Tuesday, August 18, 2009

A Tale Of Two Airplanes

"Biazon expressed concern over reports he got from Air Force officials that they had only one C-130 transport plane operating right now and that the four other C-130 planes were out of commission.

“When you order to annihilate the enemy, are you pouring in resources? Otherwise, your enemy will just end up laughing at you,” Biazon said, referring to President Gloria Macapagal-Arroyo’s directive to the military to stamp out the Abu Sayyaf."

No Artillery, No Armor, No Air Support
Philippine Daily Inquirer



“I’m formally announcing that the President has ordered the cancellation of the purchase of a presidential jet,” Press Secretary Cerge Remonde said at his weekly media forum aired on the government-run Radyo ng Bayan.

Remonde said the President “doesn’t want people to say that she was putting her needs ahead, although come to think of it, it’s her successor who would benefit from it.”

Malacañang abandoned the planned purchase only two days after it announced that the Office of the President had set aside P1.2 billion for a “factory-new,” twin-engine, pressurized aircraft for Ms Arroyo’s travels

Arroyo Cancels Jet Order
Philippine Daily Inquirer

---

Hindi nakakapagtaka kung bakit bumebenta ang mga balitang panira sa gobyerno ngayon. Ang mga tao ay pagod at sawa na sa pagkukunwaring hinahabi mapagtakpan lang ang katiwaliang nangyayari sa pamahalaan. Ang pangulo, na nagbibingi-bingihan sa sidhi ng sambayanan ay ngayo'y umaani ng kabatikos kung saan-saan. Nagsisimula na umikot ang gulong ng karma na kanyang babayaran matapos bumaba sa puwesto sa susunod na taon.

Ang salaysay ng dalawang eroplano ay nagsimula sa masukal na kagubatan ng Basilan. Doon ay dalawampu't tatlong sundalo ng gobyerno ang walang awang pinaslang matapos lumusob ang militar sa kampo ng mga bandido. Ayon sa balita, ni isang pagputok mula sa Howitzer ng pamahalaan ay hindi dumagundong sa lugar. Wala ring ang mga Armored Personnel Carrier na sana'y magtatakbo ng mga sugatan palayo sa barilan. Hinala ng ilan na maaring nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng militar at mga pinuno ng bandido. Di lingid sa kaalaman ng marami na ang militar rin ang nagbebenta ng armas sa kanilang mga kalaban upang pagkakitaan.

Sa kabilang dako, napaulat na animnapu't isang opisyal ng pamahalaan ang naghapunan sa isang mamahaling restaurant sa New York. Kabilang sa mga panauhin ang Pangulo, mga mambabatas mula sa mataas at mababang kapulungan at pati ang ilang mga ass licker at aso ng palasyo. Hindi bababa sa isang milyon ang nagastos ng entourage na siyang kinamuhian ng sambayanan. Kahiya-hiya na sa kabila ng milyon-milyong Pilipinong nagugutom araw-araw dahil sa kakulangan sa pera, ang mga lider pa ng bayan ang nagsusunog na pera masaksihan lamang na kumakain sa isang restaurant na di nababagay sa isang "third world leader" gaya nila.

Kung pag-aaralang mabuti ang dalawang magkaugnay na mga pangyayari, tila nanganganak ang balita upang higit na isambulat ang kabulukang sanhi ng pagkaagnas ng sistema ng pamahalaan. Anumang panakip-butas ang itapal ng mga tagapagtanggol ng palasyo, tiwala ako na lalo lamang sisingaw ang bahong katulad ng sa utot na pilit pinakatago-tago sa loob ng pantalon

Makakatawag pansin rin ito sa isang maliit na kalawakang ginagalawan nating lahat.



It all began with the passing of a beloved leader.

And then there was the infamous dinner.

Which was followed by an investigative journalism report

alleging the first family gaining huge profits from a land sale in Bulacan

Then the ambush happened in Basilan.

Which killed 23 of our finest soldiers.

Accounts from ground troops claim that there was no air support

during the assault, and that we have only a single C130 cargo plane

to service our soldiers in the battlefront

Meanwhile, a spokesperson from Malacanang announced

that it was scrapping a jet order worth 1.2 Billion Pesos

to be used and abused by the

head of the government,

The most beloved President, Gloria Macapagal Arroyo.

---
-tobecontinued-

9 comments:

gillboard said...

tara joms, boto na tayo!!!

elleica said...

hehe hello!

actually un binasa ko un ORBITER.. pero nagulat ako na walang comment form.. tama ba?? mag cocomment pa naman sana ako..

first time ko makabasa ng entry na ganito sa mga paglilibot-libot ko ng mga blogs..

natuwa ako.. fresh insights into things.. :D

btw.. ang template mo is from a wordpress template right? :D

Anonymous said...

i am very hopeful for a president from the opposition next year. i would like to know if he/she could really make a difference. :)

wanderingcommuter said...

from teh looks of it, tingin ko mas promising ang political environment natin sa next term...

as of the moment, kelangan lang natin kalampagin lang itong nunal na ito!

dencios said...

di na siya bumili ng choper kasi para matakpan yung issue sa perang ginastos nung kumain sya.

Anonymous said...

ang hirap n magcomment.

Mugen said...

Xtian: Hala, Pro-GMA ka no? Lol.

Dencios: Hindi lang chopper ang bibilhin niya, fixed-wing aircraft talaga!

Ewik: Exciting talaga. Yun eh kung magkakaroon ng eleksyon.

Mugen said...

Trip: This is my pragmatic side speaking: The answer is no. Things will never change.

But at least, it's a different administration.

Elle: Nice name!

Thanks. Sinasadya ko hindi maglagay ng comment pag medyo personal at tagos sa buto ang entry. I know its unfair but the reason behind the suppression of other bloggers' opinion is because I do not know how to react to what they will say.

Like I said in another blog entry, the dissemination of information can be tweaked.

Gillboard: Hindi pa ako registered eh. :(

Anonymous said...

hindi kase ako nagparegister kaya wla ako karapatan mag complain hehehe. kung pwede lang e baka talo ko pa entry mo na to hehehe.