Sunday, August 23, 2009

Drowned World (First Part)


Mermaid Dreams
O-Bar, Malate


"Yung mga nangangarap maging sirena diyan, ngayon na ang pagkakataon." Ito ang bulong ko sa isang kaibigan na kasayawan ko sa loob ng O-Bar. Noong umagang iyon ay bumuhos ang napakalakas na ulan sa buong kamaynilaan na siyang naging dahilan kung bakit lumubog sa tubig baha ang buong Malate.

Ngiti lamang ang sinukli nito sa akin.

Pasado alas singko na ng umaga subalit puno pa rin ng clubbers ang loob ng bar. Kung noong mga nakaraang linggo ay nasa higaan na ako't naghahandang matulog ng ganitong oras, ngayon ay kabilang ako sa mahigit limampung mga dalaga't binatilyo na nag-iintay kumati ang tubig. May mga ilan na naglakas-loob tumulay sa mga monoblock chairs upang makasakay ng pedicab na nag-aabang sa dulo nito. Subalit para sa karamihan na malayo pa ang inuuwian, pinili nilang maging duyan ang dancefloor at uyayi naman ang house music na bumabayo mula sa speakers sa halip na makipagsapalaran sa mga nakaambang panganib sa daan.

---

Hatinggabi na nang dumating ako sa Malate. Galing ako sa isang dinner kasama ang mga bago at lumang kaibigan mula sa Pinoyexchange. Naging masaya ang aming pagtatagpo kahit na lima lang kaming nagpakita. Para sa akin ay sapat na ang masilayan ang dalawang mag-irog na si Bronxdude at Whitewatcher na matagal ko nang hindi nakakasama sa iisang lakaran.

Marami ang napagkuwentuhan noong gabing iyon. Ang lahat ay may dala-dalang istorya tungkol sa kanilang mga karanasan at naoobserbahan sa online forum. Si Flame_and_Moth na tahimik at madalas ay nakikinig lang sa usapan ay nakakapansin pala ng aking mga hirit sa ibang Pexers. Tinanong ko siya kung masyado ba akong nanghaharass sa thread gaya ng naging tingin ng ilan sa akin. Ang sabi niya ay hindi. Praning daw ako minsan. Bilang assurance, siniguro ko sa kanya na pawang trip-trip lang ang mga nababasa niyang posts mula sa akin. Kung mayroon man akong binabara roon ay iyon ay ang mga taong masyadong makikitid ang utak at hindi makita ang punto ng iba.

Si Juan Hustler naman na tila ilag noong una ay may mga pinagkakaabalahan na hindi nalalayo sa aking mga hilig. Palabasa daw ito ng Wikipedia. Frustration niya ang magsulat at Pastaym niya ang Geography na kung saan ay nahanap ko na sa mapa ang iba't ibang lugar sa mundo. Ang panghuling dumating na si Averi at ako ay may dugtong-dugtong na nakalipas kung saan iisa ang aming pinasukang paaralan, mga kaibigan na nakasama at mga mundong pinagsaluhan sa cyberspace. Pagkaraan ng isang dekada na missed opportunities upang magkakilala, ngayon lang kami pinagtagpo ng tadhana.

Bago kami nagkahiwa-hiwalay ay naging topic ng usapan ang mga Ghost Stories. Si Averi na nakatira sa GA Tower sa Mandaluyong ay ibinahagi kung paano sila minulto ng mga bata sa unit na kanilang tinutuluyan. Kuwento niya sa amin, ayon sa mga nakatira malapit sa lugar, habang tinatayo ang naturang condominium ay may nahulog na pampasaherong jeep dito. Nagkalasog lasog daw ang katawan ng mga sakay - na karamihan ay mga bata - sapagkat tumilapon ang jeep sa hukay kung saan nakaabang ang mga matutulis na steel rod na nagsisilbing pundasyon ng gusali.

"Kuwento ng security guard, may mga madaling araw na parang may kumakanta ng worship songs sa basement. (ang mga pasahero daw ng jeep na nahulog sa hukay ay galing sa isang Christian Worship) Minsan naman ay may mga nakakasalubong silang mga bata na naghahabulan sa corridor at bigla na lang maglalahong parang bula bago nila ito masita." Sa mga detalyeng ikinuwento sa akin, nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

Sa halip na dumiretso sa bahay at magpahinga, pinili ko ang bumalik at magpakasasa sa aliw at paglimot na dala ng pagpapakawala sa Malate. Nilunod ko ang sarili ng mga imaheng kalaswaan at kalandian sa pag-asang matatanggal sa diwa ang mga kababalaghan na ikinuwento ng aking mga kasama. Tila nakikiayon naman ang tadhana dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama-sama sa loob ng club ang mga binatang nakalaplapan ko sa loob ng ilang linggong pamamalagi sa O-Bar.

Had they all ended in a one night stand, I would earn the mark of a certified slut.

---

The love game began a little over five minutes after I arrived. A guy wearing white tops traded glances with me. His body built shows the cuts and muscles he must have earned from tirelessly working out in the gym As he swayed his hips seductively in front of the wall mirror, I knew he was getting a little flirty. Knowing that his attention was directed at me, I positioned myself just behind him so our bodies would brush one another and confirm the mixed signals whether if he was into me as I was into him.

My assumptions were correct. He was into me.

The night was still young and the drunken bastard chose to exit the bar to go party elsewhere. I had hoped that he would stick it out with me until we get to know each other more intimately. But it seems every partings have a reason and for his, the passing gave way to the arrival of someone - a stranger who became my dance partner last week;

He was the drunk guy I gave away to another pair-less clubber for I was about to go home and I became bored with him.

And there he was, across the dance floor, staring and smiling at me.

---


-tobecontinued-

10 comments:

blagadag said...

landian sa tag-ulan.

engel said...

love story in the making? look forward to reading the continuation...

DollsAndSpooks said...

ingat ka po, goodluck with your love story....


charmedwishes18.blogspot.com

<*period*> said...

haaaaaaaaaayyyyy

Anonymous said...

hehehe. nasa inuman ako that night at 8am na natapos. buti ala hang-over.

mukhang lagi perfect attendance ka jan sa bar na yan ah. kilala ko mga may-ari nyan hehehe

DonCholo said...

sama ko next time! hahaha!

Mugen said...

Marco Polo: Pasaway! Hahaha.

Xtian: Parokyano na ako pare. Sinasaluduhan na nga ako ng bouncer eh.

Period: Babasahin ko yung entry mo. Sobrang busy lang.

Mugen said...

Charmed Wishes: Fearless Forecast ba yan. Will be adding you to my links. :)

Engel: The love story, will come, at another time.

Blagadag: Abangan ang huling kabanata ng kuwentong ito. Hehehe.

Unknown said...

Boooooooooooooo! Hee hee. Salamat. Nasabik rin kaming makita ka. Alam mo naman, bihira ang mga masustansyang kausap sa ating forum. Haha!

Nahihiya ako at lumabas ang bias ko sa mga *toot*. Marami na kasi saamin ang namatay dahil sa mga away nila. Hay ... the Magen, Cross, and Crescent.

. said...

Aldrin: Lagi kong kinararangal ang makita kayong dalawa. Hanggang sa muli kaibigan. :)

Joms