Tuesday, August 18, 2009

Signos: Remembering Rica Paralejo


Rica Paralejo | Fullmetal Dreams
September 06, 2005





---

Tuesday.

Pumasok ako sa work at since ka shift ko ang isang bisor na mainit ang dugo sa akin ever since naging regular ako sa trabaho, naharass na naman ako ng wala sa oras.

Ang issue naman ngayon, ang paggamit ng Limewire. Sabi niya, i-disconnect daw namin ang lahat ng Limewire dahil bumabagal ang bandwith ng mga computers. Ok lang naman dahil nga against sa company policy yun, pero ang kapansin pansin doon, alam niyang ako ang nagpapatugtog ng music sa office gamit ang Limewire at kahapon daw, kung kailan wala ako sa office, hindi naman niya pinansin yung mga nakaduty na gumagamit ng Limewire.

Napansin rin niya ako at one instance kasi binabasa ko ang e-mail galing sa mga Diyos namin sa Australia. Hirit ba naman sakin magtrabaho daw muna ako dahil maraming pending message. Hirit ko naman nagtratrabaho ako at binabasa ko ang mga bagong policies ng client bago ako bumirada sa ginagawa ko.

Ang gago ba naman, hindi talaga umalis hangga't hindi ko sinasarado ang window kung saan nandoon ang e-mail na binabasa ko.

---

Tangina.

Linggo linggo na lang laging ganito ang eksena. Every duty kung saan magkapareho kami ng shift, hindi malayong may mapansin sa akin.

Dati rati, quever lang ako kahit na alam kong may weird na pakitungo siya sa akin, pero ngayong marami na ang nakakapansin na ako ang lagi niyang pinupuntirya, sobrang haggardness deluxe ako kapag duty ko ng Monday at Tuesday dahil kasabay ko siya at di malayong mapag-initan na naman ang nananahimik na ako.

Hindi ko naman alam kung ano ang nagawa ko sa kanya. Basta, ever since pumasok ako dun, parang ang gaan gaan sa kanyang barahin ako o kaya mag-init ang dugo niya sa akin.

Nakakabadtrip rin minsan, lalo na noong feeling ko mag-isa pa lang ako. Kaya nga napa-apply ako sa West (Contact Center) dahil lang sa sama ng loob ko sa kanya.

---

Pero every week simula noong unti-unti kong nakakabonding ang mga katrabaho ko, marami akong na-uuncover tungkol sa past transgressions niya.

Nandoong nalaman ko na marami na siyang pinag-initan bago sa akin at talagang nasa personality niya ang mag-power trip.

Nalaman ko rin na hindi pala ako nag-iisa at meron nang mga tao sa office ang minsang pumalag sa power tripping niya.

Pero feeling ko, mukhang isa ako sa mga nakalinya sa mga susunod na papalag sa kanya.

---

Nakakaawa lang kasi ramdam mo talaga na lahat ng tao ilag sa kanya.

Lalo pa ngayong may solid front ang lahat ng pang-umaga.

Noong isang linggo, halos tatlong araw siya hindi makausap ng matino kasi merong isang colleague namin ang nagpalit ng pangalan niya sa whiteboard at ginawang pangalan ng babae.

Tuwing uwian naman, pansin na pansin mong maaga siyang umaalis ng office dahil alam mong may iniiwasan siya o ayaw makasabay sa daan.

At tuwing may napapag-initan bukod sa akin na suki na niya, lahat ng tao biglang napupunta sa kanya ang focus. Minsan pinagtatawanan siya sa mga ginagawa niya. Minsan hinahanapan siya ng dahilan sa ganung pag-uugali niya.

Nasa kanya nga ang tiwala ng mga boss... pero ng mga subordinates niya, parang medyo kaduda-duda yun.

Lalo pa ngayon.

---

For once, naging leader rin ako.

At alam kong kapag may subordinates ka, dapat ikaw ang maging dahilan nila para mainspire sila sa pamumuno mo at hindi mawalan ng loob.

Alam ko para maging effective leader ka, dapat tinitingala ka ng mga tao at walang nakikitang puna sa iyong paraan ng pamumuno.

Sa case niya, ang lousy niyang supervisor. Ako mismo, nawalan na ng amor sa kanya... ang iba pa kaya?

Kaya tuloy instead na maging efficient ang trabaho namin tuwing araw ng duty niya. Ramdam mo ang friction at tense atmosphere sa office.

Ramdam mo na hindi ka kumportable magtrabaho... at kung pwede lang matapos na lang ang oras ipagdadasal mo wag mo lang siya makasabay ng trabaho.

Ganun ang feeling ko madalas kapag kasama ko siya.

---

Buti na nga lang hindi pa kami openly nagkakabangga.

Buti na lang at hindi pa ganoon kalakas ang loob kong mag-fight back sa kanya kung hindi medyo matinding gulo ito... na siguro ay magreresult sa aking immediate termination.

Sa unang pagkakataon, pumasok ako sa trabahong hindi kumportable sa immediate supervisor ko.

Himala na nga lang at hindi ko pa sineseryosong mag-pull out sa kumpanya

Sa totoo naman, madali lang ako pakisamahan eh. Hindi naman talaga ako problema sa taong nagcocommand at nagbibigay sa akin ng orders.

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung bakit parang ako ata ang napapaginitan noong taong yun. Hindi ko naman siya na-offend ever since ah.

At the end of the day kahit pagtawanan mo ang buong nangyari, sa huli nakakadisturb pa rin na alam mong merong taong mainit ang dugo sa iyo.

Nakakadisturb na ikaw mismo, handang pumalag kapag alam mong gagamitan ka ng power tripping niya at ang hatred niyo sa isa't isa eh nagiging "mutual" na.

Kung hindi lang dahil sa mga kasama ko sa trabaho... lalong lalo na kay Mami Athena at sa buong morning shift.

Kung hindi lang sa loyalty at pakisama ko sa boss ko.

Ang tagal ko nang nag-resign.

Nakakita ka nga ng pamilya na medyo nagiging malalim ang ties mo, sa pamilya namang iyon, merong black sheep na palaging sa iyo nakatutok ang mga mata.

Nga namang buhay ito.

---

So that I will always remember that once upon a time,
I bore the brunt of a supervisor who bullied his subordinates on the floor.


Now that another ascension is at hand,
I will keep in mind the spot where the seeds of power were planted
and how, after so many years of pruning
the once tiny sapling is now bearing fruits.




Lucky are those who will be under me.

14 comments:

Anonymous said...

may mga ganyang tao talaga pre. sa amin ganyang din. pero siguro mas pangit lang makitungo sup mo kesa sa boss ko. kase boss ko kaya pa harapin kahit d mo gus2, yung sup mo parang d talaga kakayanin.

Eternal Wanderer... said...

sometimes, you have to show you have claws, too.

some people just do it to establish the pecking order. but once you bare your fangs, they generally leave you alone :D

Anonymous said...

been there also, lumaban na rin ako pro nsa point na ayaw ko ng pumalag wala nman kc mangyayari maganda. Iniicip ko n lng im working for my family not for them but. just hang in there...sooner or later mwwla din cla. unknown_danger

engel said...

Congratulations!!!

habang binabasa ko 'to naiisip ko na baka lagi ka niya pinag-iinitan kasi secretly inlove sayo yung boss mo.

hehehe

Mugen said...

Closet Gentleman It happened a long time ago pa dude. Eventually the subordinates (including me) turned against the supervisor. Yung iba sa mga nakipaglaban eh supervisor na ngayon.

Unknown Danger Woiiiiiii!! Bago pa lang ako nun kaya ako yung punching bag ng bisor. Hehehe. Mga sentiments ko nung first few months ko sa company.

Mugen said...

Eternal Wanderer: Depends on how will you show your fangs. That time I was totally powerless since I am just new to the job. Believe me, I have to look back at this - reference ba for the future. Hehehe.

Xtian: I have no complaints about our boss. Hindi ako tatagal dito kung may problema ako sa kanya. The best kaya yung director ng company.

RainDarwin said...

dinudugo ako bakit rica paralejo ang title. Pwede namang sam milby or sam concepcion di ba?

heheheh.

DonCholo said...

Oo nga supremo bakit rica peralejo? haha! teka nga basahin ko ulit.. badtrip naman yan boss na yan..

RainDarwin said...

K, supremo pala ang tawag mo kay papa joms.

dapat ang itawag mo kay Fox ay prayle. Sa ibang mga engkanto ay gwardya sibil.

sakin pwede nang "aliping sagigilid" ahehehe.

Mugen said...

Rain Darwin: Yun ang "Girl" name na tawag namin sa kanya dati. Paano kasi napapaghinalaan na kalahi natin.

Kumandante: Hindi siya boss, bisor lang siya namen dati. Ehehe.

DonCholo said...

"engkantong buraot, parang mas trip ko na tawagin kitang IDOL.. hahahaha!

june showers said...

hey hey hey this calls for a celebration!!! pizza ulet...sa Carlo's (i)piz-za sa tagaytay.

now that you are on equal footing, gone were the PT days!!!

pero yeah, it's worth the effort footnoting the experience.

Mugen said...

June Showers: Wow, you've figured out where I'm getting at. :) Abangan mo na lang ang mga next entries. The struggle has just began.

r3dguy said...

teh...di ka nag-iisa, may ganyan dito sa amin na i think na kwento ko sa yo.. but i think the tide of war has turned... wag kang aatras :)