Dear Galen
Tawagin mo na lang ako sa pangalang El Sueno. Ako ay 27 anyos gulang na binata at kasalukuyang napapariwara ng landas. Paano kasi ay kaka-break lang namin ng aking kabiyak at ngayon ay unti-unti ko nang nararamdaman ang epekto ng aming paghihiwalay.
Matagal rin kaming nagsama ng aking partner. Siguro ay humigit kumulang limang taon rin kaming naging magkadugtong ang bituka sa hirap at ligaya. Isipin mo na lang parekoy, sa kanya ako humihinga tuwing nabibigyan ako ng uppercut ng buhay. Kami ring dalawa ang nagdiriwang sa maraming beses na ako'y nagtatagumpay sa aking mga digmaan. Ngayong wala na kami, hindi ko alam kung paano magsisimula muli. Dalawang beses lang kasi akong nagtangkang bumitaw sa kanya at sa mga panahong yun, ako rin ang kusang bumabalik upang ipagpatuloy ang aming kuwento.
Pasensya na bro kung sa iyo ako tumatakbo sa mga oras na ito. Alam kong hindi tayo magkakilala at kung anuman ang meron tayo, hindi ko tiyak kung ito'y pangmatagalan. Pero sa gabing ito, gusto kong maramdaman ang higpit ng iyong yakap. Gusto kong ibulong mo sa akin na tama ang aking ginagawa. Paano kasi ay hindi ko pa ito nasusubukan at alam kong ang kanyang pag-alis ay siyang pagpanaw rin ng aking buhay internet.
Salamat ng marami sa oras. Malaking paumanhin na rin sa abala. Susubukan kong bumalik upang sa iyo naman magsalaysay ng aking kasaysayan at kasalukuyan. Nawa'y maging bukas sana ang iyong mga pahina sa aking mga kuwentong-buhay.
Hanggang dito na lang muna. Marami na ang kumakausap sa akin sa YM at kailangan ko pa sagutin ang kanilang mga tanong tungkol sa aking dagliang pag-alis sa aming mundo. Basta nandito lang ako. Hindi ako basta mawawala. Kung kailangan man magkubli ay may dahilan, at kung ito lamang ang paraan upang maipagpatuloy ang paglalakbay tungo sa hinaharap, sana tol ay maging kasama kita.
13 comments:
Like a phoenix, reborn from the ashes...
Dr Magsasaka: Thanks for the heads up. Sana makapag-start over ulit ako. Dalawa pa lang kayong nakakaalam.
may the force be with you. :)
Tagabundok. Sabi ko sa iyo, hindi ako basta basta mawawala eh. Aayusin ko lang ang mga dapat ayusin.
hehehe.. di pa ko nagbabasa.
welcome back
hmmmm. cno kaya si galen?
i'm so glad. You made my day .
hope everythng's going to turn out okay.
Napa-ngiti ako sa blog na ito.
Malaki hinala ko kung sino ang tao sa likod ng bagong blog na ito.
Hahaha.
Napa-ngiti talaga ako...
sino po sila?
AHA! Heheheh. welcome back po!
ei.. im back writing again
at kinastigo kita sa bago kong bahay. joke lang hehehe
grabe na backread to ha. parang familiar ang story mo.
dati ko pa sinusundan yung lumang blog mo. ngayon ko lang nahanap ang pagbabalik mo. marami akong catching up to do :)
Post a Comment