Friday, November 23, 2007

Boylet (Post A La Southdude Remix)

Gusto niyo ba malaman kung ano ang hottie para sa akin?

Yep, ang hottie sa akin ay yung kagaya niya: Makinis, matangkad at maangas pumorma. Ang kwento kasi, ka-text ko si DK nang biglang sumakay itong si binata. Nagkataon naman na trip ko ang mag-boytalk kaya't sinegway ko ang usapan namin at nabanggit ko itong gwaping na nakaupo sa tapat ko.

Sa sobrang lakas ng appeal niya, naglakas-loob akong kumuha ng stolen shot. Na-inspire rin kasi ako sa blog ni Southdude na namamayagpag sa kabilang dako ng blogspace. Kung tutuusin, average-looking lang naman ang binatilyo. Hindi siya ganun kaputian o kalaman para matawag mong hottie o artistahin. Marahil ang kanyang kapayakan at angas manamit ang nagdala sa kanya. Sa height niyang six-footer, ewan ko lang kung hindi siya agaw pansin.

Don't get me wrong. Admiration lang ang tama ko sa kanya at wala sa isip ko ang kahalayan. Tutal, kung may PLU man na kagaya niya, suntok sa buwan na ang mag-attempt pumorma. Kapag nagcocompare notes kami ng bestprend kong si Roy, lagi niyang reklamo sa akin na bakit daw sobrang exotic ng taste ko pagdating sa boylet. Ang hindi ko masabi, siya kasi ay may kakayahan makipaghook-up sa mga tipong pinagmamasdan ko lang sa malayo. Kung sa usapang leveling, nakikibagay lang naman ako sa kaya ko abutin.

Mahirap kasi ang umastang may powers.

---

But the truth is, despite my ability to project myself confidently in front of others, there will always be a part of me, wishing, I am someone else.

Someone better than me.

No comments: