Saturday, February 7, 2009

Pasubali | Chronicles of El Tigre (Episode Four)

"Anak bakit hindi ka pa nagkaka-girlfriend ulit?" Madalas itong itanong ng aking nanay ilang taon na ang nakakaraan. Paano kasi ay ilang taon na rin ang lumipas simula nang mag-break up kami ng kaisa-isa kong naging girlfriend.

"Ma, walang magkamaling manligaw sa akin eh." Ito ang pabirong kinakatuwiran ko sa kanya. Alam kasi sa bahay kung paano ako nakuha ng dating kong girlfriend. Ganito rin ang ginawang diskarte sa akin ng high school sweetheart ko - na sa kasamaang palad ay nauwi rin sa wala. Masyado kasi siyang clingy kaya nabagot ako sa kanya. Matapos ang maikling talakayan tungkol sa aking buhay pag-ibig, ngingiti na lamang ang aking inay sabay babaguhin ang usapan maipagpatuloy lamang ang aming bonding mag-ina.

Natapos lang ang mga eksenang ganito nang kanyang mapansin ang malimit na pagdalaw ng aking ex-buddy sa aming pamamahay.

Subalit lingid sa kanyang kaalaman, may dahilan kung bakit hindi ko hinangad ang magka-girlfriend o mag-asawa ng babae. Bukod kasi sa aking piniling sexual preference, tinaga ko na rin sa buto ang siya ay pagsilbihan ngayong siya ay tumatanda na. Naalala ko noong bata pa ako, lagi niyang tagubilin sa akin ang maghanap ng kaparis na hindi siya pagmamalupitan.

"Anak ha, baka kapag nagkaasawa ka, palayasin niya ako sa bahay mo kapag hindi niya ako nakasundo." Hihiritan niya ako ng ganito na may bakas ng ligalig sa mukha. Napapanood niya kasi sa TV yung mga soap opera kung saan ang asawang babae ng anak na lalaki ang siyang kontrabida sa palabas.

"Hindi ma, siya ang papalayasin ko kapag inaway ka niya," madalas na assurance ko sa kanya. Tuloy kahit si Phanks noon ay hindi makahirit ng live-in sa tuwing binabanggit ko kung gaano ka-priority ang aking pamilya higit pa sa jowa. Siya tuloy ang napipilitan makituloy sa aking pamamahay.

Sumagi sa akin ang aming kuwentong mag-ina nang imbitahan ako ng ilang mga kaibigan sa kanilang outreach activity.


Matagal ko ng alam na may home for the aged dito sa Manila, (isa rin ito sa mga kinakatakutan ng nanay ko. mabuti pa raw na dumiretso siya sa langit kesa ilagak namin siya sa home for the aged) subalit hindi pa ako nakakapunta rito at lalong hindi pa ako nakakasali sa anumang pagtitipon kung saan ay mabibigyan ng opportunity ang mga nais sumali na makisalamuha sa mga taong itinuring ang Golden Acres na kanilang tahanan.

Bilang tulong sa aking mga kaibigan na nakaisip ng ganitong ideya para makatulong sa iba, nais kong ibahagi ang kanilang hangarin sa inyo. Kung sinuman ang interesadong magbigay ng:

  • Adult Clothes
  • Adult Diapers
  • Beddings (unan, kumot, etc)
  • Rice
  • Baston/Canes
  • Vitamins
  • Bath Soap
  • Detergent soap
  • Toothbrush & Toothpaste
  • Towels (yung malaki na parang good morning towels)
  • Baby Powder
  • Lotions
Maaring ipaabot ang inyong tulong sa pamamagitan ng pag-eemail sa address na ito: mugenblu@gmail.com

Narito rin ang thread kung saan matatagpuan ang pormal na imbitasyon mula sa mga tigasubaybay ng blog na ito galing Pinoyexchange.

Maraming salamat guys!

---

[13:59] MuGen: sino ka valentines mo?
[14:00] elTigre: wala naman
[14:00] MuGen: ako meron!
[14:01] elTigre: cnu
[14:01] MuGen: maingget ka!
[14:01] MuGen: hahahaha
[14:01] elTigre: sinu nga
[14:01] MuGen: nanay ko
[14:01] MuGen: [insert smiley here]
[14:01] elTigre: heheh sweet naman
[14:01] MuGen: kaya ikaw
[14:01] MuGen: i-date mo na rin mama mo
[14:01] MuGen: para may ka-valentines ka!

No comments: