Pasado alas kuwatro ng madaling araw nang maisipan kong maglakad-lakad mag-isa sa paligid ng resort. Pagising na ang ibang mga tauhan ng Encantadia samantalang ang iba naman ay naghahabol pa lang ng tulog noong umalis ako ng aming cottage. Si Ewok, na buong magdamag nakipaglandian kay Tsupaeng ay napagod rin at nakatulog. Bakas ang ngiti sa kanyang mukha matapos itong makatanggap ng sampung halik sa kanyang labi mula sa aming bagong iniidolo. Si Bloiggster ay bagsak pa rin at naghihilik sa isang tabi. Mukha yatang siya ang salarin kaya madaling naubos ang dala naming Jose Cuervo na halos hindi man lang napatakan ang aking lalamunan. Ang Santa, na sa tuwing nakikita ko ay nakangiti habang nanonood ng mga asaran sa kanyang paligi ay mapayapa na ring natutulog sa isang gilid. Katapat niya ng higaan si Pedok na naging kasentihan nito at kasama buong magdamag.
Gising na si Dabo. Anumang pilit hikayatin na matulog ito'y nagpumilit pa ring bumangon ang binata upang makinig sa kuwentuhan ng matatanda. Pati ang kumot na gagamitin ko sana sakaling antukin ay nakabalabal na sa kanyang balingkinitang katawan. Malamok ang paligid at hangad ko ang matiwasay na pagpapahinga ng aking besprend. Upang huwag dalawin ng antok matapos ang halos dalawang araw na walang tulog ay napagpasiyahan kong idaan sa paglangoy ang aking pagkagising. Sinamahan naman ako ni Tsupaeng na kahit higit ang lapad ng katawan sa akin ay di hamak na mas mabilis itong tumawid at makagawa ng laps sa pool.
Bago magsimulang makipagkuwentuhan si Dabo at bago bumalik ang Pinuno kasama si Luna Mystika na binantayan niyang umidlip sa isa sa mga cottages malapit sa volleyball court ay si Tsupaeng muna ang bumangka ng aming kuwentuhan. Marami siyang nasabi tungkol sa kanyang buhay at sa kauna-unahang pagkakataon ay nalinawan ako sa isang katotohanan ng pagiging PLU na marahil ay kailangan ko ulit tandaan.
Kung pagmamasdan mo ang aming kaibigan sa unang pagkikita, masasambit ang mga salitang "Ok lang" bilang first impression. Sabagay, tahimik kasi siya na may pagkaburaot at medyo maangas rin tingnan kaya nakakahiyang lapitan. Sa pisikal na kaanyuan naman ay masasabi mong pang "Chub Chaser" ang appeal niya - malaki, barako at tipong nambabalibag sa kanto, o sa kama alin man ang mauna sa dalawa. Kumbaga ay may special market ito na ni mismong ako ay hindi uubra. Sa kabila ng kanyang mga limitasyon, isang alamat ang kanyang husay sa pagkuha ng atensyon ng isang lalaki. Ito mismo ay nasaksihan ng aming Pinuno nang una siyang magpakita sa Encantadia.
"Nasa attitude lang yan mga tsong," pagmamayabang ni Tasya Pantasya.
"Ayokong magbuhat ng bangko pero maniwala man kayo o sa hindi, minsan ay nakakatanggap ako ng Orange Juice kapag tumatambay sa coffee shop." Gusto ko sana mag-walk out sa kanyang kuwento hindi dahil tingin ko ay istir ang kanyang mga sinasabi kung hindi dahil ay ni minsan ay wala pang nag-offer sa akin noon.
"So anong ginawa mo nung binigyan ka ng juice?" Tanong ko sa kanya.
"Sinabihan ko yung waiter na yung nagbigay mismo ang mag-abot sa akin," paangas niyang sagot. "Nung dumating yung lalaki, tinanong ko siya, 'Para saan ito?' Ang sagot ng lalaki sa akin ay 'Wala lang."
Sa totoo ay wala akong alam sa mga ganung diskarte na nangyayari sa aking mundo. Ilang beses man ako bigyan ng tips ni Kuya Tripper, subalit sa tuwing napapasok ako sa mga eksenang gaya kay Tsupaeng ay kaagad rin akong tumutupi. Hindi ko makakalimutan ang ginawang pang-iiwan sa isang binata na buong biyahe kong kakiskisan ng binti papuntang Megamall. Ganun din sa sangkaterbang mga pagkakataon kung saan nakahanap sana ako ng aksyon subalit mas pinili ko ang maduwag sa halip na maka-iskor.
Patuloy na nagkuwento ang Tsupaeng. Ngayon naman ay tungkol sa kanyang naunsiyaming lovelife ang istorya. Sabi niya ay limang taon ang tinagal ng huli niyang relasyon. Ang relasyon nila ay monogamous at di miminsang sila ay nag live-in ng kanyang kabiyak. Natapos lamang ito nang mapagpasiyahan ng kanyang unang lover na mangibang-bansa upang kumita ng mas malaking salapi.
"Hindi kasi ako naniniwala sa long-distance relationship eh." Paliwanag niya sa amin.
