Friday, August 14, 2009

Boulevard Of Broken Dreams

For us to remember and never forget:
So we will cease putting our hopes in this another meet-up
with a stranger who is about to cross our path.

---

Lunchtime

"Uy, bakit ka nagmiss-call?"

"Asan ka po?"

"Heto papasok napo sa trabaho. Bakit mo tinatanong?"

"Wala lang... Happy Monthsary po. I miss you so much."

"Miss. na.. rin.. kita..."

"Kinalimutan mo na ang monthsary natin."

"Iniintay lang kitang unang bumati. Alam kong monthsary natin ngayon."

"Tulog po ako sa inyo mamaya. Ok lang po ba?"

"Ah eh, gagabihin po ako sa work mamaya eh. Pasensya na."

"Miss na po kita makayakap eh. Ayaw mo na ako patuluyin sa inyo."

"Hindi naman... kakastay mo lang sa amin nung minsan ah."

"Tampo na ako sa iyo. Ayaw mo na ako papuntahin sa inyo."

"Ang kulit mo naman, sabi sayo gagabihin ako eh."

"O sige na nga. Kahit nagtatampo ako. Ingat po ikaw."

"Babay, I love you."

"I... love.. you. po."

---

Text message: Pasensya na, magkaaway kami ng kapatid ko ngayon eh. Ayaw kong may sabihin siya pag tumuloy ka sa amin.

---

Hapon

"Bakit ka po ulit nag-miss call?"

"Wala lang, nalulungkot lang ako. Miss na po kita makayakap eh."

"Ok lang yun. Nagkikita naman tayo diba?"

"Iba pa rin yung yakap eh. Alam na po ba ni __________ ang tungkol sa atin?"

"Hindi ko alam. Wala rin akong pakielam. Ayaw ko lang may sabihin siya tungkol sa iyo."

"Ayaw na po ba nila ako pumunta sa iyo."

"Hindi naman. Wala naman sila sinasabi sa pagpunta mo dun eh."

"Sobrang miss na po kita. Antagal na kita hindi nakakatabi sa pagtulog."

"Ako rin..."

"Hayaan mo next time na lang. Wrong timing ka naman eh."

"Ganyan na po ba ngayon? Parang gusto ko maiyak, hindi na kita nakikita eh. Parang may nag-iba na sa atin."

"Wala naman ah. Saka wag mo masyado isipin yun. Ang mahalaga, magfocus ka sa pagtapos mo sa school."

"Sigurado ka ha. Wala."

"Wala... Balik na po ako sa work. May pasok ka mamaya diba?"

"Meron po."

"Galingan mo sa school. Ingat ka sa pag-uwi."

"Happy Monthsary po."

"Happy Monthsary rin."

"I love you."

"I love you."

"Mwah."

---

Behind the facade is a heart
torn between an icy awakening and
a sunshiny dream.

The last time we slept together,
I was rudely awakened to the truth
that what connects us nowadays is a crumpled
two hundred peso bill.

If I ever re-emerge from
this rot we used to call a relationship,

One thing will still remain
and it is the pain of your memory.

Fullmetal Dreams | Torn