Tuesday, February 24, 2009

Encantadia (Act Two)

Dumating kami sa resort na pagod at walang laman ang sikmura. Maliban sa kornik na binuksan ni Dabo habang iniintay ang pagdating ni Bloiggster sa Shopwise Antipolo, ang huling kain ko ay alas 9 pa ng umaga.

Hindi nakapagtataka na habang binabagtas namin ang pabulusok na hagdan patungo sa aming cottege ay hindi ako makausap ng matino ninuman. Bukod kasi sa mabigat ang buhat-buhat kong mga galon ng mineral water ay nanginginig na rin ako sa gutom.

Kung inyong tatanungin, bakit hinayaan kong maging ganun ang aking kundisyon. Ang sagot: katakawan. Alam kong sa oras na magkalaman ang tiyan ko - maging ito'y sa pamamagitan ng paglamon ng isang mamon ay tiyak, panghihinaan akong kumain pagdating ng hapunan. Sayang naman ang mga pagkaing dinala ng mga kasama ko.

Ang aming cottege ay malapit sa swimming pool. Sa hindi malamang dahilan ay mukhang sadyang pinili ng organizer ang spot kung saan katapat lang namin ang men's shower room. Kayo na ang bahala mag-interpret ng mga bagay-bagay, pero isang dahilan kung bakit nabusog ang mga mata ko noong gabing iyon ay dahil sa dami ng eye-candy na aking nakita.

Mabilis pa sa alas kuwatro na naihanda ang mga pagkain sa lamesa. Naroon ang balde-baldeng kanin, adobong baboy, pansit bihon, lumpiang shanghai, ginisang hipon at pati na rin ang custard cake na sadyang bi-nake pa ni Pedok para sa okasyon. Lingid sa kaalaman ng marami ay matagal ko nang kilala si Pedok, subalit dahil nabibilang kami sa magkaibang paksyon sa loob ng isang grupo, ito marahil ang pangalawang beses na nagkasama kami sa iisang lamesa matapos ang unang pagkikita namin sa Tagaytay.

Malalim na ang gabi kaya't kaagad rin kaming lumusong sa pool upang walang masayang na oras sa aming paglagi. Dahil nasa tuktok ng bundok ang aming resort, tiyak na pamatay ang tubig sa lamig nito. Si Dabo ang may sala kung bakit napalangoy ako kahit nagpapahinga pa ang iba naming mga kasama. Mukha yatang pangarap niyang mabansagang sirena sa mundo ng aming munting Encantadia.

Nakailang laps rin ako bago sumunod sina Darwin at Lukayo. Hindi ako nagkamali, parehong swimmer ang dalawa. Matapos pa ang ilang minuto ay nakisali na rin si Pinuno at ang kanyang kasamang si Luna Mystika na mukhang kapatid ni Sirena. Halatang hindi sanay sa lamig si Luna Mystika kaya't tinuruan ko pa itong ilubog ang kanyang buong katawan upang ito ay masanay sa tubig.

Ang sarap sana makipagharutan sa mga kasama namin. Ang sirena ay ready na makipag-arm wrestling subalit walang may gusto sapagkat lahat sila ay nasa iba't ibang sulok ng pool. Ang Prinsesa at Lukayo ay dagling umahon at naupo sa gilid nang magtagpo sila sa malalim na bahagi ng swimming pool. Maaring hindi nila pansin subalit lahat ng mata ay nakatutok sa kanilang dalawa.

---

Nagsimulang maglakbay ang Jose Cuervo at yung Vodka paikot ng lamesa. Ang Tanggero ay si Tasya Pantasya. Si Tasya Pantasya ay isang malaking lalaki na mas mapapagkamalan bouncer sa Palawan Bar sa halip na isang Call Center Executive sa Makati. Sabi nila ay nagbebenta daw siya ng mga Tulips sa mga Amerikano galing Netherlands. Paborito rin daw niya manghimas ng tiyan ng lalaki kaya't hilig niya ang mga chubby.

Si Tasya Pantasya (o si Tsupaeng sa entry ni Dabo) ay higit na kilala bilang isang expertong karinyoso ng mga lalaki. Nang siya ay unang magpakita kina Pinuno sa resthouse nina Pedok, bali-balita na naka-iskor daw siya doon sa artistahin nilang kainuman. Kahit si Darwin na maituturing na pinaka-gwaping sa Encantadia ay butata sa pinakitang galing ni Tasya Pantasya. Simula noon, lagi siyang inaasar na kaya lang niya nakuha ang binatilyo ay dahil pinakitaan ito ng limpak-limpak na mga credit cards.

Noong gabing kami'y nagkasama sa tagayan nakita ko siyang kaharutan si Ewok.

---

If there is something I learned about the new batch of guys joining our group, it is that you will feel their loyalty to Centurion/FireFox. From being challenged and later abandoned during our first run, he is now the undisputed leader of a very active thread in Guys4Men. He can block anyone who crosses his path, and can walk in places assured of an entourage behind his back. Things have indeed changed and as his long-time companion in the world of PLU cyberspace, I am happy that he finally found his place.

It was already 2 am. The biggest casualty during our liquor run was Bloiggster. Darwin fell as well. Good thing, there was a willing lap to catch his head. As Dabo slept in one corner and Luna Mystika was being looked after by Pinuno somewhere in the cottages downstairs, I realized that I was in an unfamiliar company. Good thing Tsupaeng was a great host and a master entertainer.

His stories would later change my way of seeing things.


El Tumbador.

-tobecontinued-

No comments: