Wednesday, May 5, 2010

The Fox






Unang linggo ng Hulyo nang makipag-eyeball ako sa isang binatang tatawagin natin sa pangalang Grade. Certified tomador ang ka-meet up. Tumba ako sa pitong Red Horse na aming ininom sa isang bilyaran malapit sa SM Manila. Hindi doon natapos ang tagpuan sapagkat may taglay na kamanyakan ang binatang aking kinita. Sa kanto ng Taft Avenue tapat ng PNU; ilang dipa mula Luneta; sa isang madilim na waiting shed sa likod ng National Museum ay nagkapaan kami ng mga nagtitigasang alaga.

Subalit hindi doon natatapos ang aming kuwento. Dala ng hangover, (at pagkabitin sa naunsyami naming engkwentro - kasi naman may ibang booking si Grade at dadayuhin pa niya ito sa Cavite.) hinanap ko tinatambayan ng binata sa G4M. Doon ay napadpad ako sa Walang Mukha Thread. Ang tambayan ay para daw sa mga lalaking astig na may taglay na magandang katawan. Tambay na rito sina Rain Darwin, Bloigg, Papa Markh at Papa Tagay. Dahil new kid on the block ako't wala pang angking kakisigan, hind ako napansin ng mga binata. Naroon sila't kabi-kabila ang panghaharass sa mga twink na dayo samantalang ang pakilala ko naman ay naghahanap ng ka-tropa.

Isang Huwebes ay tila may niluluto ang tadhana. Magkaaway kami ni ex noon at ako'y nasa mood mag rebelde. Umaga pa lang ay may nagset na ng SEB. Isang tatay na hiwalay sa asawa at pansamantalang naninirahan sa kanyang uncle sa Manila. Gwapo ang daddy sa picture. Maputi ito, maangas ang dating dahil sa goatie at mukhang katamtaman ang katawan. Swak na swak sa aking panlasa.

Kumagat ako sa kanyang paanyaya. Rest day ko naman the following day. Dumating ang gabi at nagkaroon pa ako ng isang kausap na threesome naman ang gusto. Malapit ito sa gym kaya't mas convenient ang kanyang place para sa akin. Noong mga panahong iyon ay alam ko ang priority. Actually it's not the sex but the mere need for company. Malapit ang Shaw sa Makati Avenue kung saan naroon ang Government. Ang kausap sa Manila, pinaghihinalaan kong katrabaho ni Ex. Mas wild ang threesome kaya't mas interesado ako sa laban. Alam ko ang aking pinagdadaanan at sa kabila ng pagiging game, naghahanap ako ng totoong kaibigan.

Ilang oras bago umalis ng bahay, nag online ako para makipagkulitan sa thread. Naghahanap ako ng kainuman subalit tila walang may gusto. May isang regular ang kumausap sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay pakilala niyang siya si Caretaker. Hindi ko matandaan kung sinabi niyang siya ang founder ng thread. Ang akin lang ay maganda ang aming usapan.

For the first time ay naging welcome ako sa kanyang mundo.

Looking back, hindi naging groundbreaking ang aming pag-uusap. Ang tanging nakuha ko lang ay ang assurance na laging bukas ang pintuan ng kanyang bahay (tambayan) kahit na walang balak magkita ang mga tao roon. Natuloy ang SEB at ako'y na-turbo ranger ng tiga Manila. Masarap man ang aming pagniniig, hindi ko pa rin makakalimutan kung bakit nagpasyang ipaubaya ko ang katawan sa iba.

Sa mga nakakakilala, inindyan ako ni Bloodcherry sa inuman. Siya ang may sala.

Nagkita kami ni Caretaker ilang linggo matapos ang unang pag-uusap. Sa Cubao iyon at malapit sa Gateway. Simple lang naman ang meet-up. Kuwentuhan sa Starbucks, inuman ng ilang bote ng San Mig Light sa may Farmers at uwian na pagkatapos. Hindi ko inaasahan na iyon pala ay prelude sa mas malaking pagkikitang magaganap ilang araw matapos ang Hulyo.

Yun ang aming simula at nakakatawang i-recall na ang ugali niya noon ay ugali pa rin niya ngayon. Si Caretaker ang pinaka-maalaga sa amin sa grupo. He makes sure na lagi kami ay konektado, lalo pa't kinikilala na rin namin siya bilang si Daddy. Tatlong taon na ang lumipas. Nakalaya rin ako sa relasyon at tuluyang nawala sa G4M na ngayon ay Planet Romeo. Naipakilala ko rin sa kanya ang iba ko pang mga kaibigan - ang iba - halos isang dekada ko nang nakakasama. Ang original na mga tambay ng Walang Mukha Thread ay kasama ko pa rin. Si Bloodcherry ay hindi na namin nakita pa. Kasama ang mga bagong miyembro kabilang ang mga Kutong Lupa. Sila ngayon ang mga Engkanto.

Ito marahil ang unang pagkakataon na nagkuwento ako tungkol sa aking pagdating sa grupo.

At bilang pagtingin at paggalang sa taong nagkumbinsi sa akin upang makibahagi sa samahang kanyang pangarap mabuo, muli kong inaalala ang lahat.




7. Good influence ang dala sa akin ng pagsali ko sa samahan ng mga discreet na walang face-pic sa G4M. (Salamat kay Caretaker)

Tantric Cycle,
Fullmetal Dreams
July 18, 2007





Maligayang Kaarawan sa Pinuno.




14 comments:

itsMePeriod said...

im sure he's proud to have you as his friend

casado said...

langyang G4M, dyan ako napariwara haha ... those were the days...at ako si AgentRatbu na lagi nmang kausap ni davidchan ahahah :)

Eternal Wanderer... said...

Soltero: OMG ikaw si AgentRatbu?!!! ahahahaha

JR said...

Soltero: ikaw pala yun? bwhahahaa..Joke syempre, di na naman ako naka relate kasi recently (blogs) ko lang nalaman ang G4M, parang tanga lang haha..

I guess more than the libog post - mas nangibabaw sa akin ang nabuong friendship ;-) really cool..puro straight kasi mga friends ko kaya wala ako kalandian! O ha, o ha! nagbago na ako, di na ako manyak! hahaha

domjullian said...

sorry, what's turbo ranger?

Anonymous said...

@DOM..term for gay sex

casado said...

@ Eternal - yes! ahahaha .. w8 naka YM na ba kita bwahaha :P

Anonymous said...

di ako sigurado kung si mugen na idol ko at ikaw ay iisa... matagal ko na syang hinanap sa blogosphere. sana di mangyari sa amin ulit ang nangyari noong una kaming nagkita.

sa bed: sumayaw, nagyakapan, halos maghalikan na... at nang kami ay magpaalam na sa isa't-isa at magpalitan na ng #, sya pala ang idol kong si mugen.

dubai reader

gillboard said...

haberdey sa kanya...

Anonymous said...

Sis! hala sino yung kakapaan mo sa waiting shed sa National museum si papa T or ang Dyosa? hehehe.....mga manyak hahaha joke!!

grabehcious naman talagang details to the highest level ang pag sulat mo sa pag gunita sa Pinuno let me remind you birthday nya di pa eulogy itech hahaha joke!! kaloka!

Sa mahal na Dyosa Happy Birthday...

Sis! 1 tulog n lng at mabuhay philippines na nman ang drama ko hehehe will txt n lang hahaha

xoxo
repi

~Carrie~ said...

Kahit sa g4m, may nakukuha tayong maganda o mabuting bagay, gaya ng kaibigan at mabuting impluwensya.

hapee burday sa iyong kaibigan, Joms.

red the mod said...

Beautiful, how serendipity implores us to take paths that lead to such unexpected benevolence. How a supposedly sexually-driven portal like such can be the birthing ground of a stronghold group. Of varied men, with copious inclinations, whose objective to find like-minded friends have proven the audacity of the channel's superficial environs inadequate to break their bond.

To your pinuno, the beacon of camaraderie to your group, my warmest wishes of a merry birth date.

centurion/caretaker/firefox said...

salamat sa blogpost na ito mugen..

i love you.. and all the engkantos..

cheers to all of us!!!

POPOY said...

how sweet naman ng pag gunita sa pinuno LOL..

HAPPY BEER DAY KUYA... INUMANA ANA NYAN... :D