Thursday, January 28, 2010

The Chickboy Strain






Anim kaming lalaki sa barkada. Ang una ay pumanaw na ngunit nag-iwan ito ng biyuda at isang anak na lalaki. Ang pangalawa ay sinamahan ko manligaw sa isang ka-trabaho three years ago. Ngayon ay engaged na sila at sa December ang kasal. Ang ikatlo ay napabalitang nagkaroon ng affair sa isang may asawa. Alam naming tsismis lang ang lahat. Ang ikaapat ang tinagurian naming perfect bachelor. Palibhasa'y tall, dark and handsome at maganda ang propesyon kaya madaling nakaka-hook up ng mga babae. Ang ikalima ay hindi pa nagkakaroon ng girlfriend simula pagkabata. Marami ang naghihinala na isa siyang tagong bading. Ang ikaanim ang opisyal na bading sa grupo. Ngunit dahil tigasin itong kumilos, paniwala ng barkada ay confused lang ito.

Kung alam lang nila ang buong katotohanan.

Minsan ay napadalaw sa bahay si pangalawa upang hiramin ang college album ng barkada. Kasama niya si fiancée at mukhang galing sa date ang dalawa. Napag-usapan si ex-girlfriend at ang bulung-bulungang closeness naming dalawa. Sabi ko ay pawang harutan lang yun. Alam naman niyang hindi ako straight. Kung malalim man ang pinagsamahan namin, iyon ay dahil higit sa pagiging girlfriend ay naging magbestfriend kami. Ang pag-ibig ay nadevelop hindi dahil sa physical attraction kundi dahil sa companionship na inoffer namin sa isa't-isa.

Napunta ang usapan sa isang katropa na kahit kailan ay hindi nagkaroon ng girlfriend. Palibhasa'y masyado itong "soft-spoken" kaya hinala ng lahat ay nagtatago ito sa closet. Hindi rin nakatulong ang kanyang pagiging movie buff at pagiging madikitin sa mga babae. Sablay rin ito sa diskarteng panliligaw. Napabalitang binigyan ito ng blind date noon ng isa naming kaibigan. Subalit dahil walang maikuwentong may sense ang binata, nagtinginan lang sa dinner table ang dalawa.

Ipinaliwanag ko kay ikalawa ang kahinaan ni ikalima. Una sa lahat, naghahanap ang babae ng security sa company ng isang lalaki. Mabigo ang lalaki sa pagbibigay nito at tiyak na matu turn-off ang babae. Sumang-ayon sa akin ang kanyang fiancée. Sa kaso ni ikalima na horizontally at vertically challenged, ang kanyang pagiging soft-spoken ang ultimate give-away para siya i-bully ng ibang lalaki.

Malaking factor rin ang pagiging gentleman.

Nasa second year college ako noon nang may naging kaibigan isang magandang babe sa aming section. Palibhasa'y walang kamuwang-muwang sa takbo ng isip ng mga babae kaya't binigyan niya ako ng pointers kung paano maging gentleman. Dapat daw ay laging nasa danger side ng kalye ang lalaki kapag may kasamang itong babae. Never daw hinahayaang umuwi mag-isa ng bahay ang babae lalo na't malalim na ang gabi. Sa pagsakay sa sasakyan, laging pinapauna ang babae. Ito ay para sakali mang umandar ang jeep o bus o kotse ay may sasalo sa babaeng maaksidente. Marami pa siyang naituro sa akin, na ngayon ay bahagi na ng pagkatao ko. Sayang nga lamang at hindi sila nagtagal ng mga katropa kong kanyang pinalakad sa akin.

Gaya ng mga lalaki, ang mga babae ay may libog rin sa katawan. Its human to be sexual. Subalit ang mga tao ay may kanya-kanyang values. Iba't ibang approaches ang kailangan upang madiskubre ang kahinaang tinatago ng bawat isa. I for one is a natural flirt. Sanay ang dila ko sa bolahan. Sabi ng ex-girlfriend ko, kung babae lang daw ako ay tiyak sangkatutak na ang naging boyfriends ko. Mabuti't hindi nagkatotoo ang kanyang pangitain. Sa aking huling bilang, tatlo pa rin ang naging karelasyon ko.

Going back to the topic, the best pa rin kung may kasamang alcohol ang pambobola. Mahilig akong mag-shower ng complements, lalo na kapag medyo sexy ang damit na suot ng tsik. (kahit mataba pa ito) Women are vain when it comes to their looks. Sobra! Sabihan mo ang isang chick na sexy kahit may baby fats ito sa katawan at tiyak ikaw na ang bestfriend niya.

Kailangang may kasamang attitude ang pagiging flirtatious.
Seductive ka nga pero kung hindi mo naman kayang dalhin ang iyong sarili ay parang wala rin. Girls love to win, at kung secure ka sa pagkalalaki mo, you let them have the wheel. Never akong nagduda sa diskarte ng babae. Kasi, at the end of the day, kung talagang kilala mo ang sarili mo at confident ka sa mga kilos mo, sa iyo pa rin hihingi ng affirmation ang babaeng biniyayaan mo ng kapangyarihan.

