Saturday, April 7, 2007

Travel Bug

Kapag ako nagkaroon ng pera, bibili ako ng 7 Megapix na digicam at pupuntang Batanes para magrelax. Shempre, upgraded na rin ang mp3 player ko nun so kahit 12 hours ang byahe mula Manila hanggang Cagayan eh ok lang. By that time, dapat maganda na rin wankata ko para kahit nakahubad ako sa beach buong araw, hindi jahe. At kung papalarin, sana may laptop na rin ako para kahit sa pier, (hindi ako mageeroplano) pwede ako mag blog at mag-upload ng pictures sa net. Sa totoo, nainggit ako dun sa MMS-ala postcard na pinadala sa akin ng dalawa kong tropang sina XP at Roy kahapon mula Galera. Alam kong kahit sobrang hassle dahil andaming nagbakasyon sa tabing dagat ngayong Mahal na Araw, nag-enjoy sila sa bakasyon nila.

Balang araw, maglalamyerda rin ako. Magtritrip ako kahit soloflight pa ang lakad ko.

No comments: