Friday, May 7, 2010

Dexter Macaldo On LadLad Party List






Minutes before his shift ended, I spoke with Dexter Macaldo about their plans should LadLad gets a seat in congress:

"Bakla! Bakla! Anong gagawin mo pag naging congressman ka na?" (Note: The question and answer portion was done in a formal manner. He thought he was in trouble with QA because it was me who called him from his station)

"Well, muli nating babalangkasin (author) ang anti-discrimination bill sa kongreso. Antagal tagal na nating nilalakad iyon pero hindi pa rin maipasa-pasa tuwing may session. Magtatayo rin tayo ng mga home for the aged para sa mashoshondang (old) bading sa buong bansa. Ngayon kasi, isa lang ang home for the aged natin. (For those of you who don't know, there's a Home for the Golden Gays in Pasay City) Maglalaan rin tayo ng pondo na puwedeng ipautang sa mga bading na gustong magnegosyo. Alam mo na, para dun sa mga gusto magtayo ng sarili nilang beauty parlor, gym at karinderya. Ipaparepeal rin natin yung anti-vagrancy law. Hay nako, masyado yang inaabuso ng mga kapulisan. Kawawa naman yung mga bading na mahilig rumampa diyan. Madalas pineperahan ng mga pulis lalo na sa sinehan.

Gusto rin natin magkaroon ng mas malawak na proteksyon ang mga gay establishment laban sa raid. Pero mind you, kapag may kalokohan yung may-ari (like what happened to Sanctum several years ago) hindi kami makiki-alam. Para ito dun sa mga legitimate business na nagbabayad ng buwis sa local government. Lastly, maglalaan rin tayo ng budget para sa HIV-AIDS awareness. Ngayon kasi ay hindi ganoon ka-organize ang effort para ma-educate ang mga bading. Magiging focus natin niyan."

Asked about the issue of gay marriage. Macaldo merely flipped his hair and smiled.


"Sabi nga ng ating pantas na si Danton Remoto, hindi pa napapanahon sa ating lipunan yan."




5 comments:

PILYO said...

Kawawa naman yung mga bading na mahilig rumampa diyan. Madalas pineperahan ng mga pulis lalo na sa sinehan.
------------------

baka baklang mga pulis ang nasa sinehan, kapag na-insecure sa bading na mala-butch francisco, bina-bagansya hahahahaha.

daniel said...

Mabuhay si Officemate Dexter! Iboboto ko ang ladlad! Siyempre gusto ko ang adhikain ng lad-lad! Lets Vote in! First time kong boboto hehe : )

iurico said...

Im voting merely because I want to cast my vote for "ang Ladlad."

Anonymous said...

dahil sa sagot na iyan, di ko iboboto ang ladlad. hahaha

-theTripper

~Carrie~ said...

isulong ang kapakanan ng mga pangatlong kasarian!