Tuesday, November 13, 2007

Princess Diaries: Introduction

Si Princess, sa mga hindi nakakaalam ay katrabaho ko. Si Mami Athena (Deracinee) ang nagbigay sa kanya ng palayaw na princess dahil hindi lang siya maputi at makinis, fashionista din siya at refined kumilos.

Pwedeng-pwede siya maging candidate sa pagiging certified Metrosexual.

Don't get me wrong though, si Princess ay hindi effeminate. Tanging kami lang ni Mami ang tumatawag sa kanyang prinsesa. Sa tuwing makikita mo siyang nag-aabang ng taxi pauwi, sa halip na mga babae ang kasama niya (kagaya ng ibang mga PLU na kilala ko), ang mga nakapalibot sa kanya ay puro barakong lalaki. Mas marami pa nga siyang straight guys na tropa kesa sa akin.

Anyhoot, naging bonded kami nitong binatang ito noong kasagsagan ng conflict ko kay P-Man. Bigla na lang siya nag-aya na mag-BED kami kasi daw hindi pa siya nakakapunta doon. Siya rin ang nag-aya sa akin mag-White Party, kung saan ako ang pinagkaguluhan samantalang siya naman ang nagmaganda. Sa office, kami rin ang tag-team partner sa aming account. Lagi kasi siyang tinatabla ng iba naming ka-team at minsan na rin itong naging dahilan ng kanyang pag-reresign.

Minsan ko nang nai-post ang sinulat niya noong umaapaw ang kanyang creativity at ang naging outlet niya ay yung Notepad sa aming computer sa halip na Microsoft Paint. Favorite pastime kasi ni Princess ang mag-enhance ng kanyang mga pictures kapag wala kaming ginagawang trabaho. Pinost ko ang kanyang sinulat sa takot na maaring hindi na siya mag-sulat muli.

Ngayong wala na naman akong maisulat (dahil puro tulog, gym at sims 2 lang ang ginagawa ko kapag walang work), hahayaan ko munang siya ang mag-occupy ng space ko. Lingid sa kaalaman ng prinsesa, may exposure na siya sa blogspace.

In the first place, yun rin naman ang secret wish niya.

No comments: