Thursday, May 27, 2010

Supplementary Notes





1. AlainScott 27. May. 2010 - 02:04
hi! san ka sa sampaloc?

2. SSR 27. May. 2010 - 02:06
sa may balicbalic. Ikaw?

3. AlainScott 27. May. 2010 - 02:09
sa tayuman ako.
got face pics to trade?

4. SSR 27. May. 2010 - 02:12
yeah. whats up?

5. AlainScott 27. May. 2010 - 02:13
not much.
here is mine
yours please?
what are u up to?

6. SSR 27. May. 2010 - 02:14
Sir Mendoza?!?!?!

7. AlainScott 27. May. 2010 - 02:15
huh? sino yun?

8. SSR 27. May. 2010 - 02:16
Don't tell me its not your pic pare. The photos you've shown was my professor in college.

9. AlainScott 27. May. 2010 - 02:18
hehehe. sorry. i got those pics in fb.

10. AlainScott 27. May. 2010 - 02:18
im very discreet. i don't post my own pic.

11. SSR 27. May. 2010 - 02:20
so why the fuck did you ask for my facepic?

12. AlainScott 27. May. 2010 - 02:21
sorry just trying to get your pic. you have a nice bod kasi. so hot!!!



Well, sa sobrang tindi ng mga rebelasyon - na hindi talaga kinaya ng powers ko - ay muntik nang kumain ng alikabok yung kapalitan ko ng private message kaninang madaling araw. Galaw mo yun, nakawin daw ba sa facebook yung litrato ng prof ko noong college. Isang pantas na bagama't cute at lantarang pinagpapantasyahan ng mga parlorista at mga chicks ay iginagalang naman dahil sa subject na kanyang tinuturo. To think na nakabuyangyang ang kanyang kaluluwa (including ang kanyang pagkataba-tabang alaga) ay hindi mo talaga iisipin na ganun ka-wild si sir.

Pero putangina my trusted source confirmed na ang nakausap ko ay si sir nga! Ayon sa aming bubwit ay nagkita na sila ni AlainScott para magpalitan ng comic books. Nagpabata ito sa profile kaya medyo na-confuse ako ng kaunti, subalit nang balikan ko ang kanyang YM account ay lumabas na nasa mid-thirties na ang binata. Sabagay ay naiintindihan ko na kung bakit biglang nagdeny itong si AlainScott nang tawagin ko siyang sir na akala mo ay student pa rin niya ako.

"Nagpanic si bakla, huli sa aktong lumalandi sa Planet Romeo!" say ng aming source. Nakalimutan ko na yung sakto niyang sinabi, basta parang ganyan ang bagsak ng kanyang salita. Ako naman eh todo halakhak sa station ko. Pati si Mami Athena na kasalukuyang imbudo sa mga oras na iyon ay nacurious at lumapit upang alamin ang nakapossess sa akin.

Small world dude.

Come to think of it, okay naman si sir kung tutuusin. Boy next door ang hitsura nito, bansot at parang estudyante lang kung kumilos. Medyo suplado nga lang ito at inuuhog habang naglelecture sa class pero hindi naman siya asshole sa mga estudyante katulad ni Javier. Boy genius rin siya pagdating sa Asian Studies. Kung hindi dahil sa kanyang Eight Fold Path at kay Guru Nanak ay marahil wala akong concept ng reincarnation ngayon. Sayang nga lang at hindi naging malapit si sir sa kanyang mga estudyante. Tila ba mayroon itong itinatago kaya umiiwas sa mga tao. Bagong graduate pa naman siya nang ma-assign sa section namin. First year kami noon at walang muwang sa buhay kolehiyo. Sayang talaga at ang dami sanang opportunity na napalapit siya. Ngunit sa tinagal tagal niyang nagtuturo ay mukhang hindi niya natutunan makibagay sa mga tinuturuan.

Patapos na kami ng fourth year nang may bulung-bulungan na kumalat tungkol sa kanyang pagkatao. That was eight years ago. Ilang buwan bago ako magsimulang mag-explore sa Malate. Noong una ay parang balewala lang ang kuwento ng mga bading. Alam mo na, para lang may i-chismis ay gagawa ng intriga. Lalaking lalaki naman kumilos si sir. Hindi mapapagkamalan na bumibiyak pala ng same sex. At sinong maniniwalang may sumusundo sa kanyang isang gwapong binata tuwing uwian.

Mukha nga siyang walang pakialam sa mundo eh.

Wala na akong naging balita pagkatapos ng graduation - hanggang kagabi, nang bigla siyang mag-send ng private message sa Planet Romeo upang ako ay landiin. It could have gotten off somewhere had I played the game instead of crying foul. Had I denied him access to my face pic while still arousing his imagination: Had I decided to invite him home or force my way into his place: Had I seduced him the way he tried to seduce me,



And it all goes to show na sa ngalan ng libog, nakakalimutan pati estado sa lipunan. Understandable yeah. Kinky sobra. Pero hindi ko yata kaya tumalo ng teacher ko.



Sakali mang may nangyari, bahala na si Batman kung ikukuwento ko kung paano ako dinonselya ni sir sa kanyang kuwarto o tatahimik na lang at magkikibit-balikat na parang walang namagitan sa aming dalawa.




8 comments:

Yj said...

nyahahahaha tama hinala ko.... oh well gawa ka ng ibang PR account dali... at landiin mo siya... para bongga!!!! yaiy

shet, pano na kaya pag teacher na ako... utang na loob sana wala akong maging estudyanteng guapong malibog nyahahahahaha nakupo....

Guyrony said...

VOILA!!!

And I totally agree with you, dancefloors offer better elimination processing because it's a face to face interaction.

Oh wait, body to body interaction.

SOLTERO said...

hala! di kaya nagbabasa ng blog mo yang si AlainScott? ahaha ok pa sa name lols!

yan ang hirap sa pinas sobra sikip ng mundo :P

(ako nga takot din bka ung brother kong mejo malambot na nsa pinas e nagbabasa din pala ng blogs lol)

JR said...

Hala! pero that would be hot sana..kantutan with a former professor! hmmmm ma hunting nga yung dati kong cute na prof na nag bagsak sa akin! hahaha

Madonna said...

may kachat ako sa PlanetRomeo lately. at, para maging maikli ang kwento:

nalaman niya ang trabaho at kompanya ko dahil tinanong niya at sinagot ko naman dahil hindi ako nagmamaskara sa PlanetRomeo. ang ending ayaw niyang makipagkita dahil senior exec siya sa kompanya at ako ay "staff" (exact word na gamit niya) daw.

ayus sana kung sinabi niyang ayaw niya makipag meet sakin dahil hindi siya interesado. pero dahil ginawa niyang rason yung pagka senior exec niya at pagiging "staff" ko, ang masasabi ko lang sa kanya ay:

FUCK YOU, CHICKEN SHIT!!!!!

~Carrie~ said...

Teacher sa highschool, no. Teacher sa college, probably. Lol. Echos Lang.

arkin said...

ay kaloka. sayang!!!! sarap ni sir. chos

Anonymous said...

siya yun, sure ako