Thursday, July 23, 2009

Usapang Console Games






Limang taon matapos ang panahon ng Batibot sa Channel 4; Dalawang taon bago ipalabas ang Ultraman sa Channel 2; Apat na taon bago nagkaroon ng Simpsons sa Channel 9 at Pitong taon bago kami kabitan ng Skycable sa bahay ay namulat ako sa aliw na dala ng Family Computer. Ang pinsan ko ang may sala. Grade Two ako noon. Palibhasa ay nag-iisang anak kaya't nang payagan akong magstay-over sa kanila ng mga magulang ko, buong pagmamalaking pinakita nito sa akin ang kanyang bagong-bagong Nintendo.

Doon nagsimula ang aking kaadikan sa computer. Mula Mario 1 hanggang Mario 3; pagkatapos naman noon ay Sega hanggang sa bilhan siya ng Super Nes ay lagi akong napapauwi sa kanilang bahay tuwing weekends. Dumating ang panahon na sa sobrang pagkahilig ko sa libangang ito ay halos hindi na ako umuuwi ng bahay tuwing bakasyon. Dito nagsimulang ma-badtrip ang aking tatay at dahil nga mas madalas ako sa bahay ng aking pinsan ay muntikan na akong mapalayas ng aming bahay. Natigil lang ang lahat nang magpasya ang aking tiyahin (na nanay ng aking pinsan) na bilhan ako ng sariling Family Computer.

Subalit hindi doon natatapos ang aking kaadikan. First Year High School nang ipasa ng aking pinsan ang kanyang Sega. Dahil doon ay hindi ko na-outgrow ang aking interest sa computer games, bagkus ay nag-evolve pa ito. Ngayong ako ay matanda na, PC games na ang aking libangan.

Bilang pagbabalik-tanaw sa simula ng aking pagiging techie, narito ang limang video games na naging bahagi ng kabataan ko:


Bubble Bubble (Taito, 1986)







Dalawang dragon na bumubuga ng soap bubbles sa halip na apoy upang ikulong ang mga kalaban nila sabay papuputukin. May kalabang balyena na kapag malapit na mag times-up ay nagiging higit na agresibo at nanghahabol sayo. May higanteng big boss na kulay green ang hood. Masasabi kong isa ito sa mga unang games na nalaro ko sa family computer.


Contra (Konami, 1988)






Up-up-down-down-left-right-left-right-B-A. Ang sinumang hindi gumamit ng daya upang matapos ang larong ito ay tunay na genius. Ang Contra ay tungkol sa dalawang commando na ang misyon ay i-infiltrate ang isang isla na pinamumugaran ng mga aliens. Kasama sa arsenal ng mga bida ang iba't ibang klase ng sandata na matatagpuan sa mga power-ups.

Isa ito sa pinakabayolenteng video game na aking nalaro. At ang katapusan kung saan matapos mo matalo ang final boss na hawig doon sa movie na Alien, ang buong isla na inumpisahan mo sa Level I ay magseself-destruct na tila ito'y hindi nag-eexist sa mapa.


Super Mario 3 (Nintendo, 1990)






Isang classic na masasabing epitome pagdating sa graphics ng Nintendo Family Computer. Malalim ang story line. Ang bawat levels ay divided into "worlds" at ang mga big boss ay matatagpuan sa mga air ships. Sino ang hindi makakalimot sa mga kalabang pagong na may pakpak; ang mga pipes na magdadala sa iyo sa mga sub-levels at ang mapa ng bawat worlds kung saan kailangang daanan ang bawat stages bago marating ang kastilyo ng regent na misyon mong iligtas?

Ito ang kauna-unahang laro na ginamitan ko ng strategy bago matapos.ang final stage. Oras ng Christian Formation Program sa school noon. Bagot at inaantok sa discussion ng teacher, pinagplanuhan kong mabuti kung ilang warp whistles, power ups at magic clouds ang kailangan bago maabot ang World 8. Ito ang mala-impyernong mundo ni King Coopa.

Hindi ko man matandaan kung saang mga stages matatagpuan ang mga items na aking kailangan pero alam ko kung saang mga worlds ko ginamit ang tatlong warp whistles upang marating ang huling level - Worlds 3 at 5 yun. Salamat sa shortcut, malaki ang natipid kong oras sa hindi pagdaan sa Worlds 3, 4, 6 at 7.

Dalawang linggo matapos kong gamitin ang aking strategy, natalo ko si King Coopa at na-rescue si Princess Toadstool sa kanyang kastilyo.


Aerobiz Supersonic (Koei, 1994)






Kung sa Super Mario 3 ako natutong mag-strategize upang matalo ang final boss, sa Aerobiz Supersonic naman una akong nagkaroon ng concept ng pagiging tycoon. Ang larong ito ang maituturing na precursor ng lahat ng "tycoon" games na sumikat sa PC.

Madali lang naman ang concept ng laro. Ang goal ay magtayo ng isang Airline at panatilihing profitable ang operations nito. Palibhasa ay kabilang ang Manila sa mga hubs na maari mong gawing base kaya't nagkaroon ng nationalistic appeal sa akin ang video game. Ang expansion ay nakakamit sa pamamagitan ng pagbubukas ng iba't ibang ruta (gaya ng Tokyo, Sydney at Los Angeles, kung mayroong budget ang kumpanya para dito) at pagbili ng iba't ibang model ng eroplano na maglilipad ng iyong mga pasahero.


Mayroon ring mga historical at hypothetical events (gaya ng unification ng East at West Germany o kaya naman ay Olympics sa Brazil) na nagbibigay ng depth at challenge sa mga manlalaro.


Sonic the Hedgehog 2 (Sega, 1992)






Kung si Super Mario ang standard bearer ng Nintendo, si Sonic naman ang mukha ng Sega. Sa graphics pa lang ay tiyak na ang pagiging classic nito pagdating ng araw. Sa mga hindi nakakaalam, si Sonic ay isang hedgehog na hawig sa mga porcupine. Gamit ang bilis sa pagtakbo at matutulis na spikes sa kanyang likod, ginagawa niyang bola ang sarili para hatawin ang mga robot na kalaban. Ang mga robot niyang kalaban ay pinapaandar ng mga hayop na bihag ni Dr. Robotnik. Sa bawat pagtugis ni Sonic sa mga robot na ito ay katumbas ang kalayaan ng kanyang mga kaibigan.

Naibigan ko ang Sonic 2 sapagkat sa unang pagkakataon ay nagkaroon siya ng sidekick. Palibhasa ay one player lang ang Sonic 1 kaya't nang dumating si Tails ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makasabayan sa paglalaro ang aking pinsan. Maraming oras rin kaming ginugol matapos lang ang bawat zones nito. Nang minsan pa nga ay inabot kami ng Bagong Taon sa paglalaro habang lahat ng aming mga pinsan ay nakapalibot at nanonood. Minsan naman ay sinasabihan rin namin silang magdasal huwag lang mamatay ang aming bida tuwing umaabot ito final stage.

Ang kabataan nga naman.

Pinili ko ang Sonic 2 bilang aking pinakapaboritong video game hindi lang dahil sa mga alaalang iniwan nito kung hindi dahil sa cinematic ending na siyang nagbibigay kabuluhan sa lahat ng sakripisyo at oras na nasayang masilayan lang ang makabagbag-damdaming katapusan nito.






Sonic defeats Dr. Robotnic for the last time and as his nemesis' Death Egg Fortress explodes above the planet's atmosphere, he jumps for his life uncertain if someone will catch him . In the newly-liberated grounds of Angel Island , Tails and the freed animals witnessed the explosion. This urged Tails to start the engine of his biplane for a daring rescue to save his friend.

As the instrumental song nears the end, we see Sonic floating in the sky. The clouds clearly visible, we see Tails' biplane emerging from below. His timely arrival saves his comrade from crashing to the ground. The final scenes show the two of them returning to the island and into the waiting animals eager to celebrate their freedom after being Robotnik's slaves.





12 comments:

gillboard said...

brings back memories. halos pareho tayo ng linalaro noong bata... difference lang, di ako nahilig sa pc games.. pang console lang talaga ako.. hehe

gentle said...

i miss mario brothers. hehehe. plus my uncle's name is mario too, and his sons, 3 brothers with whom i regularly fight over on the issue of who will be the first to play mario brothers on the family computer; ang irony lang, kanila yung family computer, hindi saken. hehehe.

Anonymous said...

Ngayon ko lang naintindihan ang istorya ng Sonic the Hedgehog. Never looked at it that way except as a game.

WV: katishi

Anonymous said...

isang warp flute lang ang nakuha ko througouht the game and magic cloud pala ang tawag sa white object na yun na parang tooth na pede mo gamitin para lampasan yung isang stage. if i recall, goomba ata name nun, di ko sure. and hindi ko ata natapos ang super mario 3 dahil ang hirap.

pati sonic di ko din ata natapos. mas trip ko kasi mga versus mode na games like street figher.

WV: Pardedi. Short siguro for "pare, padede". hahaha.

Cubaoboy said...

wow na adik ako dati sa bubble bubble.

Mugen said...

CubaoBoy Ganun talaga pag hindi nalalayo ang mga edad natin.

Maxwell Goomba yung pangalan nung kauna-unahang monster na aapaakan mo sa world 1-1. Sa world 1-3 saka dun sa unang fortress may shortcut papunta sa warp whistle. nakalimutan ko kung saan nakatago yung pangatlo. Hehe.

Paano ba namin natapos ang sonic. Hayun kasi nga tag-team kami ng pinsan ko

Tigang ka no dude? Hahaha.

Mugen said...

Raffy Expanding your perception of a video game makes it more appealing to play. Laro tayo Sonic, pakita ko sa iyo ang ending. Ehehe.

Gentle Angas ah. Nakikipag-away para sa controller na hindi naman sa kanya. :P

Gillboard Nagkataon lang na wala akong pera (at dahilan sa aking mga magulang para ibili ako ng sony playstation) kaya naudlot ang aking evolution.

Kumbaga, nagbranch out ako at nagtake ng ibang path towards becoming techie.

Lyka Bergen said...

Hanggang PacMAn lang ako.

Mugen said...

Miss Lyka Weh, kung alam ko rin naglaro ka ng Contra noon. LOL.

period said...

love ko yung lahat ng games na yan,lalo na yung mario 3.in fact, naginstall nga ako nun sa aking psp kaya natatawa ang mga nakakakita ng mint green kong psp na mayruon akong mario 3...

weirdo lang talaga ako siguro pero bakit ganun yung details ng ending ng sonic two..may kirot ang pagkakadetalye..hmf

Jinjiruks said...

ahaha. mario3 the best platform game nung 90s. kaka-adik ang game na yan.

ako naman halos mga japan import games nilalaro namin. para maiba naman. kapa-kapa lang sa controls.

mula grade.3 sa kapanahunan ng game n watch, dun nagsimula kaadikan ko sa video games hanggang sa ngayon, napunta na sa Playstation at Online games!

Mabuhay mga gamers!

wanderingcommuter said...

solid ang contra!!!