And we think:
bereft of a voice, no one could have spoken
or recognized its grace. But we know:
pleasure purls through the stones of this silence.
This breathing and seeing and listening
suddenly, without names.
J Neil Garcia
Garden Of Wordlessness
Hindi na mahalaga kung paano nagsimula. Ang importante ay ang mga aral na napulot sa aming ginawa. Dalawang taon na ang lumipas, ngunit ang lahat ay sariwa pa rin. Sapagkat yun ang huling beses na kami ay nagsawalang-bahala. Sino ang maniniwala na mula sa turingang magkuya at sa mga pinagsamahan noong kami ay sawi sa pag-ibig, sa kama rin pala mauuwi ang lahat.
Tinawag ko siyang Ahya dahil nakakatanda siya sa akin. Pareho kaming nasa relasyon, pareho kaming nag-aalaga ng mga lalaking mas bata sa amin. At higit sa lahat, pareho kaming straight-acting sa maraming tao. Sa kilos at gawa, hindi kami magkakailangan sa isa't isa. Nagkakilala kami sa isang online forum. Dahil ang isang tropa ay ampon na nilang magpartner, hindi naging mahirap ang mapalapit ang loob ko sa kanya. Matapos ang ilang araw na palitan ng mga private messages sa forum ay naging text mate na rin kami. Hindi naging malinaw sa akin ang set-up nilang mag-boyfriend. Ang alam ko ay exclusive man sila sa isa't isa ay okay lang ang makipag-usap sila sa iba. Ako naman ay nagsisimulang bumitaw sa relasyon noon. Gulong-gulo ang isip at naghahanap ng kaibigang masasandalan, si Ahya ang naging takbuhan ko sa tuwing sumasama ang loob sa aking partner.
Dumating ang isang araw, sinabi sa akin ni Ahya na kailangang bumukod pansamantala ng kanyang partner dahil pauwi ang kanyang mga kamag-anak galing US. Sabi ni Ahya na mamimiss niya ang kanyang asawa pero mahirap daw mapagdudahan - lalo pa't pareho silang may edad na. Ako naman ay nasa gitna ng isang pagdedesisyon noon. At ang consequence ay pagbabayaran ko ng ilang taon.
Dahil sa aming mga sitwasyon ay mas naging close ako kay Ahya. Siya ang aking naging ka-text hanggang sa pagtulog. Sa akin rin siya nakikipag-usap kapag naalala niya ang kanyang partner. Hindi makakaila na may mga gabing nagiging mainit ang aming bedtime kuwentuhan. Ngunit dahil marunong akong kumambyo kapag kalibugan na ang topic, hindi nauuwi sa lantarang landian ang aming usapan.
Lahat ng mga hiningan ko ng payo ay nagsabing kahibangan ang aking binabalak. Depensa ko ay wala sila sa aking sitwasyon kaya't hindi nila maiintindihan ang aking panig. Nagkataon naman na pareho kami ni Ahya ng pinagdadaanan. Higit na maganda ang estado ng aming buhay kumpara sa aming mga partner. Parehong taon na rin ang binibilang ng aming relasyon, kaya't nang magdesisyon akong bilhin ang hinihingi ni ex, si Ahya ang huli kong tinawagan bago pumasok sa loob ng computer store. Sa unang beses ay nagkarinigan kami ng boses. Siya rin ang nagbigay basbas na sundin ang hiling ng aking puso. Mabigat man sa bulsa, ngunit kung hindi dahil sa kanya ay hindi makukuha ni ex ang kanyang pinaka-aasam.
Noong gabing kinuha ko ang pinapabili ni ex ang lapag ng eroplano ng mga kamag-anak ni Ahya. Dahil siya lang mag-isa ang susundo, na-anticipate ko na mahihirapan siya sa dami ng mga bagahe ng kanyang mga bisita. Kaagad akong nagpresinta tumulong. Yun kasi ang naisip kong magandang dahilan upang kami ay mag-eyeball. Yun rin ang araw na hinatid ko sa opisina ni ex ang kanyang pinabibili. Dala ng sama ng loob sa aking mabigat na sakripisyo, naisipan kong makipaginuman sa mga ka-opisina noong hapon makalimutan lang ang aking naging pasya. Sa totoo ay balak kong magpaumaga sa lansangan.
Alas Nuwebe ng gabi nang dumating si Ahya dala ang kanyang Mitsubishi Strada. Tumawag siya sa cellphone upang ipaalam na naka-park siya ilang metro lang ang layo sa Watering Hole. May tama man ng San Mig Light, nagpaalam ako sa aking mga kasama upang samahang magsundo ang aking ka-meet up. Pagpasok sa loob ng pick-up, isang matangkad, payat at morenong lalaki ang nakaupo sa driver's seat. Gaya ng kanyang pagkadescribe sa text, lalaking lalaki ito kumilos at ang kanyang cap ay higit na nagpa-astig sa kanyang get-up.
"Turn on." Bulong ko sa aking sarili. Subalit dahil kaibigan na ang turing ko sa kanya, hindi sumagi sa isip ang tablahin si Ahya.
Marami kaming napag-usapan habang papuntang airport. Naikwento ko kung ano ang nangyari matapos ihatid ang regalong hinihingi ni ex. Samantalang siya naman ay nagreminisce kung paano niya nadiskubre na lalaki pala ang gusto niya. Hindi man siya mahilig makipag-meet sa mga PLU, meron naman siyang sariling grupo na nakakasama paminsan minsan. Hindi ko na tinanong ang kanyang mga kasama. Ang mahalaga sa akin ay palagay ang loob namin sa isa't isa.
Dumating sa wakas ang kanyang mga kamag-anak matapos ang kalahating oras na paghihintay. Tagumpay ang aming pagkukunwari. Madaling napaniwala ang kanyang tiyahin at tiyuhin na kasama niya ako sa isang club na mahilig mag-drive ng mga pick-up truck. Gaya ng inaasahan ay marami nga ang maletang dala-dala ng kanyang mga bisita. Kung siya ay napag-isa nang gabing iyon ay tiyak, pagod at sakit ng katawan ang kanyang aabutin. Tatlong palapag rin kasi ang kailangang akyatin makarating lang sa unit ng kanyang apartment.
Matapos makapag-settle ang lahat ay kaagad rin akong nagpaalam upang bumalik sa aking mga kainuman. Bukod kasi sa naiilang ako sa mainit na pagtanggap ng kanyang mga kamag-anak, naisip ko rin na kailangan niyang asikasuhin sila.
Subalit hindi pa man ako nakakasakay ng jeep pabalik sa inuman, nagtext si Ahya sa akin.
Bakit daw ako umalis bigla.
-tobecontinued-
7 comments:
Ahya din ang tawag sakin ng ex ko bago kami nagkaroon ng understanding. Nakarelate naman ako ng sobra. lalo na yung being in a relationship with someone younger. ayyy. babysit.
hahaha.., suspicios talaga ang mga shoti-ahya, bestfriend at brother relationships.... nyahahaha!
ito ang mga pangyayari dalawang taon ang nakalipas, tama?
ipagpatuloy ang pagsusulat. :)
parang nagbabasa ako ng masterpiece - Master Galen, ibang klase ang iyong pagiging makata! nasaan ang action? hahaha
oh damn, ako di ay naging Ahya ahahaha.....pero mas maraming naituro saken si shoti lols!
oops dapat.."ako DIN ay naging Ahya" lols, correction lng sa comment ko (bwiset na keybrd puro talsik kc aahah)
I'll withhold my comment till I read the conclusion :)
Post a Comment