Monday, May 31, 2010

The Things We Leave Behind






A flashback:


Nakatingin ako sa salamin habang pinagmamasdan sa malayo ang mga ilaw na kumukuti-kutitap sa bulubundukin ng Antipolo. Kaharap ko si Mister Deja Vu na abala sa pag-dunk ng balat ng manok sa gravy na kasama sa binili naming Fried Chicken sa Ministop.

Treat niya ang aming dinner.

Sa kabila ng stress na dulot ng management training seminar pati na rin ang aking pagco-contemplate na maghanap ng bagong trabaho, naging masaya ang pagkikita namin ng aking katagpo. Bukod sa marami akong nalaman tungkol kanya, (like how he enjoys long walks, seeing trees, being on the beach and watching sunsets) naging tigapakinig rin siya habang naglalabas ako ng mga sama ng loob sa buhay.

"Alam mo, gusto kitang pahigain sa chest ko." Ngiti ang isinukli ko sa kanya.

Kinagabihan ay pinakilala ko siya kina Bronxdude, FlameandMonth at sa iba pang kasapi ng grupong SNAGG sa PEx. Nais ko man siyang patulugin sa amin subalit may training ako noong sumunod na araw.


-


Dalawang linggo ang lumipas. Matapos mag-inuman kasama ng mga Engkanto ay nauwi kaming magkapulupot ang mga kamay habang magkadikit ang pawisan naming katawan sa iisang higaan. Wala mang nangyari sa buong magdamag subalit sapat na ang kanyang pagkalinga upang balik-balikan ang alaala pagkatapos noon.

Hindi na naulit ang aming pagkikita at natapos na rin ang pagpapalitan ng text messages naming dalawa. Naiintindihan ko ang sitwasyon kahit na ako ay kinasangkapan lang. Habang pinagmamasdan ang gintong singsing sa kanyang kanang hintuturo noong huli siyang natulog sa tabi ko, alam ko kung bakit hanggang ganun lang ang maaring maging tadhana naming dalawa.





Thus began my nightly prowling at MIRC and later on in Planet Romeo.


14 comments:

Nimmeru@yahoo.com said...

hope you'll find someone that'll love you ng buong buo and never leave you. :)

Alter said...

regardless, it's a lovely story. :)

Désolé Boy said...

nalungkot ako =(
bakit kxe ganun??dame nateng naghahanap di paren magkahanapan, hehe.

Mugen said...

Nimmy:

I think it's close to impossible considering the people who gets my attention...

That's why I sometimes envy you.

AlterJon:

Bittersweet story. :)

DesoleBoy:

Kasi yung hinahanap natin eh hinanap rin ay iba. But that's how the world works. Pero not all are bound to such fate. There are those who works, still. Who knows, next time ikaw na ang magkukuwento ng iyong totoong love story.

~Carrie~ said...

I'm sure when you find Mr. Right, it's gonna be for good. You don't jump into relationships. You reflect on the situation and you have principles.

engel said...

is this your way of looking for love?

Mugen said...

Engel:

Love and attachment are two separate emotions.

Carrie:

Men wants it cold when its hot, and hot when its cold. There's an aspiration, but reality would be far far different.

Mugen said...

Addenum:

Engel:

If you were asking if my nightly prowling was my way of looking for love, um the entry itself was merely an explanation why I had to go all the way searching for panacea in MIRC and PR.

That's because real emotions seldom come by. :)

Nimmeru@yahoo.com said...

"I think it's close to impossible considering the people who gets my attention..."

-- mataas ata ang standards mo ah. try mo mgtaste ng ibang putahe, maybe what you need is variety. :)

casado said...

we're probably looking for love in the wrong places haha..anyway highway, i sincerely feel na ur a very nice person, and ur gna meet ur one true love one of these days :P

Anonymous said...

ikakasal ba sya?



wv: evenessa

Anonymous said...

parang ang saya na yata tapos biglang lumungkot......

naku sis isa kang kabit sana? married na ba or engage pa lang? kung engage kaya pang habulin yan hehehe

mwahugsss

xoxo

Mugen said...

Markh:

Tatlong taon na siyang kasal. Hindi ko pinangarap maging official kabet. Haha.

Dabo:

Kinasal na. May anak na nga eh. :)

Mugen said...

Soltero:

People like us who thrive in the dark hard finds another in the blinding light. :) Hehe. Sana. Pero ako rin eh may hesitations magsettle down.

Nimmy:

We keep our own standards. Nagkataon na mas badboy sa akin yung mga trip ko. =(