Monday, October 19, 2009

Guro (Second Part)

Pasado alas-siyete na ng gabi ngunit hindi pa rin nagpapakita ang presidente. Ang mga estudyante sa aking tabi ay dismayado na. Hindi nila alam kung ano oras matatapos ng make-up class si Maam. Palibhasa'y under strict orders ako na dumiretso sa pangulo, wala akong magawa kung hindi ang mag-intay at maki-usisa sa kanilang ginagawa.

Katahimikan. Ang mga bata ay nagkuwe-kuwentuhan lamang.

Makaraan ang ilang minuto, katahimikan pa rin. Kaibahan lang ngayon ay may ideya na ang ilang estudyante na ako ang tatayo bilang kanilang guro. Tinanong ko kasi ang dalawa sa kanila kung nasaan ang kanilang pangulo at anong oras ito darating habang nakahilera kami sa gilid ng corridor.

"Excuse me, matagal pa ba si Maam?" Hirit sa akin ng isang babaeng estudyante na bumasag sa aking katahimikan. Mataray ang bagsak ng kanyang pananalita at sa aking unang tingin ay hindi nalalayong brat ito sa kanilang pamamahay.

"Nasaan ba ang presidente niyo at para makapagsimula na tayo?"

"Wala pa siya eh. Kausap kasi yung prof namin sa Psychology. Kanina pa kami dito, magtuturo ba si maam o uuwi na lang kami?" Habang walang tigil ang kanyang pagdedemand ay unti-unting nagpintig ang aking mga tenga. Pakielam ko ba kung matagal dumating ang kanilang presidente. Sumusunod lang naman ako sa instruction mula sa kanilang propesora.

Sa kabilang banda ay naiintindihan ko rin ang kanyang pagiging restless. Naging mag-aaral rin ako at ramdam ko ang inis sa tuwing kami ay pinag-iintay ng aming guro. Huling araw na ng semester at ang lahat ay excited na magbakasyon. Maari naman kaming magsimula kahit lingid sa kaalaman ng kanilang lider ang aking ginagawa. Dahil doon ay dali dali akong nagpunta sa klase ng aking ina upang humingi ng kanyang permiso.

Magsisimula kami ng report kahit wala roon ang kanilang presidente.

---

"My name is Galen," bungad ko sa harapan ng klase. "I was asked by your professor to facilitate the report your classmates will be presenting tonight." Ayos na ayos. Feeling trainer ang benta ko sa mga estudyante. Tamang tama ito lalo pa't nararamdaman kong gusto rin ipasa ni Mami Athena sa akin ang kanyang trainer duties sa opisina. Ang kaso mo, sumablay ako sa pagbigkas ng "p" at "f" at na-interchange ko ang mga letra sa aking pagsasalita. Bunga ng pagkapahiya ay nagrevert muli ako sa wikang Tagalog upang iparating ang mga tagubilin bago magsimula ang reporting.

"Huwag niyong titingnan na hindi porke't wala akong alam tungkol sa subject na inyong dinidiscuss ay magta-tangahan ako sa pagbibigay ng grade." Banta ko sa kanila. "Magrereport kayo gaya ng pagrereport na ginagawa niyo kapag si Maam ang inyong nasa harapan."

"At ang lahat ay inaasahan kong makikinig."

---

Nagsimulang mag-discuss ang unang reporter. Ang kanyang topic ay tungkol sa Religion. Sa blackboard na nasa aming harapan ay may nakapaskil na kartolina. Doon ay nakalista ang limang major religions ng mundo. Katabi nito ay dalawang Manila Paper na malabo ang nakasulat. Hindi ko sigurado, ngunit maaring ito ang topic ng susunod na reporter. Hanep rin naman ang presentation ng mga bata. Basta may cartolina at manila paper na ang ginamit na panulat ay itim na Pentel Pen ay visual aids na. Sa unibersidad na aking pinanggalingan ay bagsak ang iyong marka kapag ganito ang presentation mo sa klase. Dapat ay naka Microsoft Power Point ito at naka-upload sa computer kung saan connected ang projector. Kailangan rin na may summary ng report na pina-xerox mo para sa klase. Ganun kamahal mag-present ng report sa amin. Sabagay, sa halagang limangdaang piso kada semester, understandable kung bakit ganito kapayak ang paraan ng kanilang reporting.

Patuloy ang discussion ng first reporter habang ako naman ay piniling tumayo malapit sa pintuan. Sa totoo ay ayaw kong ma-involve sa klase at bilang proxy ng kanilang guro, balak ko lang naman magbigay ng grado depende sa feel ko sa bawat nagrereport. Pinagmasdan ko ang klase. May mga ilan na nagpreprepare ng visual aids para sa susunod na report. Samantalang ang iba naman ay pawang nakatingin sa pisara ngunit kita mo sa kanilang mga mata na nakatulala ito sa kawalan. Ilan rin ang mga lantarang nambabastos. May mga maingay na nagkuwe-kuwentuhan, may nagtetext sa cellphone at may isa o dalawa na nakaplug ang earphones sa tenga at nakikinig ng kanta mula sa kanilang mp3 player. Noong kami ay mga estudyante pa, tanging texting lang at kuwentuhan ang alam naming gawin kapag ayaw namin makinig sa discussion. Mukhang nagbago na ng teknolohiya ang panahon. Subalit kapansin-pansin rin na may mga lumang ugaling dala-dala pa rin ng makabagong henerasyon.

---

Nakakaantok ang reporting sa totoo lang. Kaya't madalas ay mas gusto ko na ang guro ang nagdidiscuss, lalo na't masigla ito't puro patawa sa kanyang klase. Halatang hindi handa at pawang binasa lang mula sa photocopy ang reporter ng Religion. Paminsan minsan ay napapaudlot ito't kinakain ang kanyang mga sinasabi. Pati ako ay walang naintindihan. Gaya nga ng nabanggit ay hindi mahalaga sa akin kung may natutunan ang bawat tigapakinig. Tutal, lahat ng aral sa loob ng klase ay balewala kung ito'y ihahambing sa turo ng buhay sa labas ng classroom. Subalit sa isang banda, Araling Panlipunan ang subject ng aking ina. Kung ang Algebra at Literature ay mapapakinabangan lang ng ilan, ang subject kung saan nagrereport ang mga bata ay dadalhin nila hanggang sa pagtanda.

Wala man akong academic background tungkol dito ngunit bilang isang nakakatanda at tasado na ng panahon, alam kong ang bawat labas ng salita na magmumula sa aking bibig ay hinugot ko sa karanasan.

It's time to take the lead whether I like it or not. Besides, it's good to leave a good and lasting impression to these students than fade without being given a chance to show what I've got.

Bago natapos ang unang reporter at bigyan ito ng grade, bumato ako ng isang nosebleed na tanong para sa mga Freshmen.

"So do you think society could exist without religion?" Napanganga ang ilan sa mga estudyante.

"Ummmm..." Mukhang pinagpawisan ng malapot ang reporter sa aking harapan.

"I think society could exist without religion, but I think it would be a very disorderly one."

"Magaling." Bulong ko sa sarili. Hindi na ako nag-follow up question at baka himatayin lang ang aking kausap.

"Makakaupo ka na."

Tumayo ang sumunod na reporter na bakas pa rin ang ngiti sa aking mukha.

---
-tobecontinued-

16 comments:

<*period*> said...

"yes, society can exist without religion.but in the long run, it's existence would be futile.just like a person who knows how to use his head, but resists whatever his heart feels..."

ano,aking kuya, pwede na bang mabigyan ako ng uno kung ano ay naging estudyante mo?

pag may time tayo pareho, ikukuwento ko sa iyo kung paano ko nasindak ang mga freshmen sa school na una kong pinasukan matapos akong paupuin ng professor para maggrade sa mga nagre-report sa philippine consti..freshmen din lang ako nun..ahahahahah

cant wait to see the finale, aking kuya

engel said...

nakakatakot ka namang substitute teacher. buti na lang di na ako estudyante. =)

Anonymous said...

yan pa, yan pa. kaya hindi ako pwedeng magturo.

madali akong mainip...

red the mod said...

I have always believed that the learning curve of a student would be greatly improved once there is a perceived level of challenge and expectation. That way, a sense of responsibility is imparted in that the learning must commence with both pride for what you learn, and a thirst to learn more.

Well done sir. Enough said.

Mugen said...

Red The Mod: I haven't pulled the biggest bomb yet. I hope that in my final installment, I could paint an exact replica of how I was able to win the hearts of those kids I met that evening.

John Stanley: Ikaw yung teacher na may dos por dos sa table. Hahaha.

Mugen said...

Engel: Bakit naman ako nakakatakot. Hindi nga ako naninindak eh.

Period: I post mo na lang sa blog mo para yung mga readers mo eh mabasa yung dapat na ikuwe-kuwento mo sa akin.

period said...

@kuya galen..readers?nah, wala namang nagbabasa nun eh
actually, it's my dire attempt to make fun of what happened. kaya ganun ang conclusion ko, aking kuya..but nevertheless, salamat sa honest opinion niyo po

Anonymous said...

i hate reporting, isa yata 'yan na ayaw mo gawin pero no choice ka.

pero pag ako ang naging proxy nako nako, kawawa klase ng mama mo lol

buti na lang tinakot mo sila ng bahagya para naman magseryoso sa pagreport ano.

Mugen said...

Xtian: Ano kaya gagawin mo kapag ikaw yung proxy ng nanay ko. Hahaha. Sindak lang yun. Riot nga ako sa klase niya eh.

Marhk said...

haaayy nakakamiss kaya ang teaching hehehe

Mugen said...

Marhk: Rampadora ka naman sa Europa. Lol. Ikaw ang namimiss na namen.

Anonymous said...

papaiyakin ko 'yung hindi talaga ready. yeah, may pagka cruel ako pero I'm sure the next time na mag rereporting sila mas magiging magaling na sila.

kaya asar mga kaklase ko pag ako naging substitute teacher hehe

Marhk said...

papa J! lapit na ko umuwi hehehe 3 mos na lng kaloka pinakamatagal na contract ito susmeh!! uy yung tour natin sa malate don't forget! hehehe

back to teaching ang lowest grade na binibigay ko sa student ko 2.0 tapos lahat karamihhan 1.5, 1.25and 1.0 sa mga naka applay ng scholarship hehehe

Mugen said...

Xtian: Actually, wala akong alam sa subject na tinuturo ng mom ko kaya wala rin ako karapatan magtanong at magdiscuss in the first place.

I'm crossing my fingers, sana yung last part eh lumabas na okay. Baka makalimutan ko yung ibang detalye eh.

Markh: Hangtaray! Taas magbigay ng grade ah. Lol. Aasahan namin ang iyong pagbabalik. Riot ito sa Encanto.

Anonymous said...

mas lalo na mahihirapan sila sa mga tanong ko lol

hehe ok 'yan

Mugen said...

Xtian: Berdugo! Lol.