Saturday, August 22, 2009

A Dial-Up Story





There is no doubt na sa panahon ngayon ay napakahalaga ng mayroong internet connection. Bukod sa gamit nitong pang-edukasyon at sa pakikipag-usap sa ibang tao, lahat na siguro ng information na naisip ng sangkatauhan ay matatagpuan sa internet. Sa katulad kong ang linya ng trabaho ay nasa online, napaka-unacceptable ang mawala sa web ng kahit isang araw lang. Kaya siguro ganun na lang ang panic ko sa tuwing nauubusan ng load na magbibigay access sa akin sa internet.

Maaga pa lang ay ipinamulat na sa akin ang teknolohiyang ito. Nasa third year high school ako noong unang bigyan ng Personal Computer ng aking tatay. Compaq Presario iyon na galing pa sa bansang Hapon. Palibhasa’y ang pinagkakaabalahan ko lang sa computer noon ay ang paglalaro ng Civilization at Sim City, (at paminsan-minsang pagsusulat ng report at essay para sa school salamat sa MS Office 95) laking gulat ko nang minsang magpadala ng technician ang aking dad upang kabitan ng internet ang computer ko.

“Internet? Ano yun?” Tanong ko sa aking ama.

“Basta makaka-connect ka sa buong mundo gamit yun.” Hindi na ako nagtanong pa.

Internet then was a novelty to computers, tipong parang yung cam ngayon na ang talagang gamit lang lang naman ay para mag-show sa ibang tao. Since libre naman ang installation, napapayag na ako ng aking ama sa kundisyon na hindi mauubusan ng drive space yung 80 MB hard drive ko. Tandang tanda ko pa, Virtual Asia ang pangalan ng internet provider. Hindi ko alam kung itong kumpanyang ito ay existing pa ngayon. The moment na kumonnect kami sa internet at narinig ang pamilyar na dit-dit-dit sounds ng pag-didial ng computer sa telepono, alam kong panghabangbuhay na ang pandinig na iyon sa aking tenga.

Lipas na sa aking gunita ang mga website na aking pinasukan except for this one website na tungkol sa “Face On Mars” sa Cydonia, isang region sa planetang iyon. Mabagal pa ang uploading ng images ng mga panahong iyon, ngunit sariwa pa rin sa aking alaala kung paano tumayo ang balahibo sa aking braso habang pinagmamasdan ang animo’y mukha ng isang nilalang na inukit sa bundok na nakuhaan ng satellite habang umoorbit sa ibabaw ng nasabing planeta.

Hindi rin nagtagal ang aking internet service. Matapos mag-expire ang aking free subscription ay hindi ko na ito ni-renew pa. Paniwala ko kasi noon ay binabayaran in dollars ang bawat pag-access sa mga website na iyong binibisita.



I went through college with a different mindset. Kasabay kasi ng aking pagtalikod sa imahe ng pagiging geek noong high-school ay naging mas aktibo ako sa pakikitungo sa mga tao sa aking paligid. Kung nagkaroon man ng silbi ang internet sa aking buhay nang mga panahong iyon, ito’y para lamang magdownload ng lyrics ng aking mga paboritong kanta.

Patapos na ako ng kolehiyo nang madiskubre ko ang mga online forums. Dito ay nagsimula akong makitungo sa mga estranghero na kahit kailan ay hindi ko makakaharap. Dito ko rin nadiskubre ang mga lalaking kagaya ko na anumang pilit gawing straight ang pagtingin sa mundo ay may tinatagong pagdududa na kahit kailan ay hindi nila maaring sabihin kaninuman.

Sa internet ko unang nalaman na ako pala ay isang bisexual.



Past forward several years later.

Umikot ang aking mundo sa Pinoyexchange. Dito ko nakilala ang unang mga ka-tropa na gagabay sa akin upang matanggap ng husto ang sarili. Sa MIRc ako unang nakipagkasundong makipag-niig sa kapwa lalaki at ang una kong trabaho labas sa kumpanya ng aking ama ay isang Internet Researcher na ang opisina ay sa Pasay.

Sa trabahong iyon ko nadiskubre ang Wikipedia.

Dumaan ang isang dekada at higit na naging sopistikado ang pag-access ng mga tao sa internet. Bumilis ang pagbubukas ng mga website dahil sa broadband. Hinangad ko man ang magkaroon ng teknolohiyang ito, subalit dahil sa kawalan ng pera, (at dahil nakagisnan ko na ang nakaka-adik na tunog ng pagdidial ng computer sa telepono gamit ang dial-up) naging dependent ako sa mga convenience stores para sa aking lingguhang pagbili ng internet card.

Hanggang ngayon.

Mula Renegade at Jade Internet hanggang Surf Maxx at Blast tila napag-iwanan na ng panahon ang mga loyalista ng dial-up. Ilang beses na rin akong nagbalak lumipat sa broadband subalit dahil sa pahirap ng application, kinakatamaran ko na lang ang pagproproseso ng papeles lalo pa at kuntento naman ako sa Blast. Hangad ko man ang manatili sa usad-pagong na connection ng dial-up, ngunit dahil sa mga pagbabagong darating sa aking trabaho (at dahil gusto ko na rin makanood ng mga video clips sa YouTube at Xtube) ang pagtalikod sa aking nakasanayang dial-up connection ay nalalapit na.

Lalo pa ngayong sawang-sawa na ako sa bulok na paraan upang maka-access online.

Sa mga gumagamit pa rin ng pre-paid dial up, ang Blast Internet na lang yata ang pinaka swabe pagdating sa pag-access sa kanilang server. Bukod kasi sa madaling maka-connect, mabilis rin ang pagda-download dito. Kung ang Surfmaxx ay sadyang magdi-disconnect kapag over-capacity ang kanilang servers, at ang ISP Bonanza naman ay pahirapan ang pag-access sa internet, its hopeless to complain.

The last straw happened just this night. Ka-chat ko ang aking mga kaibigan gamit ang Meebo nang mag-expire ang Blast na binili ko noong isang linggo. Dahil agawan ang pagbili nito sa 7-Eleven, madalas ay inaabot ng buwan bago ako makatiyempo ng bagong stock.

Kanina ay nalaman kong nagsara na pala ang 7-Eleven malapit sa amin samantalang ang available lang na internet card sa katapat nitong Ministop ay ISP Bonanza lang. Kung hahayaan kong lumipas ang magdamag na walang internet connection ay katumbas ng pagpapatiwakal gamit ang telephone cord, minabuti kong pagtiyagaan ang ISP Bonanza sa pag-asang nag-improve na ang serbisyo nito.

Sa totoo naman kasi, sinusuka na ang ISP na ito. Hindi ko nga alam kung bakit binebenta pa rin ang pre-paid nila hanggang ngayon.

Ang pukinangina, naka-isang daang attempt na ako sa pag-coconnect at natapos ko na ang entry na ito gamit ang Microsoft Word 2007 ngunit hindi pa rin ako makapag-online.

Puwes, bukas na bukas din, makikipagkasundo na ako sa mga broadband providers na kabitan ako ng internet sa lalong madaling panahon.

---

It took me two days to get back online. The useless ISP Bonanza would not connect despite the countless attempts I tried to dial their number. If not for the Blast Prepaid Card I bought this afternoon, no amount of patience would grant me access to the 20 hours of internet time assured by the ISP provider which failed me completely.

I wasted 100 pesos for nothing.

Three broadband service providers. Three excuses telling me that my area is not yet within their service. And with only PLDT MyDSL left as my option, its either I retreat from my ambitions, or ask my aunt, whose name appears in the telephone bill to give the green light for me and my techie spirit to evolve.




7 comments:

engel said...

I know madali na lang magpakabit ng internet ngayon. maganda naman daw pldt sabi ng cousin ko. good luck knox!!

DonCholo said...

kami PLDT DSL kami.. ok naman.. di ba meron din yung yun mga plug-in internet type though mas mahal yun and mas makasave ka pag nag usual broadband ka na lang.. bat di mo try wireless like smart bro...

Anonymous said...

knoxxbro, try mo mag wireless. kung gusto mo mabilis na wireless broadband, i recommend you try sun. bibilin mo lang yung usb plugin unit tapos post paid sya monthly kaya one to sawa ang internet. ambilis pa lalo na pag nasa metro manila area ka.

yung PLDT myDSL naman, before, ampangit ng service. napuputol tapos yung speed parang card din pero ngayon, nagimprove na, less na yung pagdiDC and medyo nagimprove yung speed.

happy browsing!

Anonymous said...

akala ko ako na lang nag didial-up hahaha. tinatawanan nga ako nila eh. I might switch to broadband soon.

thankful ako sa internet din. dito ko nasagot ang tanong na "Are you one of us?" hehehe

Mugen said...

Xtian: Ganun yata talaga dude eh. Sa mga katulad natin na nagtatago (o dating nagtatago) nakita natin ang liwanag nang dahil sa mga kumukutikutitap na ilaw na nanggagaling sa modem.

Maxwell: Sige sige. Mukhang mas interesting yang suggestion mo. Maraming salamat Maxxbro. Mag-iinquire na ako mamaya sa Sun.

Mugen said...

Quaddo: Susundin ko nga yung suggestion ni Maxxbro. Ang dami kasing pasikot-sikot kung magbro-broadband ako eh.

Engel: Nasa pusod kami ng sibilisasyon subalit sa hindi ko maintindihang dahilan, wala daw cable ang mga broadband service providers dito sa may amin.

ika said...

tattoo, or ung sa sun 660 lang unlimited internet access.

usb port lang kelangan mo.