Saturday, February 21, 2009

Body Clock

Kapag inutos ng katawan ang matulog ng hatinggabi,
wala kang magagawa kundi ang sumunod dito.
At kapag ginising ka ng utak ng alas kwatro ng madaling araw,
sorry na lang kahit anung lalim ng hilik mo .

Magpapagulong-gulong ngunit ayaw dalawin ng antok.
Ipipikit ang mga mata subalit patuloy pa ring gising ang diwa.
Bubuksan ang TV at hahayain itong nasa balita. Subalit
kapag breaking news na ang pinapakita, susubaybayan mo pa rin ito.

Magmomojacko ngunit kahit dalawang putukan, ayaw pa rin dapuan ng antok.
Magtatalukbong ngunit makulay ang imahinasyon sa ilalim ng kumot.
Mag-iisip ng mga kabaliwan,
Mangangarap ng mga pangyayaring imposible maganap,
Makakaalala ng mga taong iniwan,
Magtwi-twitter gamit ang cellphone,
Magpapantasya ng panibagong pag-ibig,
Mangyayakap ng unan at magkukunwaring may katabi sa kama,
Mag-uunat ng paa,
Magtutungga ng tubig galing sa baso,
Magpaplano para sa darating na umaga,
Magsesenti ng mga nakalipas,
Maghihikab ng paulit-ulit
Magpupungas ng mga mutaing mata
Mag-iinternet,
Magtutula,
Magkakamot ng balat,
Makikinig ng mp3,
Magtitiklop ng kumot,
Mag-aayos ng kama at saka
Muling hihiga.

Ngunit ano man ang pilit at anumang klaseng dasal, basta't dikta ng

body clock.

Pasensyahan na lang ang matirang puyat.

---

At sigurado kong pagsapit ng alas-onse mamaya. Bagsak na naman ako nito sa trabaho.

Paano na lang ang napipisil na promotion ko?

No comments: