Tuesday, April 3, 2007

Tales Of The Firebomb Survivors

I.

Bumaba siya sa kanto ng Shaw at Kalentong, alam kung saan patungo. Upang madagdagan ang kanyang dalang pera, nagwithdraw pa siya sa Banco De Oro, na isang tawid lang mula sa kanyang binabaan. Sa tapat nito ay makikita ang Jollibee kung saan may mga jeep na patungong Punta, Santa Ana. Dito matatagpuan ang kanyang destinasyon. Matapos ang ilang minuto, may humintong jeep at siya ay sumakay dito.


II.

Mahaba-haba rin ang kanyang biyahe upang makarating sa may tulay. Sa Kalentong pa lang, tapat ng Marketplace ay dagsa na ang mga mamimili sa palengke. "Hindi kaya hassle pumunta roon?" tanong ng binata sa kanyang saril. "Bahala na, first time ko to doon pagkataon." Hirit nito sa kanyang sarili.

Bumaba siya sa isang complex bago dumating ng Gabby's ang jeep. Una niyang hinanap ang lugar, ngunit sa kasamaang palad, patay ang mga ilaw nito. Sa tabi ay may videokehan na may nagkakantahang mga GRO at mga tambay na mukhang katulong sa may pintuan. Ang kanyang hinahanap naman ay sarado, mukha atang nalugi na makaraan ang ilang buwan lang nitong pagbubukas.

Kaya't siya ay bumalik upang tumbukin ang ikalawa niyang target. Sa Kalentong rin ito ngunit sa kabilang dako naman. Sumakay siyang muli na jeep na magdadala sa kanya sa Shaw Boulevard. Makarating doon, siya ay naglakad ng kaunti upang sumakay muli ng jeep na magdadala sa kanya sa San Juan.

III.

Sa isang kanto, bago lumiko ang jeep. Napilitan siyang bumaba. Ang binata ay naglakad pa ng ilang metro at sa kanyang tapat ay bumulaga ang isang lumang bahay. Wala itong ilaw at pati ang sign nito ay nakapatay rin. Ikalawang beses na niyang pumunta rito kaya't kahit mukhang sarado ito pagdating sa labas, laging nakabukas ang pintuan nito para sa mga dayong katulad niya.

Ang binata ay tumawid. Hindi nito ininda ang nag-iinumang matatanda na nakatingin sa kanya, isang bahay ang pagitan mula sa kanyang pupuntahan. "Hindi kaya ma-boga ako dito?" Tanong niya sa kanyang sarili? "Sino ang tatawagan ko, sakaling lusubin ito ngayon gabi... bahala na, kelangan ko ng masahe." Sabi nito sa kanyang sarili.

Kaya't siya ay pumasok at naabutan pa ang ilang mga binatilyo na nagkwekwentuhan sa reception area. Ang lahat ay biglang tumayo at napatahimik sa kanyang biglang pagdating.

"Manong, magkano ho ulit?" Tanong niya sa mamang nakaupo sa lamesa. Ang ginoo ay matanda na, ngunit bakas sa kanyang mukha ang kasanayan sa biglang transaksyon na dala ng binata.

"P300" Sagot niya dito.

Matapos magkasundo sa presyo, agad tinuro sa dayo ang isang pader na gawa sa kahoy. Ito ay may maliit na butas kung saan ang binata ay kailangang sumilip at mamili ng magseserbisyo sa kanya. Mahigit pito ang nasa loob. Lahat sila ay nakatayo, mga seryoso at pilit na kinukuha ang atensyon ng binata - na magbabayad ng masahe nila pagdating sa taas. Para silang mga kabayo na ikakarera sa isang paligsahan. Ang iba ay nakasando - lalo na ang mga matipuno. Ang iba naman ay naka-tshirt. Mukha silang mga patpating mga bata na hinugot lang sa may kanto. Mayroong isa, halatang proud sa kanyang moreno at balingkinitang pangangatawan. Hindi man ito kasing bato-bato gaya ng sa iba. Sa kanyang porma pa lang, alam mo nang siya yung tipong mambabalibag sa kama.

Kung titingnan mo sila, para silang mga ordinaryong tambay sa isang skwater di malayo sa lugar. Hindi sila yung tipong nakwekwento sa mga forums o kaya naman ay pinagmamalaki sa mga magazine (maging jologs man ito). Tingin ko nga, ang ilan sa kanila ay maaring gumanap na sa mga "scandal" na binebenta sa Quiapo. Kumbaga, sinanay na sila ng panahon para sa ganitong kalakaran.

Wala pang isang minuto, nakapili na ang binata. Sa kanyang isipan, naglalaban kung kukunin ba niya yung kahawig ni Dominic Ochoa, o yung kaisa-isang barako na walang pang-itaas na suot. "Bahala na, trip lang naman ito." sagot niya sa kanyang sarili. "At least dito, walang personalan... masahe lang." Depensa nito sa kanyang gagawin. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Nakatayo pa rin at pilit pa ring nang-eenganyo ang mga binata sa kabilang bahagi ng pader, samantalang ang receptionist naman ay halatang kinakabahan... Baka kako umatras ang dayong kliyente, wala na namang kita ang...

"Manong yung nakahubad sa dulo," Sabay biglang turo ng binata sa morenong balingkinitan na napansin niya na kaagad unang silip pa lang niya sa pader.

IV.

Umupo muli ang mga ibang nakatayo, ang napili naman ay nagsukbit ng tuwalya at inabot ang lotion at rubbing alcohol na nasa isang tokador sa tabi ng kanilang pintuan. Tahimik itong lumabas mula sa kanilang maliit na tambayan at inabangan ang binata na papalapit dito.

"Ikaw si James?" tanong ng binata.

"Opo sir," pangiting sagot naman nito. Ang kanyang mukha na ngayon ay gaya sa isang maamong pusa. Siguro dahil ay may kita... at posibleng extra na naman siya.

"Ayus... Ako nga pala si Jerson. Kinagagalak kitang makilala." Pakilala ng binata habang dahan dahan silang umaakyat ng hagdan na magdadala sa kanila sa mga aircon na kwarto sa itaas.

No comments: