In Ghost in the Shell, the word ghost is colloquial slang for an individual's consciousness. In the manga's futuristic society, science has redefined the ghost as the thing that differentiates a human being from a biological robot. Regardless of how much biological material is replaced with electronic or mechanical substitutes, as long as individuals retain their ghost, they retain their humanity and individuality.
Ghost in the Shell (Philosophy)
Wikipedia
---
Alas-diyes ngayong gabi.
Nag-ring ang telepono habang ako ay nagsisipilyo sa banyo. Simula noong Oktubre ay naging patakaran na hindi ako maaring sumagot ng phone. Gayun din, mahigpit na ipinagbabawal kanino man ang sabihin sa tumatawag - kahit kanino - na ako'y naroon sa bahay.
Ako ay isang multo sa aking sariling teritoryo.
Sinagot ng kasambahay ang telepono. Noong una'y ayaw magpakilala ng tumatawag. Nang maglaon ay nabosesan ng tumatawag ang nakasagot. Na-assure ang caller na neutral ang nasa kabilang linya. Ito ay nagpakilala.
Si Phanks.
Sa tuwing nangyayari ang mga pagtawag o kaya nama'y pagcontact na katulad nito, unang apektado ang mood ko. Nakakaramdam ako ng takot, pagkalungkot, at pagkaawa sa kanya. Ito ay mga pakiramdam na anumang pilit kong intindihin ay hindi ko lubusang maunawaan. Sa aking desperasyong makapagtago - gaya noong minsang humingi siya ng pahintulot sa katulong upang mag-overnight sa bahay - ay napilitan akong tumambay sa Malate makasiguro lang na ituloy man niya ang kanyang balak ay hindi kami magtatagpo.
Saksi si Mama sa nangyari kanina at by now, malinaw na sa kanya ang aming naging fall-out. Noong sumilip nga ako sa sala kung saan siya naroon, ang kanyang hintuturo ay nakadikit sa kanyang labi. Nais niyang ipaabot na ako'y manahimik sapagkat ang aking tinataguan ay nasa kabilang linya lang.
Kung may idea man siya sa aming naging relasyon ay marahil ikinatuwa niya ang aming paghihiwalay. Hindi ko man ipaalam sa kanya ang mga detalye, subalit ang iwasan ang lalaking linggo-linggo mong pinapatuloy sa iyong kwarto ay isang malinaw na indikasyon na may di-magandang nangyari sa inyong dalawa.
Pilitin ko man ikubli, ngunit malinaw ang dahilan kung bakit napapadalas ang kanyang pagpaparamdam. Ilang araw mula ngayon ay sasapit na ang aking kaarawan. Siguro, sa kanyang tingin ay isang magandang pagkakataon kung naroon siya upang ipagdiwang ang araw ng aking kapanganakan.
Ang hindi niya alam ay ilang gabi ko nang pinaghahandaan kung paano magtatago sa araw na iyon.
Ito rin ang dahilan kung bakit higit na wala akong balak maghanda sa taong ito.
Marahil ay tama si G. Gaya ko ay hindi siya maka-move on sapagkat wala kaming closure. Ang mga bagay na naging dahilan ng aming paghihiwalay ay hindi ko malinaw na nalahad sa kanya. Ang kanyang pagsusumamo, at paghingi ng tawad at isa pang pagkakataon ay hindi na nakarating sa aking tenga. Paano kasi ay pinutol ko ang lahat ng aming ugnayan isang araw matapos akong bumitaw.
Ngunit sa totoo ay nahihirapan na ako.
Subukin ko man makipag-usap at bigyang tuldok ang aming paghihiwalay ay hindi ako handa. Tiyak na mauuwi ang aming usapan sa walang katapusang pang-hohostage ng aking kalooban. Naroong siya ay magmamakaawa, magbabanta, mananakot at gagamit ng kung anu-ano pang mga paraan para makipagbalikan na gugulo lamang sa aking kapayapaan.
Desperado na akong makawala at makapagsimulang muli.
Subalit ngayong nararamdaman ko ang yabag ng kanyang mga paa sa sahig,
at naririnig ko ang kaluskos ng kanyang mga kamay sa aking dingding,
ako etong parang hinahabol ng multo. Matagal pa ang umaga subalit paubos na ang mga lugar na aking mapag-kukublihan.
---
He asked whether my birthday will fall on the 24th or on the ____ . The maid only gave a vague reply. Come to think of it, I know when his birthday is in a snap of a finger. The last time he celebrated it, I left my station earlier just to buy him a cake and deliver it all the way to his house in Camanava.
Despite the massive cracks that has already formed between us.
I always believe that separation will let you hold on to the things you cherish about the past, for it will never happen again. Now, I wonder if in those five years, he did really know. Or he just showed up whenever I invited him to stay over on the eve of my birth.
It makes you think...
and makes you more heartbroken.

No comments:
Post a Comment