Tuesday, July 7, 2009

Proxy





Dala ng walang magawa, naisipan kong magpatianod sa chatrooms ngayong hapon. Ugali ko na ang ganitong diskarte sa tuwing ako ay libog at naghahanap ng pamatay oras.

Maraming tao ang makakasalamuha mo roon. Lahat ay iisa lang ang pakay. May mga ilan na naghahanap ng "seryosong" relasyon, subalit ang unang hihingin sa iyo ay ang iyong face-pic. Yung iba naman, diretsahan kung mag-advertisement. Sex kung sex. Mas demanding kapag ang binata ay may sarili niyang place.

Mabagal ang takbo ng oras. Mismong ako ay di-sigurado kung ang pakay ko ba ay sex, o sadyang nagpopower tripping lang. Isa sa mga nakilala ko kanina ay isang chatter na ang pangalan ay susumoko. Ang gandang chat handle! Bagay na bagay sa channel na kanyang pinasukan.

Sa aming pag-uusap, nalaman ko na seryoso magpa-suck itong si susumoko. Kahit ako ay pilit niyang ineenganyo na bumigay sa kanyang imbitasyon. Nang hiritan ko siya na dapat may kissing kung pagbigyan ko ang kanyang hiling, tumiklop ang binata. Doon natapos ang aming maikling landian sa private chat.

Bumalik ako sa main channel upang maghanap ng sinuman na malapit sa aking kinalalagyan. Mayroong mga naghangad na ako ay tagpuin, subalit sadyang hindi buo ang aking kalibugan upang puntahan ang kanilang lugar. Lubos akong naging mapili sa dahilang hindi ko talaga ma-gets at sa direksyon ng aking mga pakikipag-usap, malamang-lamang na wala akong mapala.

Habang nag-aabang ng bagong dating, napansin ko na nag-advertise sa main channel si susumoko.

"susumoko: <---------- 26 years old, 5'6, lean. yung trip akong susuhin, i-mack lang ako."


Nakalimutan ko na ang kanyang mga eksaktong sinabi, subalit dahil naramdaman ko ang "manly" factor ng bagsak ng kanyang salita, alam kong bebenta ito. Nakaisip ako ng magandang ideya. Mula sa chat handle na blacksaturn, pinalitan ko ito malapit sa pangalan ni susumoko.

"Suckmoko: -----------------> pa suck ako tol. basta may place 5'9 moreno muscular chinito"

Gusto ko pa sana idagdag ang mga salitang astig, barako, brusko at basagulero. Ewan ko lang kung hindi bumaha ang mga imbitasyon sa akin.

Subalit sadyang malibog yata ang mga chatters ngayong hapon. Sa dalawang beses kong paggamit ng ad na iyon sa main channel (ang una kong advertisment ay "ust-espana anyone") mabilis pa sa alas-kuwatro ang pasok ng mga imbitasyon sa akin.

"Ganito pala ang hot dito sa chatroom." Bulong ko sa sarili.

Iba't iba ang mga imbitasyon at private message na aking natanggap. Marami ang nanghihingi ng litrato. Ang ilan, dedma na sa litrato, place na kaagad ang offer. Doon ko narealize na it takes an attitude to get noticed. Maangas ka, Aggresibo ka, kababaliwan ka ng lahat. Pati si susumoko na ninakaw ko lang ang ideya ay hindi napigilan mag-mack sa akin. Kung puwede daw ba na magtsupaan kami one time. Sa loob loob ko, "bumigay ka na pare."

Isang sabi ko lang ng "oo" at tiyak na sa kama ng iba ang aking bagsak. Ang mga hindi lang yata bumigay ay yung mga top na singtaas ng PBCom Tower ang ihi, o yung talagang hustler na sa chatting at alam na istir lang ang aking ginagawa. Hindi ko alam kung higit na magiging mabenta ang aking advertisement kung sinamahan ko pa ito ng litrato, ngunit kung ilalagay ko ang aking sarili sa sitwasyon ng nagmamack, sa tono pa lang ng salita ni suckmoko at sa kanyang projection ay tiyak na makikipagkumpitensya rin ako para sa kanyang atensyon.

---

Men like us needed someone who would appear tougher and more confident than what we could ever be.

---

"Dito ako sa Bambang. Motel tayo. Sagot ko." Hirit ng isa sa aking mga kausap.

"Ano tol. Kahit sa sinehan lang. Preview sa maaring mangyari sa ating dalawa. Hehe" Hirit naman sa akin ni susumoko.

"Punta ka ng GMA. Gawin natin sa CR." Hirit pa ng isa. Sinumang makakapansin sa ngisi sa aking mukha ay makakaramdam ng yabang.

"Sige motel tayo. Punta ako sa iyo."

"Number mo parekoy?"Bato ko ulit kay susumoko na nasa kabilang window.

"0918xxxxxxx"

"0918xxxxxxx" Binigay ko ito sa lalaking nag-aaya magmotel.

"Salamat. Kitain kita sa Bambang Station. Alam mo yun diba?"

"Oo."

"Ano pangalan mo tsong." Muli kong tanong kay susumoko, na sa mga oras na iyon ay nangungulit na sa aking number.

"Zandro." Mabilis niyang sagot sa akin. Ito rin ang pangalan na binigay ko sa tiga Bambang.

"Log out na ako." Ready na sa aksyon si Bambang Boy.





"Ayos tol. Binugaw na kita."

"Binugaw?"

"Abangan mo na lang text ng ka-sex mo." Sagot ko kay susumoko.

Hindi pa man siya nakakareply, nagpasya na akong maglog-out sa MIRc. Hindi man nauwi sa sex ang aking pagchachat. Higit naman akong nalinawan at naaliw sa ugali ng mga tao roon.




16 comments:

Aris said...

mag-matchmake ba? friend ang naughty mo hehe! pero nakakatuwa. may naalala akong novel ni sidney sheldon sa ginawa mo. :)

ika said...

takot talaga ako sa mga ganyang bagay. lalo na ngayon may tulad mong malakas ang trip. tsk.

hahahahah

Yj said...

ahahahahaha.... ang bad mo hehehehe

super naughty boy!!!! dapat ka paluin sa pwet.....

@ Aris... hmmmmmmmmmm hindi ko maisip kung anong sidney sheldon novel yan......

Jinjiruks said...

yang MiRC ang dapat sisihin kung bakit naging ganito ako. hehe! salamat kay #bi-manila, kay #bi-ateneo

Cloud Strife said...

minsan lang ako nakakapasok sa chatrooms, at malamang sa hindi, nakikibasa lang ako ng mga chats nila.

pero cool yung pag match make mo ah. haha

<*period*>; said...

aliw!!heehehehehe

Knox Galen said...

Period: Ayus ba?

Cloud Strife: Nagkataon lang yun. Diversionary tactic ika nga para kalimutan ko ang isa pa sa mga posibleng motibo ng pagpunta ko roon.

Jinjiruks: Tiga Ateneo ka pala?

Knox Galen said...

YJ: Ikaw paluin ko sa puwet diyan eh. Mauwi pa tayo sa S&M Lol.

Ika: Napupunta ka sa #salsalan at naghahanap ng hook ups? Parang di ko yata maimagine.

Aris: Kapilyuhan lang yun. Iba pa yung naughty. Heheheh.

Jinjiruks said...

nde po, madalas sa channel na yun sa mirc nung kasikatan niya late 90's to early 2000

Knox Galen said...

Jinjiruks: Sa #Manhood, #Mansoc #Fluids naman ako. Hehehe.

gillboard said...

may mirc pa pala?

Aris said...

@yj: til tomorrow comes. yung sabay siyang nakipaglaro ng chess sa dalawang grandmaster. :)

wanderingcommuter said...

nagstrike back ka na naman... complication alert na naman ito! hahaha.

<*period*>; said...

bro, if ever you'd want to go to coron, ill help you out..i can coordinate para tiyak na maeenjoy mo yung pgpunta mo dun...tip:mdli at sulit ang deals ng cebu pacific..

nga pla, salamt sa payo mo dun sa post ko na 'it sucks to be me'...i now have a laptop and kahit papaano i feel better...

yung comment mo po dun ang plgi kong bnbasa when i feel down..sbyn pa ng kanta ni whitney na i didnt know my own strength

Knox Galen said...

Gillboard: Yup, buhay na buhay pa. Pero sex lang ang naroon. Wala na iba.

Ewik: Strike back yeah. Complication a big NO. We did the right decision.

And somehow, I got a slice of reward for it.

Period: I'm glad it helped. Cheer up dude. Remember, the troubles you bear is also the troubles I bear.

Nagkataon lang na mas experienced ako sa iyo.

Marahil, mas marami pang peklat sa mga pinagdaan ko maipagkaloob lang ang aking puso.

xtian1978ii said...

MIRc hahaha