Thursday, November 15, 2007

Protocol Myon Two

"Bakit ganun no? Kapag napansin tayo ng sex partner natin, na fla-flatter tayo. Pero ang weird, takot naman tayo mag-exert ng effort para mas lalong mapalapit sa kanya.

Kapag naman nag-performance level tayo sa kama, tapos kinalimutan tayo after, sobrang badtrip tayo. Feeling natin eh ginamit lang tayo at pinagparausan. Nangyari na sa iyo yun diba? Minsan nga sabi mo, wala lang sayo ang lahat at kahit medyo confused ang puso mo. Ikaw pa nga ang may gana magdelete ng number nila.

Pero paano ba tsong kapag ang naka-sex mo ay may potential mo maging FUBU. Paano ang gagawin mo sa sitwasyong may tendency ka maging extra sweet sa taong hindi mo naman dapat pagtuunan masyado ng pagkatao.

At siya nga pala parekoy, ano ang gagawin mo para ma-impose sa utak mo na ang lahat ng playmate ay playmate lang. Walang kaibi-kaibigan, walang tropa-tropa? Diba ikaw nga ang nagsabi, na indifferent tayo sa kanila after?

Paano ba magtaboy ng potential FUBU partner, lalo na't takot kang maging close, Joms?"


---

- Quoted from a friend, revealing a developing story to me.

No comments: