Problema na ng aking mga magulang ang paghahanap ng sapatos noong ako ay binatilyo pa lang. Sa tuwing sasapit ang unang linggo bago magklase sa paaralan, laging pahirapan ang pagsusukat ng leather shoes sa department store na aming pinupuntahan. Kesyo ang dahilan daw ay American size ang sukat ng paa ko at madalas ay size 8.5 lang ang available sa kanilang stock.
Sa tuwing kami man ay makakabili ng sapatos, asahan mo na hindi ito tatagal sa akin sa loob ng isang taon. October pa lang ay pudpod na ang takong nito samantalang ang suwelas naman ay nakabuka na at lumilitaw ang puting medyas na tinatalupan nito.
Diyahe nga sa tuwing ito ay napupuna ng aking mga guro't kaklase.
Hindi ko alam kung sadyang mababa lang ang kalidad ng aming nabibili. Subalit kung ang leather shoes na sinusuot mo sa eskwela ay ang sapatos na ginagamit mong pantakbo sa tuwing naglalaro ka ng football at black wantutri sa daan o kaya naman ay ginagawang submarine sa tuwing naglalakad sa baha, ewan ko lang kung anong sapatos na yari sa balat ang tatagal sa iyong kalupitan.
---
Taon ang lumipas at gumaan ang aming estado sa buhay. Kumita ang mga negosyo ng aking itay na siyang nagbigay kakayahan sa kanya na itaas ang budget sa sapatos na aking binibili tuwing pasukan. Gaya ng kinaugalian, praktikal ako pagdating sa sariling kagamitan. Isang sapatos lang ang aking binibili at ang pangmatagalan nito sa arawang paggamit ang siyang namamayani sa aking decision making.
Iyon ang dahilan kung bakit mahilig ako sa high-cut boots.
Favorite ko ang Sketchers o kaya naman ay Caterpillar. Bukod kasi sa tibay ng kaha nito, ang high-cut lang ang siyang klase ng sapatos na nailalakad ko sa init ng araw o kaya naman ay sa mga bahang kalsada ng hindi ito natatagtag. Mabigat man ito sa bulsa subalit nakakatipid naman ang aking sponsor sa minsanang pagpapalit ko ng pansapin sa paa.
---
Kasabay ng aking pagtanda ay ang paglaki ng aking mga paa. Sa sukat na size 12, maituturing na dambuhala ang aking mga sapatos at hindi ito basta-basta nabibili kung saan.
Barko ang bansag ng mga kaklase sa sapatos ko. Kung paano ito sumikat ay hindi ko na matandaan. Ang alam ko lang ay sa tuwing pinagtritripan ako ng aking mga kaibigan, isusuot nila ang aking boots na suot ang kanilang leather shoes sa paa. Halakhakan ang lahat sa tuwing ilalakad nila ito na kahawig ng sapatos ni Ronald Mcdonald, samantalang may ilang mga kaklaseng babae naman ang paulit-ulit na icoconfirm sa akin kung dose talaga ang sukat ng aking paa.
Nitong sa aking pagtanda na lamang nalaman ang dahilan.
---
So why am I talking about shoes in this entry?
Lingid sa kaalaman ng lahat, nagkaroon ako ng krisis pangsapatos nitong nakaraang buwan. Ito ay sa kadahilanang nasira ang Sketchers Leather Boots na siyang nakasuot sa aking mga paa sa araw-araw na adventures ko sa lansangan. Ito ay nagkaroon ng malalim na hiwa sa talampakan at ang isang suwelas nito ay humihiwalay na sa balat ng sapatos. Inabot rin ng taon bago ito naluma at nang minsang ilusong ko ito sa puddle ng tubig sa daan, laking gulat ko na maramdaman ang pamamasa ng aking medyas sa paa.
Hindi man nag-iisa ang aking Sketchers, subalit ang dalawang natitirang sapatos sa aking battle fleet ay tinuturing kong "escort boats" lamang. Ang derby na padala sa akin ng isang tiyuhin sa America ay hindi maaring laspagin. Bukod kasi sa pagiging manipis ng balat nito, masakit rin sa paa na ilakad ito kung saan-saan. Ang Fila naman ay ang ikalawang sapatos na aking nabili gamit ang sariling pera. Tinagurian nga itong sapatos pantakbo subalit dahil sa pang-araw araw na paggamit ay lubhang numipis ang ilalim nito.
Isang bubog lang at katapat at tiyak na tatagos ang patalim hanggang sa aking paa.
Binalak ko ang gumamit ng emergency funds upang mapunan ang pagkukulang. Sa bandang huli ay umatras rin ako sa kadahilanang hindi sigurado ang pasok ng pera sa aking kabang yaman. Naisipan ko rin lumapit sa mga kaibigan na may ginintuang puso na maaring magpamana sa akin ng sapatos na kanilang napaglumaan. Subalit umiral ang aking pride at pagdududa na magkakasya sa akin ang sapatos ng iba. Sa huli ay binalak ko na lamang na pagtiisan ang natitirang dalawang sapatos hanggang ang isa sa kanila ang tuluyang bumigay at masira gaya ng minamahal kong Sketchers Boots.
Ngunit sadyang maawain ang pagkakataon, isang tiyahin ang mangingibang bansa upang bisitahin ang aming mga kamag-anak sa kabilang dako ng mundo.
Sinamantala ko ito at tiniyak na bago siya lumipad patungong kalawakan ay isang awitin ang aking ihahatid huwag lamang niyang kalimutan ang matindi kong pangangailangan.
"Ninang patanong naman kung may hand-me-downs shoes sila na puwedeng ibigay sa akin." Ito ay patungkol sa aking mga pinsan na higante rin ang paa.
Alam kong hindi makakalimot ang aking paboritong tiyahin.
Lumipas ang isang buwan at bumalik ang kamag-anak na pumakabilang bansa. Dala niya ay mga pasalubong na stateside na taon ang binibilang kung kumatok sa aming pintuan.
Kasama sa kanyang padala ang pinaka-aasam asam kong sapatos.
"Hindi na daw uso dun ang boots eh, kaya yan na lang ang pasalubong namin sa iyo." Text niya sa akin matapos akong magpasalamat sa kanyang padala.
At gaya sa nakasaad sa kanyang text, malayong malayo ang sapatos sa aking inaasahan. Ito ay yari sa balat, kulay niya ang brown at ang sintas ay kulay pula. Tatak nito ay Rockport, isang kilalang brand sa lupaing kanyang pinanggalingan.
Masaya ako sa aking natanggap and for a time, akala ko tapos na ang aking problema.
Subalit isang maulang gabi, habang ako ay naglalakad papauwi ng bahay,
Swwwwiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiishhhhh
"Putangina!" Pakiramdam ko ang dumaan sa kalsadang nagkalat ang lumot.
Mabuti na lamang at sa unguarded moment kong iyon ay nabawi ko ang aking balanse. Ang Rockport pala ay sadyang pang-japorms lamang.
Sapagkat sa oras na ilakad mo ito sa sementong tubigan,
Ang leather shoes sa iyong paniwala ay maari rin palang maging skating shoes na pananggal poise sa daan.

25 comments:
Naku pala anlaki ng paa mo.. kaya pala malaki din ang... boses mo. LOL. Miss you, friend.
anong kulay gusto mo?
di man kasinglaki ng paa mo ang akin, pero problema ko ang patagalin ang mga sapatos ko.
di ko alam kung anung tatak pwede bilhin. mahal o mura di lumalampas anim na buwan na di siya kelangan palitan.
malaki ang paa. hmmm... ang ibig sabihin, malaki rin ang ti...natagong pagmamahal sa puso. hehehe! :P
friend, ayaw mo ng chucks? malalaki rin ang sizes, kumportable, pangharabas at pwede ring pang-gimik! hindi pa mahal. :)
now don't get me started talking about shoes, hahaha!
12 din shoe size ko hehehe. Tinutukso din akong Ronald McDonald sa klase. Buti ka nga nabibilhan ng sapatos, ako nung maliit pa ako taon b4 ako nagkakaroon ng bagong sapatos. kaya nga nakapaa lang ako pagsumasali sa track and field, kahit papano nanalo din nmn. naintindihan ko kase mahirap nmn talaga buhay namin dati. ayan emo tuloy ako.
Tristan: In fairness wala pang nagrereklamo sa laki ng aking... Paa. LOL.
Miss na rin namin ikaw!
Blagadag: Nakakahiya naman. Salamat ng marami. :P
Gillboard: Kung ganun ay mas berdugo ka sa akin. Tumatagal naman ng taon ang mga sapatos ko ngayon. Hehehe.
Aris: Sige nga, ma-check yang chucks na sinasabi mo. Problema lang kaya di ako makabili ng ibang sapatos kasi dalawa lang ang jeans ko sa closet. Yung isa, lumang luma na rin.
John Stan: Malaki rin ba ang mga sapatos mo? Eheheheh.
Xtian: Laking hirap rin ako kaya medyo nakakarelate ako sa pahirapan ng pagbili ng sapatos. Dumaan pa nga ang panahon na sa Shoe Expo kami dumadayo para lang makamura.
Those were the days. Nagtapak man ako sa daan nun eh para makatakbo ng mabilis sa habulan. Ehehe.
Welcome to my blog parekoy!
Madalas mo yata baliin yung sapatos mo habang suot mo kaya ganun sira eh... Baka panay ata tingkayad mo.
Haha. Anlaki pala ng paa mo.
hahaha. kawawang sapatos nasira sa kakagamit at sa laki ng kargada haha.
di pa ako nagkakaraon ng sketcher maski kailan.
ayus a tagalog na tagalog. sa bes :)
natatawa ako sa mga comment.
naalala ko tuloy, buong college days ko, isa lang ang naging sapatos ko. ang hirap talaga pag malaki ang paa.
buti nalang size 10 lang ako. pero pasalamat parin ako kasi kahit hindi masyado malaki paa ko, malaki pa rin ang t*t* ko. LOL.
napadaan lang parekoy!
Kuri: Buti nga at tumagal ng apat na taon yung sapatos mo eh. At most, isang taon lang sa akin ang sapatos ko. Ehehehe.
Salamat sa pagdaan tol. Gandang araw.
Dencios: Wala akong sinabi na malaki ang kargada ko. Meron na mas maliit sa kin ang paa pero ang alaga eh.
Tangina, parang braso ng bata. Wag mo na alamin bakit ko alam. Hehehe.
Dagger: Sadyang sadista lang ako sa sapatos. Hayun.
buti nga dto may shoe expo.
dati mga uniform at mga damit ko bigay ng mga kaofficemate ng mama ko. natutuwa ako kase kahit papano ay nagagamit ako at dko kinahiya un kase alam ko kung pano kahirap buhay namin dati.
magkukwento din ako ng ganito sa blog ko sa ibang mga araw.
Hi dude, halos isang buwan na rin siguro ako ng mapadpad sa blog mo. Ok ang mga entries mo, enjoy basahin.
Napansin ko lang na madami ang comments tuwing ang pinaguusapan ay ang tungkol sa sukat, haba, tibay at tagal hehe.
Sana ay sumulat ka rin tungkol sa tigas: muscle, damdamin o atbp.
Xtian: Aabangan ko ang iyong mga kuwento. Hehehe. Iba talaga ang laki sa hirap, medyo naappreciate natin ang mga bagay bagay na pinasa sa atin.
Thor: Ei salamat sa iyong pagbisita. Gulat nga ako at medyo marami ang comments ngayon eh. Hehehehe. Tigas at muscle ba kamo. Sige next time, yun naman blog entry ko.
Okay intayin ko dude ang entry mo. Siguro madami m*lb*g ang napapadako sa blog mo :-)
Thor: Hah! Sa akin pa, eh hindi naman ako nagsusulat ng sexstory. LOL.
it's good na di ka show and tell. pero mahirap din yung nasa loob ang kulo haha.
baka ma-intriga ka na dito sa message exchange na to. peace dude!
Thor: Tamang discretion lang pare. Intriga? Indi naman. :)
okay sa alright. lubusin ko na ang comments kung ganoon, wala intriga:
kung 12 ang shoe size mo... ano ang... iyong...height?
Thor: 5'9 Proportional na rin. Ehehehe.
sumagot talaga ng height. one inch lang ang tangkad mo sakin. three inches naman sa sapatos. paano ba nauwi ito sa sukatan? :-)
gosh, bakit hindi mo subukan ang happy feet? american size sila..gulat nga ako kasi akala ko nung 80's lang ang happy feet...pati ata pony, maerican size...
hindi po malaki ang paa ko, pero naranasan ko ang magsuot ng hand me down shoes...6 lang ang size ng paa ko, pero 7 ang size nuon..mukh adaw akong boyoyong clown..ahihihi
Hindi din tumatagal ang sapatos sa akin. laging pudpod ang swelas.
Chucks or Vans lang lagi kong suot. OK na pang harabas at mura lang.
Post a Comment