Thursday, February 5, 2009

Buff Daddy Interludes Three

Nagwork-out ako kahapon matapos ang trabaho. Pagkadating sa gym, laking gulat ko nang madatnan na marami ang nagbubuhat. To think na pinipintasan ko ang Slimmer's Megamall noong isang gabi dahil mukha na siyang palengke sa dami ng tao, ganun rin pala ang aabutan ko pagbalik sa Eclipse.

Wala naman significant na naganap habang ako ay tumitira ng bakal. Pabigat pa rin ng pabigat ang mga weights na nilalagay nila sa program (250 lbs na ang deadlift ko!) kaya naman talagang tagaktak ang pawis ko matapos ang bawat exercise. Malapit na rin akong umabot sa state of failure. Kapag nag-failure ka kasi, ibig sabihin ay umabot ka na sa limit ng kaya mong buhatin. Pumapalpak na ako sa pag-angat ng katawan sa pull ups. Mali na daw ang execution sabi sa akin ni head coach. Tiyak nito, sa susunod kong balik ay mas magaan na ang isasabit kong mga plates sa bewang.

Gaya ng aking naabutan, mukhang palengke na rin ang Eclipse sa dami ng tao kahapon. Nakakalat sa sahig ang mga plates na iba't iba ang bigat (10, 25, 35, at 45 lbs) samantalang puro ungol naman ang maririnig mo sa paligid na namumutawi sa bibig ng mga hardcore weightlifters. Kulang na lang na pati yung power cage ay buhatin na rin nila. Napansin ko lang na habang nagiging hardcore ang program mo at medyo malalaki na ang iron plates sa olympic bar mo ay marami na ang nanonood sa iyo.

Hindi ko alam kung ito ay isang magandang pangitain pero just for the sake of making a kuwento, sasabihin ko sa inyo kung ano ang nangyari:

Nakasabay ko ang isang lalaki sa pagde-deadlift. Ang deadlift ay isang exercise kung saan nasa sahig ang barbell at ito'y iyong kailangang buhatin - with arms and body stretched - hanggang umabot ito sa binti. Madali lang ang exercise kung sanay ka sa Squats. Subalit kapag ang bigat ng barbell ay lumalampas na ng 150 lbs, para mo na ring binuhat si Dabo noon. Tumango sa akin ang lalaki nang mapansin nitong nagpapalit ako ng plates ng olympic bar. Inacknowledge ko ang kanyang presence sa pamamagitan ng pagtango rin dito.

Ang tanguan ay nauwi sa kuwentuhan. Hindi ko namalayan na tinanong ko na pala siya kung ano ang bigat ng kanyang binubuhat, ang sets at reps nito, at pati na rin kung gaano katagal na siya nagbubuhat sa aming gym. Sa sobrang dami naming napagusapan (sa loob ng sampung minuto) ay kulang na lang itanong ko sa kanya kung siya ba ay single at kung saan siya nauwi. Siyempre medyo kaduda-duda na ang mga tanong na ito, subalit dahil siya ang nagsimulang makipagkuwentuhan sa akin, may karapatan akong mag-ala Boy Abunda sa pagtatanong sa kanya.

May katandaan na ang lalaki. Maaring siya ay nasa late 30s na subalit dahil ito ay adik sa pagbubuhat, kapansin-pansin ang mala-adonis niyang katawan. Ito ay maputi, maikli ang buhok at medyo singkit ang mga mata. Sa laki ng kanyang katawan ay hindi ko maiwasan isipin kung ano kaya ang pakiramdam ang makatabi siya sa kama. Tagos hanggang kaluluwa pati kung siya ay makatingin kaya't hindi na ako magtataka kung bakit tensyonado ako sa tuwing ito ay lumalapit at nakikipagusap sa akin.

Marami na akong mga narinig na kuwento tungkol sa loob at labas ng gym. Nariyan sina Tristantales at McVie upang ikuwento ang kanilang mga karanasan sa loob ng locker room. Minsan na rin akong nagkaroon ng near miss sa isa sa mga cubicles ng shower room. Subalit sa dinami-dami ng steamy sessions na aking narinig at nabasa tungkol sa gym, naroon rin ang pag-asa na ang bawat pagtatagpo ay maari rin humantong sa isang malalim at magandang samahan. Nariyan si Tripper at HB upang patunayan na maaring umusbong ang pag-ibig sa benchpress machine.

Hindi lang si deadlifter guy ang bumusog sa aking paningin kahapon sa gym. Naroon rin si boy Iranian, si cute gym instructor at pati na rin si moreno kid na ka-tag team ni big papi na doble ang lapad sa akin. Naroon rin ang aking boss na biglang nagdecide kumuha ng instructor noong nakaraang buwan. Sawa na daw siya kakatakbo sa treadmill at gusto naman niya matutunan ang free weights. Sa dami ng maaring pansinin at purihin, si big papi at pati na rin ang aking boss ang katangi-tanging hinangaan ko sa kanilang lahat. Ito ay hindi dahil sa trip ko sila o kaya naman ay pinapantasya, subalit ang mga katulad nila ang nagpapaalala ng aking simula at ng aking narating.

I wonder, will they be able to achieve their goals as well.

Natapos ang aking work-out na panay ang titig kay deadlifter guy. Naroon siya malapit sa akin na panay ang ungol habang nagpipilit magbuhat ng mga weights na tanging sa pangarap ko lang mabubuhat. Hindi ko na siya inabala pa, at dahil marami na rin siyang kausap na iba, bumalik ako sa aking sariling program na kaunti lang ang pinagbago simula ng ibigay ito dalawang taon na ang nakakaraan.

People like them just come and go in the gym. Minsan naroon, minsan nawawala. Si Ginoo nga hindi ko na nakikita sa gym. Matapos siguro nung insidente sa pagitan namin ay nahiya na itong bumalik. Narealize niya rin siguro na masyadong matino ang gym para sa mga malibog na gaya niya. As for me, tuloy lang ang buhat. May hunk man o wala, inspirasyon lang sila na dapat gayahin.

As for the deadlifter guy, magkikita pa kami sa susunod. Magugulat muli ako sa kanyang mga binubuhat at makikita ko na naman na lumiit ang kanyang mga mata sa tuwing ito ay ngingiti sa akin. For whatever it is worth, I find him interesting - hindi dahil sa may appeal siya o magaan ang loob ko sa kanya - pero dahil siya ang unang kumausap sa akin.

Ang mga ganung klaseng tao ang dapat kinikilala sa loob ng gym.


No comments: