Friday, May 29, 2009

Scorpion Week - The Quiapo Encounter

Sadyang patindi ng patindi ang hamon ni Bro.

Ngayong gabi, mga pasado alas-onse, nagtitingin ako ng DVD sa Hidalgo nang mapansin ko ang isang binatang aali-aligid sa paligid. Tangkad niya ay 5'8, nakasalamin ito, payat at mukhang may lahing mestiso. Hindi siya mapakali habang palakad-lakad at tila may inaantay na kausap. Kaagad ko siyang napansin sapagkat malakas rin naman ang appeal nito. Napansin niya siguro na tumingin ako kaya't tumingin rin ito sa akin.

At kami ay nagkatitigan ng lampas tatlong segundo. I know the rule kaya't ngumiti na lang ako sa hangin.

Nagpatuloy ako sa pagsulyap ng mga bagong labas na DVD. Sayang naman at baka may good copy ng Star Trek. Mainam na ang mamirata. Itong si binata na patuloy pa rin sa pag-ronda ay tumabi sa akin. Nagkakiskisan kami ng braso na siyang dahilan kaya ako muling napasulyap sa kanya. Nagkaroon ng pakiramdaman. Nagkangitian. Unahan na lang kung sino sa aming dalawa ang magpapakilala.

Tumawid ako ng kalsada upang lumayo sa tukso. Ang binata na nasa tapat ko ay biglang sumunod, nagpakilala.

"Hi, my name is David." May braces ito sa ngipin. Mukhang dayo sa Quiapo.

"Ei musta?" Bungad ko sa kanya habang nakikipagkamayan. Feeling yata magpaka-close.

"Okay lang ba sa iyo na gumimik tayo?" Nang huling beses na may nagtanong sa akin ng ganito, prostitute sa Quezon Avenue ang nag-aaya sa akin.

"Gimik? Di ko gets parekoy." Pinili ko ang magpaka-inosente. Puta, pinagpapawisan ng malapot ang kausap ko eh. Hindi ba obvious na libog na libog siya?

"Alam mo na. Trip trip tayo."

"Ok." Ngumiti ako. Siyempre, sino ba naman ang hindi ma-flaflatter. Palay na ang naghahabol sa manok.

"May place ka ba?"

"Meron diyan sa may TIP."

"Anong gusto mong gawin?"

"Top ka ba o bottom?" This time, siya na ang nagtanong. Ayokong maulit ang Black Balloon kagabi.

"Anything goes pare." Walang kagatol-gatol niyang sagot. Sa bokabolaryo ko, isa siyang hamak na bottom.

"Ikaw?"

"Versa." The rule says, one drill is enough. Hindi ako powerbottom kagaya ng iba.

"Malaki ba yang iyo?"

"Ayos lang. See it for yourself."

"Tara punta tayong Jollibee." So gusto mo palang may go-see muna bago mo ako i-suck huh? Ganun ba yun?

"Pag malaki yang iyo. Papatira ako." Sabi na nga ba eh, bottom ka talaga.

"Huwag ka mag-alala. Malaki tong sa akin." Humirit ang loko. Ako naman ang biglang nabuhayan ng dugo lalo pa at pilit niyang pinipisil ang etits ko kahit sa kalsada.

Sa puntong iyon, malapit na niya akong mapapayag. Sabihan ba naman akong malaki ang burat niya eh, siyempre tao lang ako para hindi ma-curious. Sa isang banda, narealize ko na isang tug-of-war ang nangyari buong araw. Naroong nagpaparinig yung ka-chatmate na ginawan ko ng resume nung isang araw. Kailan daw ba niya masusubo yung sa akin. Since hindi naman ako pumasok ng trabaho upang damayan sana ang isang kaibigan na na-aksidente sa Batangas ay maaring dumiretso na lang ako sa apartment ni ka-chatmate upang pa-ulanan siya ng aking malapot na kondensada.

Subalit pinili ko pa rin ang dumayo ng Batangas at makiramay sa ka-tropa. Kahit ang saging ay may puso, sabi nga nila.

"Ano dude game ka ba? I'm just being straight here."

"Ah eh. Cool lang sa akin."

"Malaki ba yang sa iyo. Isang sagot lang naman eh."

Kahit kailan ay hindi ako nagduda sa pagkalalaki ko. Isa ito sa mga asset na alam kong kapuri-puri sa akin. Madali lang naman ang magmalaki. Ngunit kung ginawa ko yun, tapos kaagad ang usapan, may sex ako ngayong gabi. Sa isang banda, marami ang considerations na kailangan kong isipin. Naroon na may singaw ako sa labi. (kaya't hindi ako puwede mag-suck kahit gusto ko man) Si Throatie na medyo nag-iinarte this week ay kailangang agapan kung hindi ay sore-throat ang aking kauuwian. Higit sa lahat, naroon ako sa gitna ng labanan kung saan ang aking pakay ay huwag magpatihulog sa tawag ng laman.

Nagdesisyon ako. Ang quota ng kalibugan ay dapat sundin.

"Dude hanap ka na lang ng iba... I'm saving myself for someone else." Tangina ang emo!! Wala naman akong someone else pero yun talaga ang sinabi ko.

"Okay." Malamig niyang sagot sa akin.

Nakatingin sa malayo, mabilis akong naglakad patungo sa sakayan ng jeep. Nagtatanong kung ang mga imbitasyong natanggap ngayong araw ay pagsubok ba upang higit na pahirapan ang sarili.

O ang mga ito ay padala upang lubusang makilala ang tunay kong pagkatao.




This is not really my blog entry for tonight. But to acknowledge how I stood against my urges, the very close encounter deserves a part in the Scorpion Week saga. Two more nights and I will stand down whether utol returns home or not.

Tomorrow is gimik night.

Anything could still happen.



13 comments:

gillboard said...

Good boy ka this week ah...

Anyway, sayang nga di ako nakapunta.. ang layo naman kasi nung bagong venue... pque pa ako nakatira...

sabi ko nga.. baka di talaga sakin ang mga blog events.

Jinjiruks said...

hehe. panahon talaga ng sore throat ngayon. namamaga na nga ang aking leeg dahil nagbabadya na naman ang tonsilitis for the 2nd time. marami na naman akong natutunan sa blog na ito.

Knox Galen said...

Gillboard: Next time, itra-try ulit kitang isama.

Ironic no, kung kailan nasa mood ako magpaka-naughty (at may kalayaan para gawin to) saka naman ako pumapalag.

Jinjiruks: Weather kasi eh. Malamig tapos mainit. Ano naman natutunan mo sa entry ko?

Jinjiruks said...

mga unspoken rules lalo na dun sa target mo. hindi naman kasi ako madalas na gumagala hehe. nasa cave lang ako most of the time.

Jason said...

gumaganti ka ano hehe

anyway, surprising na dominant ang Filipino sa post mo ngayon. birthday?!?

Trip said...

"Malaki ba yang iyo?" - David

"Mahusay ka bang tsumupa? Kung magaling ka talagang malaki ito. You can only get what you deserve." -Trip

usap na lang tayo sa messenger tungkol sa reaction ko sa mga considerations na nabanggit mo dito. ;)

Herbs D. said...

another strike! hehe. i wonder how long this'll take :-p

ENGKANTADIYA said...

You can get sex anywhere, but guilt is sometimes hard to dump.

Knox Galen said...

Encanto: Sex is everywhere, that's what the Scorpion Week reveals. Pero tama ka, its the guilt that is holding me back. Hanggang ngayon malaking factor pa rin si "The Drill" sa mga activities ko. Tingin ko maglilinger pa siya ng ilang linggo.

Herbs D: Two more nights and I will stand down from the turret. Hehe. Tatapusin ko ang Scorpion Week mag-isa man ako sa bahay pa.

Knox Galen said...

Trip: Next time, yan ang gagamitin kong lines. Medyo caught unprepared ako sa pagiging straightforward ng kausap ko eh.

Halatang Pro.

Jason: Sa Epilogue mo malalaman kung ano talaga ang gusto ko. Siguro, nabasa mo na rin yun between the lines.

Jinjiruks: Nag-ooperate ako according sa mga unspoken principles na umiiral sa mundo natin. Most of the time, nagtatanga-tangahan na lang ako kahit alam ko naman yung mga obvious.

<*period*>; said...

sa ganda ng katawan mo, lubos mo akong napahanga sa kakayanin mong mag-resist

luhod ako, este, bow ako sa iyo

<*peace*>

bampiraako said...

Hindi ka pa rin pinabayaan ni bro..

parang matatakot ako sa ganoong eksena. hehe. Abangan ko ang next post mo. Enjoy!

Knox Galen said...

Period: The more maganda katawan mo, the more ginagawa kang sex object ng mga nakakakita sa iyo.

Bampira: The whole time iniisip ko, it was a test.

Happy Birthday ulit sa iyo.