Lastly, gaano man kabarumbado ang isang lalaki, hindi ito magkakaroon ng soft spot sa mga babae kung wala itong sensitive side. Ano ang mapapala ng kaalaman mo sa comics or sa video games o kaya sa mga cartoons at gadgets kung hindi mo kayang intindihin ang needs for affection ng chick na kasa-kasama mo? I guess one reason bakit bentang-benta ako sa mga single na mga nanay ay dahil mas pinagtutuunan ko ng pansin ang kanilang mga panganay. Sayang nga eh, sana ako na lang yung naging tatay. Sensitivity and aggression go side by side in getting a woman's attention. They wanted to be treated equals yet they deserve to be protected in ways only a man can provide. Siguro, kaya successful sa relationship yung tropa ko na engaged na ay dahil despite his chauvinistic leanings when we were young, he eventually earned not to underestimate his girlfriend.

It's sad that I know these things, and can easily beat a straight guy when it comes to winning a chick. Kaso, dumating sa point na kinailangan ko na rin ang security at companionship ng mas nakakalalaki sa akin kaya hayun, nakikikumpitensya na rin ako sa mga babae.

Hindi ko alam kung may mga babae na nagbabasa ng blog ko, but this is how I believe women think. Maaring ito ay totoo. Maari rin naman na hindi. Pero kung may isang bagay na napakahalaga pagdating sa love, what matters really is how you understand and accept the person you vow to stay for life.

Yun ang essence ng isang relationship.




20 comments:

Anonymous said...

pa-kiss, pare

Anonymous said...

I'll try to use advice. =)

Though I'm an avid reader of your blog, I think this is my first time to comment on it. sorry for that.

I like your entries by the way.

-Rei.

domjullian said...

ayun e o!

agree ako sa girls love to win.

they always want to be in control and take charge. I guess nakakadagdag sa confidence ng babae pag alam nilang may control sila over boys.

but beware guys, hinay lang sa pag pe please. Mahirap i-spoil ang babae. we'll never get through it.

Manech said...

I suspect that, to a certain extent, we can understand the needs of (straight) women because that is also what we look for, in a partner, in another man.

Just a thought.

Galen said...

Anon:

Beso lang ba o lips to lips?

Heheh.

Rei:

No need for apologies. Thank you for reading pare. It's a great honor to be read by strangers.

Welcome to my blog.

Julian:

Isipin mo na lang yung struggles ng feminist movement at maiintindihan mo bakit sobrang competitive nila.

I look forward to the day I see a woman general in the armed forces. Let's see how girls conduct warfare.

Hahaha.

Chick, na ispoil? Alam ko sila ang nagspo-spoil ng mga lalaki?

Galen said...

Manech:

Wow, that was a bomb! You hit exactly what the subtext of this entry is about!

Dhon said...

Pero kung may isang bagay na napakahalaga pagdating sa love, what matters really is how you understand and accept the person you vow to stay for life.

-- I agree!

lee said...

wow, point well explained =D

my girl friends, i think, would definitely agree to this. complex as women are, but they can still be easily read.

Herbs D. said...

nakanaks! you speak like a woman. i love it!

Galen said...

Herbs:

The inner diva in me speaking? Hahaha!

Lee:

Women are not complex when you know how to think like them.

Dhon:

Apir!

Anonymous said...

next time i won't ask. contact agad.

/iambrew said...

Kaso, dumating sa point na kinailangan ko na rin ang security at companionship ng mas nakakalalaki sa akin kaya hayun, nakikikumpitensya na rin ako sa mga babae.


--- bigla akong natawa to what seemed a serious topic. hahaha... peo i like this post, parang HELP 101 to sa mga taong di marunong magpahalaga sa mga babae. I like every point you made and I believe na if ever man mabasa ito ng mga girls eh, they'd say the same... :)

Nice job!

MkSurf8 said...

ako lapitin ng mga older women (i.e. old maids but power women). may dati ako girl FUBU na older din.

ayun na confuse tuloy ako so i switched allegiance. lol!

Pau said...

Hay nako. Mga babae talaga. ANG PICKY!! Ay teka. Babae din pala ako. :|

Astig astig. Keep writing. :D

Galen said...

Pau:

Weh, hindi nga picky mga babae eh. Mas madali makipag-flirt sa kanila kesa makipagflirt sa mga katulad ko. Hehehe.

Thanks for validation, pare!

MkSurf8:

Don't tell me they tied you up, blindfolded you, and used whip to punish your innocent body kaya ka na-trauma sa mga babae at nag switch allegiance ka?

IamBrew:

Sa dami kong alam kung paano magpahalaga ng chick, kailangan ko maglagay ng disclaimer at baka ma-confuse sa sexual preference ko yung mga readers. Lol.

Welcome to my blog.

bunwich said...

nice. nice. panalo ka talaga.. pwedeng mag pa autograph?

Bryan Anthony said...

right...

Galen said...

Bunwich:

Sus, ako nga dapat ang magpa-autograph sa mag-lover eh.

Bryan Anthony:

Thanks!

citybuoy said...

u sher know a lot about women.

Galen said...

Neil:

I grew around women. :)