Alam ko na bukas o sa makalawa ay mababasa mo rin ito. Kaya't hindi ko na itatago sa buong blogspace na alam mo na ang kabiyak ng kuwento nating dalawa.
Mahigit pitong buwan na rin ang nakakaraan ngayong araw na ito nang bitawan kita. Saksi ang blog sa dahilan ng aking pagsuko, at pansin mo na rin sa loob ng mahabang panahon na hinahanda na kita sa pagdating ng araw na iyon. Masakit sa akin ang humiwalay. Sabi ko nga, habang nagdiriwang ang lahat sa aking kalayaan, alam ko na sa dako pa roon ay iiwanan kitang sawi. Ang hindi alam ng marami, kapalit ng aking paglisan ang pagkabigo. Tinaga ko sa buto ang maitawid ka sa iyong pag-aaral maging kapalit man nito ang aking paglubog. Para akong tanga diba? Pero sa totoo, dumating man sa punto na wala na akong pakiramdam sa iyo ay nanindigan akong kumapit mapanghawakan lang ang aking pangako.
Sa Hulyo, makakamit mo na iyon at masaya ako para sa iyo.
Sapagkat alam kong ang iyong tagumpay ang siyang magbibigay hustisya sa lahat ng pagod ko.
Hindi ko makakaila na kahit malayo ka na, lagi kitang iniisip. Hindi ito dahil mahal kita kundi dahil alam kong konektado pa rin ang sinulid na nagtatali sa ating dalawa. Sa tuwing pumupunta ako ng simbahan, lagi kitang pinagsisindihan ng kandila. Lagi kong dalangin ang iyong kalusugan, ang iyong kasiyahan at ang mithiing may mahanap ka ng iba. Kung naging bangungot man ang ating relasyon, iyon ay dahil hindi mo nakita kung gaano kita minahal. Masyado mong nakuha ang mga bagay-bagay nang hindi ako nanghihingi ng kapalit.
Sa kasamaang palad, huli na nang makita mo ang aking halaga.
Pasensya na kung pinagtataguan pa rin kita. Paumanhin kung nasabi ko dito ang mga pait na hindi ko sinabi sa iyo ng harapan. At patawarin mo ako kung hanggang sa ngayon ay isa pa rin akong sugat na ayaw maghilom. Ikaw na rin siguro ang nagpatatag sa akin ng ganito kaya't gaano man karaming lalaki ang na-involve sa akin, ni minsan ay hindi ako nagsayang ng luha sa kanila gaya ng luhang pinapaagos ko habang sinusulat ko ito.
Siguro ay may dahilan kung bakit lagi akong sawi sa pag-ibig.
At marahil ang dahilang iyon ay dahil may bahagi pa rin ng puso ko ang naiiwan sa iyo.
Hindi ko alam kung ano ang meron sa hinaharap, at hindi ko alam kung tadhana ba na magkrus ang ating landas. Subalit ngayong kilala mo na ako at alam mo na ang saloobing pinakatago-tago ko ng mahabang panahon na tayo ay magkasama, mag-iiwan ako ng kandila sa bungad ng aking puso.
Naroon ako sa iyong graduation. Huwag mo nang ipaalam sa akin ang mga detalye sapagkat makukuha ko rin iyon sa pamamagitan ng aking mga koneksyon.
Wala na rin sigurong dahilan upang ipagpatuloy ko pa ang blog na ito. Isang malaking irony na sa iyo rin pala magwawakas ang mga kuwento ko matapos itong magsimula sa iyo mga limang taon na ang nakakaraan.
Salamat ng marami sa iyong pagpupursigi na ako ay matagpuan.
Huwag ka na rin mag-abalang tumawag sa bahay o kaya naman ay usisain ang numero ko. Hayaan mong ako ang maghanap sa iyo.
Hanggang dito na lang. Alagaan mo lagi ang sarili mo gaya ng pag-aalaga ko sa iyo. Huwag mo akong masyadong isipin, sa halip ay pagtuunan mo ng pansin ang iyong buhay. Sana ang mensahe kong ito ay makakapagbigay kapayapaan sa iyo. Ititigil ko pansamantala ang paghahanap bilang pagkilala sa iyong determinasyon na ako'y makausap muli.
Paalam.
---
Phanks: Habang nagmemessage ako sau ngaun. tumutulo ang luha ko kasi... dito sa blog mong ito nabasa ko almost ng mga sama ng loob mo sa ending ng relationship natin... hanggang ngaun parang bangungot parin sakin na nagkahiwalay tau. di ko akalain na hahantong sa ganung sitwasyon.. di mo parin maiaalis sa akin ang pangungulila sau tulad
ng pangungulila na meron ka.

Sa pag-asang matatanaw mo pa rin ang tanglaw nito sakaling ang puso ko ay tumibok muli sa iyo.

No comments:
Post a Comment