Sa lahat ng kanyang kinuwento, pinakamalaking katanungan pa rin kung paano naikama ng aming kaibigan ang isang binatang tinuturing na guwaping ng lahat ng nakasaksi. Maari ko sanang isa-alangalang ang subjectivity ng pagiging may itsura, subalit ang katotohanan ay patuloy na sumasampal sa aking mukha.
"Going back to my first answer, its all about the attitude."
"Hindi lahat ng katulad natin ay dominante kagaya ko. Mayroong ibang nagpapadominante at ang iba naman ay naghahanap ng daddy o kaya ay kuya material na magsesecure sa tuwing sila ay nangungulila."
Magpapatuloy pa sana ang kanyang pagpapaliwanag nang bigla itong tumingin sa direksyon ng kinahihigaan ni Bloiggster. Mukha yatang naalimpungatan ang aming El Tumbador. Dahil dito ay tuluyang naputol ang aming kuwentuhan.
"Patay na!" Bulong ko sa aking sarili.
Iyon ay dahil nasa kanyang mukha ang ebidensya ng aming kapraningnang ginawa habang siya ay natutulog. Ang kanyang pisngi ay may linya ng uling habang sa kanyang dibdib naman ay naroon pa rin ang bulaklak na aking inalay habang lahat kami ay kinukunan siya ng litrato.
Ang mga natirang gising ay yumuko at napatahimik. Guilty ang mga tiga Encantadia. Subalit ang Tsupaeng na siyang aming bangkero ay tahimik na tumayo, pumunta kung saan naroon ang kanyang bag upang kumuha ng pamunas at niyakap ang Bloiggster na buong akala namin ay umiiyak matapos madiskubre ang pang-aalipusta sa kanyang pagkatao. Dahan-dahang dinampi ni Tasya Pantasya ang isang malinis na T-shirt sa mukha ng bagong gising at pinakalma ito sa pamamagitan ng pakikipagusap dito. Matapos ang ilang minuto ay muling nahiga ang Bloiggster, marahil ay walang alam sa mga pangyayari ng madaling araw na iyon.
Nainggit ako sa pinakitang pag-aalaga ni Tasya Pantasya. Pagkabalik niya sa aming puwesto ay kasunod nito ang aking pagtayo upang puntahan ang tulugan ng aking besprend. Nais kong siguruhin na secured ang mga monoblock na pinangharang ko upang huwag siyang malaglag sa kanyang kinahihigaan.
Naghihilik pa rin ang mokong nang akin itong iwanan.

---
Habang pinagmamasdan ang mapayapang kadilimang bumabalot sa Laguna De Bay at ang mga ilaw na kumukuti-kutitap mula sa libo-libong mga bahay at gusaling nakapaligid dito, unti-unti kong binalikan ang mga kaganapan sa loob ng isang magdamag na bumuo ng ang aming istorya. Maginaw ang paligid at habang nakapasak sa dalawang tenga ang earphones kung saan nakiki-ayon ang chill-out sounds na aking pinapakinggan sa tibok ng aking puso, nalinawan ako na ang lakad na ito ay hindi lang basta outing ng Encantadia.
Ito ang simula ng mga pagsasama na aming paulit-ulit na babalikan sa mga panahong hahamunin ng tadhana ang aming barkadahan.
Bumaba kami ng bundok kinaumagahan na iba na ang turing sa mga dumalo sa Swimming Party.
Ang isa ay nakahanap ng mga bagong kaibigan matapos siyang lisanin ng kanyang besprend at ipagpalit sa iba. Inaasam ko ang kanyang kapayapaan sa Encantadia.
Ang isa naman ay tuluyan ng nagbalik-loob sa Pinuno. Dalawang taon man siyang nagsarili ay buong lugod pa rin siyang tinanggap ng Diyosa sa kaharian nito.
Ang isa ay nanindigang ipagtatanggol ang Encantadia sa abot ng kanyang magagawa. Nararamdaman kong ang kanyang pagdating ay magbibigay kasiyahan sa mga bago't lumang miyembro ng grupo. Marami rin kaming matututunan sa kanyang mga karanasan.
Ang isa ay nakipag-ayos sa isang miyembro matapos may mangyaring pisikal sa kanilang dalawa sa malayong lugar. Hindi ko tiyak kung ang pagmamabutihan nilang dalawa ay permanente o simula ng pagdistansya sa isa't isa.
Ang isa ay bumabang may bubog ang puso. Nalaman niya kasi na sa kabila ng pagiging bato nito, marunong pa rin itong tumibok para sa isang tao.
Samantalang ang isa naman ay nakahanap ng bagong pag-asa mula sa pag-ibig na buong akala ng lahat ay nagkaroon na ng tuldok. Marahil siya ang isa sa pinakamasayang bumaba ng bundok nang umagang iyon.
Sa lahat ng umuwi kinaumagahan, kung tatanungin mo ako kung sino sa kanila ang talagang may bitbit na pasalubong pauwi. Ito silang dalawa:

Nagsimula ang kanilang pag-uusap ilang araw bago ang swimming party.
Naging malalim ang kanilang pagkilala sa isa't isa sa tabi ng swimming pool.
Nabuo ang kanilang pag-ibig eksaktong isang araw matapos lumabas ang litratong ito.
No comments:
Post a Comment