganung premise?
so kung aakalain ni miyaw miyaw na lalaki ang inirereto...at magkakadevelopan sila...ibig sabihin you are hoping na sana madevelop din siya sa iyo?
teka, parang mali yung analogy
Blagadag: kung pareho yung confusion niyo ni Period, inayos ko na. Hehehe.
Period: I don't know if you can put yourself in a straight guy's shoes. Pero imagine mo to. Nag-oopen ka sa isang tao na akala mo eh kapareho mo, tapos malalaman mo na opposite sex pala siya. Hindi ba mas madali ka mahulog sa taong pinagkakatiwalaan mo?
Lalo pa't yun ang tipo ng hinahanap mo - which is for El Tigre eh babae.
Red the Mod: Ganun talaga ang walang magawa. Hehehe. Nagmamatch-making na lang ng ibang walang kaide-ideya na minamanipulate mo na pala ang takbo ng lovelife nila.
Engel: It's not about them working things out. You introduce them to people so they'd always be preoccupied with meeting new and possible dating partners.
akala ko kanina, mali yung intindi ko..ganun kasi yung dating nung isang crucial statement so post mo
and now, na-edit mo na siya,hindi na ako nalito gaya ni blagadag.
hindi ko na rin kailangan ilagay pa ang sarili ko sa sitwasyon ng mga straight..sasakit lang ulo ko.bwahahaha
hmmm, mukhang may twist nga ang plot ng "possible" love story nila. hehehe. Oh well deepwell, good luck sa kanila at sa matchmaking hobby mo. :-)
mahilig din akong mag-matchmake sa aking mga friends. siguro dahil extension ko sila at masaya ako kapag napapagtagumpayan nila ang mga bagay na hindi ko makamit. :)
hala matchmaker ka na rin, sana may makita ka na ding ka match mo. pagnagkataon 'yun, mag-iiba na ang entries ng blog mo
and somehow naalala ko nanaman yung dalawang pinag-meet mo sa lrt station na pinagtripan mo sa chat room...
bad bad boy hahahaaha
YJ: Hindi ko nga alam kung anong nangyari dun eh. Nako thanks for the idea! Maghahasik ako ulit ng lagim sa MIRc one of these days. Lol.
Xtian: Pag nangyari yun, the Galen that you know will be gone na. Hahahaha.
Aris: Maaring ganun rin ang aking dahilan bakit hilig ko mag-match ng iba. Sa kanila ko binubuhay ang mga bagay na hindi ko alam kung magiging akin.
Iurico: Tingnan natin kung ano mangyayari. Kapag natorpe ulit ang miyaw miyaw, hahanap ulit ako ng bagong tsik. Ganun lang naman eh. Haha
Period: Nako dapat masubukan mo rin para alam mo paano mag-isip yung mga crush mo.
GALEN, ikaw talaga...wala na po akong crush dun sa sinabi ko sa iyo. right now, wala akong crush..masaya na rin naman po kahit ganito ang buhay ko.
<*wink*>
aw mamimiss kita pag nagkataon niyan Galen. Malulungkot ako pero siyempre masaya for you kase you'll find na the one.
Xtian: Sabi ko nga sa isang kaibigan. Parang maiiba ang content ng blog pag naging taken ako.
Pero diba, may struggles rin ang relasyon. There's no such thing as happily ever after. :)
Erick: Sigurado ka ha, nung last entry mo eh naghahanap ka ng bf.
medyo mahirap na foundation sa isang relasyon ang trickery --but who knows :-)
naghahanap pa rin ako galen ng pwedeng magmahal sa akin at yung mamahalin ko rin.
kung may mairereto ka, thank you.
tulad nga ng sinabi mo sa akin, huwag akong maghanap.kaya kung mag-isa, eh di mag-isa.alangan naman ipagpilitan ko ang sarili ko di ba?
pero isang bagay lang ang sigurado. wala na akong crush sa kaibigan mo
and, btw, masaya ako na mas nakikilala kita.after all, hindi man tayo nagkikita o nagkakasama, mas nagkakaroon ng essence yung salitang 'kaibigan' kapag naipakikilala nyo unti unti ang sarili mga sarili niyo sa isat isa
looking forward to a more meaningful friendship, galen.
godspeed
Abou: Mukhang walang pakielam si miyaw miyaw tho. Sana straight na lang ako, maganda pa naman si karagozler. :(
Period: Friendships grow with time.
Alam ko dahil sa mga pinagdadaanan ko pero siyempre sarap ng feeling ng mag minamahal ka at nagmamahal sayo (sana)
waw, matchmaker, hehe.
i've always believed that sometimes, all it needs for it to happen is a catalyst. ;)
Xtian: Narerealize ko na hindi pa ako karapat-dapat mahalin ng iba. :)
Maxwell: Agree.
Galen, your the past is still haunting you? well if that's the case I know it wouldn't be fair to give love to someone if you're heart is not whole
Post a Comment