Sa pagitan ng Hidalgo at Arlegui St. malapit sa Quiapo Underpass ay matatagpuan ang munting bilihan ng sigarilyo ni Nanay Muning. Dahil nasa tabi ng ATM Machine ng PSBank ang kanyang puwesto, madalas ko itong nadadayo sa tuwing maglalabas ng perang panggastos sa pamimirata ng dibidi malapit sa lugar. Maraming matatandang tindero't tindera ang may puwesto roon, subalit isang bagay na nakasipat ng aking atensyon upang kaibiganin ang matanda ay ang kanyang kasa-kasamang pusa.
May mga panahon na mahaba ang pila sa ATM. Bukod kasi sa napaka-kupad ng ibang gumagamit ng machine, medyo luma na rin ito't mabagal maglabas ng pera. Upang maiwasan ang pagkabagot sa pag-iintay ng aking pagkakataon, ang pusa ni Nanay Muning ang madalas kong inaabala tulog man ito o gising. Sa mga magtataka kung paano nagkaroon ng pusa sa mataong lugar na iyon, ang pusa ni Nanay ay may tali sa leeg. Mukhang nakasanayan na rin ito ng kanyang alaga kaya't hindi ito pumapalag gaya ng ibang pusang alam ko.
Kahapon ay muli akong dumayo ng Quiapo matapos ang napakahabang araw na palibot-libot kung saan-saan upang maghatid ng regalo sa mga inaanak. Tiyempong naalala ko na may Christmas Party pala kami sa Tripper's Clan sa PEx kinagabihan at wala pa akong regalo sa aking monito. Bago bumaba ng jeep ay kaagad kong sinilip ang laman ng aking wallet.
Ubos na pala ang perang laman nito.
Kaya't tumungo ako ng PSBank upang maglabas ng extra cash pambili ng regalo. Nagkataon naman na naroon si Nanay Muning na nakaupo sa kanyang folding chair habang binabantayan ang kanyang tindahan ng sigarilyo. May gumagamit pa ng ATM kaya't napilitan akong mag-intay ng aking turn para magwithdraw. Wala roon ang kanyang pusa kaya't ang matanda ang aking napagtuunan ng pansin.
Malamig ang klima, maulap ang kalangitan at ramdam ko na apektado si Nanay Muning dito. Sa aking panandaliang pagtayo roon, maraming beses kong nasaksihan ang kanyang pag-ubo na may kasamang paghukot ng kanyang likod sa tuwing dudura ng plema. Medyo nag-alala ako sa kanyang kundisyon. Matanda na rin kasi si Nanay at kung hindi ako nagkakamali, doon rin siya natutulog sa kanyang puwesto tuwing gabi.
Minsan na kasi ako nadaan roon patungong underpass pasado hatinggabi at nakita siyang balot ng maduming kumot at naghihilik sa kanyang folding chair.
Patuloy pa rin ang pag-ubo ng matanda. Upang alalayan ito, hinimas ko ang kanyang likuran na siyang naging daan upang lingunin niya ako't muling kilalanin.
"Kilala mo ako?" Tanong niya sa akin ng may munting ngiti sa kanyang mukha.
"Opo, alaga niyo yung pusa diba?" Kasabay noon ang pagturo sa kanyang alaga na nagtatago pala sa ilalim ng kanyang puwesto.
Marahil ay nakita niya ang aming koneksyon kaya't gumaan ang loob nito sa akin. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay sabay bati ng
"Meri Krismas."
Napangiti ako sa kanyang sinabi.
Turn ko na noon upang mag-withdraw. Matapos mamili ng pangregalo sa mga tao at pakikiparty kung saan-saang dako ay di-kailang nabawasan ang aking ipon. Ito ang dahilan kung bakit wala akong regalo sa sarili. Sa kabila nito ay hindi ako gaano apektado ng deprivation. Ang diwa naman ng Pasko ay nakatuon sa iba at hindi sa sarili, kaya't ganoon man ang nangyari, masasabi kong masaya ako.
Kaharap ang ATM, naalala ko si Nanay Muning na rinig pa rin ang pag-ubo sa labas. Naalala ko ang mga dapithapong nakakapulot ako ng munting kasiyahan sa paghimas ng kanyang alagang pusa - na kahit anong pangingiliti ko dito ay hindi ako kinakalmot. Naalala ko rin ang kanyang mga kwento tungkol sa lugar sa tuwing tumatambay ako't nagsisigarilyo sa tabi ng kanyang puwesto habang patuloy ang mabilis na pagikot ng mundo sa harap namin.
Higit sa lahat, naalala ko kung gaano kalungkot magpasko sa lansangan, walang handa at minsan ay wala pang pera - habang ako, na magpapaskong malaya matapos ng walong taon kapiling ang iba't ibang karelasyon ay magdiriwang ng isang engradeng Noche Buena kasama ang pamilya at ang buong angkan.
Nagwithdraw ako na buo sa damdamin ang aking gagawin.
"Merry Christmas po nanay." Bati ko kay Nanay Muning paglabas ng ATM Booth.
"Meri Krismas rin apo." Sa wakas ay tumigil na rin ang kanyang pag-ubo sa kabila ng manaka-nakang pag-ambon sa kalsada.
Mahigpit ang hawak niya sa aking kamay habang tinuturo ang lahat ng kanyang mga anak at apo na may mga puwesto sa paligid. Kung hindi ako nagkakamali ay dati na niyang naikwento na noong unang panahon ay higit na mas marangya ang kanyang buhay. Sa kasamaang palad ay hindi ko na tinanong kung bakit ito nagbago.
Naramdaman ko ang pagdulas ng kanyang hawak. Bago mahuli ang lahat at masira ang aming moment, pasimple kong binuka ang aking palad upang dumampi sa kanyang kulubot at magaspang na balat ang tanging maireregalo ko sa isang kaibigan na matagal ko ng hangad isama sa aking mga kuwento.
"Merry Christmas po ulit nanay." Pangiti kong sabi habang dahan-dahang umaatras sa kanya.
Hindi man kasama is Nanay Muning sa aking official gift list, ang regalo ko sa kanya marahil ang pinaka-matimbang sa lahat ng binigyang pasasalamat ko ngayong taon.
---
not her real name
merry christmas guys!

No comments:
Post a Comment