Sunday, August 9, 2009

Confessions On The Dance Floor

We return to the crowded and pretentious dance floors of Malate only for one thing: To relive a romantic past where lovers were born out of men we slept in bed. The first boyfriend began in such fashion and so was the second one. We hope that out of the hundreds of broken souls searching under the disco lights, one would hear our quiet longings amidst the bass beat of the House sounds.

But reality has been far, far different from daydreams.

Instead, Malate has become a drug that enhances our player leanings. We flirt, we trade glances, we hold other people's hand, we let them hold our crotch, we get rejected, we abandon, we get bored and seek another challenge. We play over and over until we have learned to conclude the game even before it starts.

Week after week, we instruct ourselves never to return. We tell our itching feet that the body is already worn out and tired from such nocturnal pilgrimage. The soul whispers that we shall never find the one we seek among the dance partners, especially now that we only see the shallowness of the game we play.

And yet still we return - maybe out of boredom.

Maybe because Malate still provides us with brief highs and empty thrills as a consolation for choosing to remain free.

Habang bumabayo ang buong O-Bar noong isang gabi sa remix ni Mariah, lumabas ako ng club upang magsigarilyo. Mahangin sa kapaligiran habang ang langit naman nanatiling maaliwalas matapos itong lubayan ng makakapal na ulap na naghatid ulan buong linggo. Kakaiba ang gabing iyon sapagkat napansin ko ang papalubog na buwan sa kabila ng mga naggagandahang lalaki sa aking paligid. Katabi ng buwan ang nag-iisang tala na wari'y hindi lumulubay kahit pa lipasan ng oras ang dalawang estranghero sa langit.

Naglaro sa aking isipan nang mga oras na yun ang isang scenario: Isang astiging lalaki ang lalapit sa akin at makakapansin sa aking pagmumuni-muni sa kalawakan at bubungad ng:

"Bilog pala ang buwan ngayon... Napansin ko na pinapanood mo rin siya.... Ako nga pala si..."


Now the confession:

Before the ninth day of the month was over, we have failed to keep our word to spare ourselves from the temptations of the flesh. The story will reveal itself in another time. We have also disappointed some people close to us but reasons will justify our hasty actions. I just wish that things would be resolved in the coming days. What remains of our promise is the little speck of light that no matter what we do and no matter what actions we take.

We shall bare our humaneness and become less mean and cruel to those who walk our path.

Isang tranny ang kinakantahan ng Happy Birthday nang dumating ako sa Che'Lu kanina. Sa hitsura at katawan pa lang, big mamasang na ang dating niya sa kanyang mga binabaeng kasama. Malapit man sa isa't isa ngunit mundo namin ay ibang iba. Sa kanya ay isa lamang ako sa mga pamintang kanyang kinamumuhian. Mortal na kalaban kami sa mga barakong lalaki. Sa akin naman ay isa lamang siyang parlorista na kadalasan ay nilulubayan. Maraming beses na rin akong nadakma ng mga katulad niya.

Ngunit sa pagkakataong ipinagkaloob sa amin, isang maliit na kabutihan ang kanyang iginawad sa kabila ng aking supladong pagtingin. Palibhasa ay nakaupo katabi ng bar counter, nagpasya siyang kunin ang aking stub upang ipaabot ang aking order. Sa takbo ng kalakaran sa Malate, isa itong hayagang pagpapansin upang makuha ang aking atensyon.

Subalit nakita ko sa kanyang ginawa ang ugaling pagka-makatao. Bilang ganti, binulungan ko ang mamasang ng "Happy Birthday" na nag-iwan ng bakas ng ngiti sa kanyang mukha.

Ilang beses pa kami nagkita malapit sa bar counter at sa bawat pagkakataong iyon, pagtango at pagngiti ang aking isinukli bilang pagkilala sa kabaitang iginawad niya sa akin nang una akong umorder ng mineral water (Nitong mga nakaraang linggo kasi, nagkaroon ako ng ugaling mang-isnab ng nakakatitigan maramdaman ko lang ang kanyang pagiging mas malabot kesa sa akin.) sa waiter.

At bilang pagtatapos sa dalawang magkasunod na gabing pagpapakawala sa Malate, isang bahagi ng aking pagkatao ang pinakita ko sa isang estranghero.

"I have to go. Happy Birthday ulit." Pangiting pagpapaalam ko sa mamasang.

"Babay, Thanks." Nagsimula akong maglakad papalayo. Humabol ito ng isang hirit.

"Kiss ko?"

"Mwah" Sabay dikit ng aking labi sa kanyang pisngi. Sa unang pagkakataon ay kumilala ako ng isang lalaking hinding hindi ko papatusin sakaling tsansing ang binalak nito sa akin.

Nakalabas ako ng pintuan ng Chelu na solb sa night out kahit kawalan man ang magdamagang paghahanap ng barakong makakalandian.

11 comments:

<*period*> said...

hmmm, i actually dont know what you meant po when you said 'outright desperation'...but nevertheless, you have my trust...

it would be my first time to play 'subordinate'...following orders...but knowing it would come from you, i guess it would be worth the try..the excitement is there, and yes, going beyond my comfort zone and trying something new (with your guidance), i think is really an experience i should give a try

just give me a buzz when you feel like it..you know my digits..we can also communicate through email..just give me a buzz...

p.s. medyo nakakatakot itong agreement na ito,(after all, hindi pa naman po talaga tayo magkakilala) pero gaya nga ng sabi ko, i'll just follow whatever you'd say and be the subordinate..you have my trust..just dont break it

gillboard said...

i like this post... i think i know what you're going through...

not the bar thing... but i think you know what i mean...

Herbs D. said...

i've had enough of Malate for now, back to drinking milk for me hahaha

Atom said...

sa aking paniniwala o opinyon, ang malate ay lugar ng mga PLAYERS.

at ang mga mapaglarong nilalang ay nagmamahal lamang kung silay naglalaro at may pinaglalaruan.

dencios said...

alam mo somewhere, someone is waiting. hanggat di mo alam kung san ka pupunta, hindi kayo magkikita.

bakit di ka magfocus sa ibang bagay sa buhay mo kesa paulit ulit kang nasasaktan.

tingin ko para sa isang katulad mo ay dadating din yn

Anonymous said...

if you wanna have some fun then I think the place is for you. But I keep my distance from that place. Temptation is inevitable.

Mugen said...

Xtian: Don't worry, I have already mastered the art of eluding temptations.

Dencios: Gaya nga ng sabi ko, Malate is a drug that I can't resist. The best thing for me to do is make the best out of my weekly returns.

Mugen said...

Atom: Meron rin dun na mga brokenhearted at tunay na naghahanap ng taong magbibigay kulay sa buhay nila. All you have to do is look closer.

Herbs: Go drink your milk. It makes your bones strong. LOL.

Mugen said...

Gillboard: Salamat ang nakikita mo saan ako patungo at saan ako nanggaling.

Kahit hindi ko ma-gets kung ano yung ibig mong sabihin. Eheheh.

Period: Don't think its following orders. Think of my suggestions as enhancements that may aid in your quest.

gillboard said...

pareho lang kasi tayong may kailangan iadjust sa ugali ngayon, kaya nasabi ko na alam ko yung pinagdadaanan mo.. ;p

Anonymous said...

na trauma ako jan. 1st ko punta sangkatutak na harassment inabot ko. na culture shock ako. dko inakala na may ganyan palang lugar sa atin na parang sa queer as folks ko lang nakita.