Wednesday, February 11, 2009

Dalawampu't Limang Ako (2K9 Remix)

Ang tag na ito ay galing sa kasamahan nating blogger na si Aris. Bilang isa sa kanyang mga tagahanga, isang karangalan ang mapabilang sa mga taong nais niyang makilala ng lubusan. Ang mga sumusunod ay dalawampu't limang mga bagay tungkol sa akin.

1. Tatlong beses sa isang linggo ako kung magbuhat. Sa Eclipse iyon sa Shaw Boulevard. Maraming cute at magaganda ang katawan sa gym namin, pero higit na palakaibigan ako doon sa mga bagong dating na tabain ang katawan. Lagi ko kasing naalala kung paano ako nagsimula sa gym na iyon.

2. Sa kabila ng kakayahan kong makipaglandian kung kani-kanino, higit na tumino ako nang magkaroon ng korte ang katawan ko. Kung papasok man ako sa isang relasyon, asahan mong monogamous ako sa kabila ng mga temptation na maaring magtulak sa akin upang ilabas ang kalibugan sa iba.

3. Natutulog ko ng nakahubad at laging bukas ang TV.

4. Sa sobrang babaw ng kaligayahan ko, ang makasaksi ng paglubog ng araw sa hapon ay sapat na upang makapagpaligaya sa akin. Gayun din ang makakita ng bituin sa langit tuwing hatinggabi.

5. Mga paborito kong gulay: Malunggay, Okra, Baby Corn, Mushroom at Cauliflower.

6. Comfort food ko lately ang Binalot.

7. Kinikilala ako ng mga tropa bilang isang pakawalang lalaki. Ibig sabihin, kapag gusto kong umalis sa isang pagtitipon, walang makakapigil sa akin saan ko man gusto pumunta. Pahirapan rin sa akin ang magpatali. Subalit kapag gusto ko ang isang tao, literal na nahahawakan niya ako sa leeg.

8. Halata mo na ako'y umiibig kapag nagsimulang maging alternative ang playlist ng mp3 ko. Kapag hindi sumasablay ang pagkanta ko ng mga alternative songs sa videokehan, ibig sabihin, nasa paligid lang ang aking mahal.

9. Pasayawin mo na ako kesa pakantahin. Kailangan ko muna tumumba sa kalasingan bago mapakanta ng maayos.

10. I often write in Filipino when I'm suffering from a writer's block.

11. Sobrang gusto ko magroad trip. Minsan nakikicar-pool ako sa mga kaibigan para lang maka-ikot ng buong Manila sa kanilang sasakyan.

12. Pwede naman gamitin ang sasakyan namin sa bahay para dito, subalit hindi ako marunong mag-drive.

13. Size 12 ang sapatos ko. Kapag nababanggit ko ito sa mga prospects, madalas ay lumiliwanag ang kanilang mga mukha.

14. Hindi ako naniniwala sa langit at impyerno. Mas pipiliin ko pa ang konsepto ng reincarnation.

15. Sa kabila nito, makikita mo akong taimtim na nagrorosaryo sa Santa Clara sa Katipunan tuwing day off.

16. Antukin akong tao. Kahit saan kaya ko matulog. Huwag lang sa mabahong lugar.

17. Marami ang nagsasabi na magaling akong humalik. Ayoko man magbuhat ng bangko pero dalangin ko na ito'y hindi bola.

18. Hindi ako nakakatagal sa ibang bahay ng higit sa dalawang araw. Kung magoovernight man, dapat dala ko ang kumot galing sa kama kung hindi ay mamamahay ako.

19. Favorite Shampoo: Clear. Favorite Soap: Dial Favorite Facial Care Product: Nivea For Men (Yung Green) Favorite Deodorant: Axe Gravity

20. Ayaw na ayaw kong mag-malling. Kung may bibilhin man ako, diretso kaagad sa pupuntahan sabay sibat kapag nabili ko na ang kailangan.

21. Pero pangarap ko mag-grocery kasama ang aking future lover. Tapos yung lahat ng pinamili namin ay ilalagay sa trunk ng kanyang sasakyan. Tapos yung mga grocery ay para sa bahay. Tapos papakilala ko siya sa nanay ko na kasama kong namili sa Puregold.

22. Gusto kong makarating ng Ilocos, Batanes, Cebu, at Tawi-Tawi.

23. Mahilig lang ako magsulat pero tamad akong magbasa. Natatakot kasi ako na kapag nahilig akong magbasa ay tamarin na rin ako magsulat.

24. Out ako sa kaisa-isa kong barkadang straight. Puro sila lalaki at sa kabila ng aking preference, mukhang tinanggap na nila ako.

25. Lima ang grupo ko na mga PLU: Outsiders (PEx) Hanap Barkada (PEx), Alliance (Blog) Encantadia (G4M) at Tripper's Clan (PEx) . Wala ni isa man sa mga grupong ito ang regular na nakakasama ko sa clubbing.

I am tagging Dabo, Lukayo, Blakrabit, Maxwell, Darwin at ang sweet pea ko na si Mel Beckham

No comments: