Monday, November 9, 2009

FX

Nananakit pa ang aking kasu-kasuan nang lumabas sa gym kanina. Araw ng buhat ngayon at inaasahan na ang isang matinding work-out. Sa loob ng isang oras ay natapos ko ang program. Palibhasa'y mainit-init pa ang katawan kaya't naisipan kong magshower muna. Pagkalabas ng shower room ay tiningnan ko ang oras sa cellphone. Alas singko pa lang. Maari pa akong magliwaliw. Hindi ko kinakaila na naisipan kong bumalik sa dating tambayan. Wala naman kasing nangyari noong nakitulog si Orion sa kuwarto.

Iniwan niya unresolved ang mga diskarte ko sa buwan ng kabilugan.

Ngunit at the last minute, nagbago ang ihip ng hangin. Sa Disyembre pa pala nakaschedule ang susunod na Thor-Jack. Pinangako ko pala noon na paninindigan ang quota upang hindi dumami ang nakakaaway sa kama. Justify Full
Naglakad ako sa kahabaan ng Shaw. Tinatamad mag-jeep kaya't nag-abang ako ng FX na magdadala sa akin pauwi. Lahat sila ay puno. Badtrip. Naglakad pa ako ulit. Tiyempong may FX na kaunti ang sakay na parating. Pinara ko ito't sumakay sa gitnang upuan nito. Dalawa ang makakatabi ko. Isang matabang babae, at isang binata na halos kasing edad ko lang. Noong una ay walang pakielamanan. Tamang biyahe lang. Ang kaso mo, sumulyap si binata, napatingin sa aking kakisigan.

Huli ko siya sa akto kaya't lumabas ang aking pagkapilyo.

---

Tinuturing kong uncharted territory ang landian sa public places. Kelan lang ba ako natuto nito? Wala pang dalawang taon simula nang magpaganda ako ng katawan. Nangyari ang first experience ko sa loob ng isang bus. Galing ako sa isang job interview sa Makati at tiyempong nakatabi ang isang morenong lalaki. Noong una ay para lang kami natutulog, ngunit naramdaman kong gumalaw ang kanyang kamay at dumaplis ito sa aking braso. Ayos lang sana kasi hindi naman ako nagbabalak gumawa ng first move. Pero nang biglang kinuha niya ang aking kamay at pinatong sa ilalim ng kanyang bag, direct hit ang kanyang putotoy. Mataba ito at mukhang galit sa aking panlalapastangan. Kuntento na ako sa ginagawa namin. Wala akong balak kunin ang kanyang number o kaya naman ay sumama sa kanyang tinutuluyan. Kaya't nang huminto ang bus sa kanto ng Pedro Gil at Taft. Dali-dali akong tumayo at bumaba na tila walang nangyari. Naiwan tuloy si binatang manyak na bitin at nag-iisa.

---

Mabilis ang mga pangyayari sa loob ng FX. Inantay ko lang na makadalawang sulyap si binata at kaagad kong dinantay ang kaliwang braso sa kanyang makinis na balat. Palaban ang lalaki. Bumawi ito nang banggain ng kanyang binti ang aking binti. Pagkatapos ng banggaan ay naglapat ang aming mga braso. Lingid sa kaalaman ng aming katabi na kami ay naglalandian. Pasimple kung ako ay makipagkiskisan ng katawan. Noong una ay parang wala lang. Pero sa muling sulyap ko sa kanyang maamong mukha, at nang hindi niya bawiin ang mata sa akin, alam kong may kinakati sa aking tabi.

Ang hindi ko lang malaman ay kung paano niya ako natunugan.

---

Kalahating taon ang nakalipas matapos ang insidente sa bus, muli akong nagkaroon ng close encounter sa loob ng pampublikong sasakyan. Maulan ng araw na iyon. Malamig ang paligid. Nakasakay ako sa harap ng FX biyaheng Megamall nang may isang barakong binata ang umupo sa aking tabi. Noong una ay walang pansinan. Pareho kaming nakatingin sa malayo habang iniintay makarating sa aming pupuntahan. Palibhasa'y basa ang damit at nilalamig, naisipan kong gitgitin si binata. Patay mali akong dumantay sa kanyang maitim na braso makaramdam lamang ng init nito. Napansin ito ni binata at pasimpleng ngumiti sa akin. Ang dantayan ay nauwi sa kiskisan. Hindi ko kinaya ang tensyon, nanginig ang aking buong katawan. Napatigil si Binata at napatanong.

"Okay ka lang tol."

"Basa ako kaya nilalamig, pasensya na kung nanginginig ako." Sagot kong may bahid ng hiya sa aking mukha.

Nakarating kami ng Megamall na alam na ang trip ng bawat isa. Subalit dahil masama ang pakiramdam at nakaschedule makipagtagpo sa kaibigan, bigla kong tinalikuran si binata pagkalabas namin ng sasakyan. Nang lumingon ako sa kanyang kinatatayuan. Nakatingin ito sa akin, marahil ay nahihiwagaan kung bakit bigla akong nawala.

---

Inunat ko ang aking mga binti at sinandal ang ulo sa kinauupuan. Ganoon din ang ginawa ng aking katabi, habang patuloy ang kiskisan ng aming mga braso. Pansin ko ang pagdiin ng bag sa kanyang sentro. Halatang matigas ang nasa ilalim noon. Malapit na sa JRU ang aming sinasakyan habang ako naman ay tinatablan na ng libog. Panay kasi ang kanyang himas sa aking binti. Kaunting udyok pa't hindi na ako nakapagpigil. Inangat ko ang mabigat na bag na nakandong sa aking harapan at hinayaan na dahan-dahang gumapang ang kanyang kamay patungo sa nais nitong paglingkuran. Sa aking sentro, kung saan nag-iintay ang isang Cobra sa kanyang mga hagod, umaasa akong matutuwa siya sa aking alaga.

Mabagal ang kamay ng binata, halatang ito'y nagdududa sa kanyang ginagawa. Nainip ako sa kanyang galaw. Masyadong itong nagdadalawang isip. Kaya hinawakan ko ang kanyang kamay sabay hila nito papunta sa aking umbok. Malugod ang kanyang pagkakapisil. Mahigpit, nakakapangungol, nangsasalsal.

Bigla ko tuloy naalala ang lalaki sa bus dalawang taon na ang nakakaraan. Minsan na akong naglingkod sa amo ng iba.

Panahon naman na sila ang maglingkod sa aking pinuno.

---

Marami na akong naririnig na ganitong mga kuwento. Mga lalaking kapareho ko na sing-tigas ng bakal kung makipagsapalaran sa ngalan ng karnal na pangangailangan. Sa Quiapo, malapit sa Hidalgo, isang nilalang ang harapang nag-imbita sa akin sa kanyang lugar ilang buwan na ang nakaraan. I-fuck ko daw siya, lalo't mukhang ako'y may ipaglalaban.

Pasado alas diyes ng gabi noon. Pauwi na ako ng bahay nang maisipang dumayo sa bilihan ng mga piniratang dibidi. Natagpuan ko siyang nakatayo sa katabing stall. Patingin tingin kung kani-kanino, waring sumusulyap kung sino ang kakagat sa kanyang pagpapapansin. Nagkataong nagkalapit kami ng kinatatayuan. Pareho ang naging tema - sa dikitan ng braso nagsimula ang labanan - natapos ito sa diretsahang imbitahan.

Ginawa niya ang lahat para ako ay mapapayag. Naroong pumasok daw kami ng Jollibee upang mapakita ang pag-aaring kanyang pinagmamalaki. Naroong pisilin niya ang umbok sa aking pantalon at sabihing ilang kanto lang ang apartment kung saan naroon ang kanyang kuwarto.

Muntikan na niya akong mapapayag. Sino nga naman ang aatras sa palay na sinasaboy sa iyo. Subalit sa isang iglap, umiral ang aking pagkagago.

"Dude hanap ka na lang ng iba. I'm saving myself for someone else."

Malamig ang kanyang pagtanggap sa aking desisyon.

---

Mabagal ang takbo ng FX. Tila ito ay nakikikuntsaba sa paguulayaw ng mga kamay ng dalawang nilalang. Naidlip akong kadaupang palad ang aking kalaro. Nang muli akong magising, binalik ko ang kamay niya sa aking umbok. Hinayaan ko itong ako ay pisilin, paglaruan at pagsawaan.

Haliparot lang naman akong tunay,

na madalas ay nagmamalinis lang.

Ni hindi sumagi sa aking isip ang mahuli o kaya naman ay pagbintangang gumagawa ng eskandalo. Wala na sa akin ang makaramdam o kaya naman ay isipin ang mga mangyayari matuloy man ang napipinto naming pagtutuos. Tanging ang mga tanong na "effem" kaya o "top" kaya siya ang tanging naglalaro sa aking isipan. Magkamali man ako ng assessment, tangina, handa akong magpaubaya makaraos lang sa libog na nararamdaman.

---

Bumaba ang aming katabi sa kanto ng V. Mapa at Ramon Magsaysay. Lumayo ang binata at pumuwesto sa kabilang dulo ng aming upuan. Nilihis nito ang kanyang damit, at buong tapang na pinakita ang kanyang alaga. Katakam-takam ito. Ang sarap pagtripan. Oo nga naman. sa nais kong ako ang kanyang pagsilbihan, nawala sa isip ko na siya rin ay may matinding pangangailangan.

Ngunit sa kabila noon ay umiral ang aking pagkatuso. Sa halip na hawakan ang kanyang nakabuyangyang ay ngumiti ako't tumingin sa kabilang direksyon.

Bahala siyang magsalsal ng sarili niya.

Isang flyover bago ang aking pagyao, nilabas ko ang telepono at pasimpleng inabot ito sa aking kabaro. First time, kumuha ako ng number ng iba. Improving na ako. Mabilis ang pindot ng kanyang daliri. Marahil ay alam niya ang napipinto kong pagbaba. "Ma, para." maangas kong pagkasabi sa driver. Tinabi nito ang sasakyan malapit sa istasyon ng tren sa may amin.

Bumaba ako ng hindi tumitingin sa aking katabi. Hindi ko namalayan, sumunod pala ito sa akin. Nagkausap, nagkaalaman ng bawat motibo. Nalaman ko na sa kabilang kanto lang pala siya nakatira, nanunuluyan sa pamilya at interesado akong maikama.

"Wala akong place tol eh. Pasensya na..."

"...O sige hanggang dito na lang. Text text parekoy."

"Punta kamo ikaw saan? Maglalakad na sana ako papalayo nang marinig ang kanyang pahabol.

"Sa Chowking. Mag-C-CR lang."

Nangiti ako sa kanyang sagot. Basa ko ang kanyang pahiwatig salamat na rin sa mga kuwento ng iba na nakaabot sa akin. Sa totoo ay minsan na akong nagkamaling gumawa ng milagro sa lugar na iyon. Sa isang malaking ospital kung saan namamasukan ang aking nakatrip, doon namin pinagsaluhan ang rurok ng kaligayahan.

Bunga nito ay malawak na ang aking pang-unawa upang hindi magkamali ng isasagot.

"Sige tol, ingat na lang." Huling paalam ko sa kanya.

Naglakad ako papalayo. Hindi na ako lumingon sa kanyang kinatatayuan o kaya naman ay magkaroon ng oras pagsisihan ang aking pang-iiwan. Hawak ang telepono, hinanap ko ang kanyang pangalan sa listahan ng aking mga contact. Nagmuni-muni at muling umalala...

Kelan ba nagkaroon ng magandang simula ang hawakan ng mga burat?

Nakarating ako ng bahay.

Burado na ang number ng kalaro ko.

10 comments:

June showers said...

Harot...hahaha

red the mod said...

@June Showers I second that!
(This is a milestone. This must be my shortest comment to date. Hehehe.)

But seriously, the choice to do what is emotionally fulfilling over the carnally gratifying is gargantuan for most. It is never a question of right or wrong, but rather of right-now. What holds more value in that moment when temptation warps her livid fingers.

Kudos! And in fairness, ang market value tumaas. Hehe.

PILYO said...

humabol ang kalibugan ng buwan heheheh.

gusto ko tuloy magkwento kaya lang, wala akong kontrol baka ma-MTRCB ulit ako hahahaha.

engel said...

parang gusto kong maniwala dun sa sinabi mo sa taga-quiapo kaya di mo pinatulan yung nakasabay mo sa FX.

it's funny but i remember reading almost all of the flashback stories you've recounted in this post.

looking back, i think you're the 2nd or 3rd blog friend i've met in the blogosphere. =)

xtian1978ii said...

apir tol

kakaiba ang pakiramdam sa public lol

magkukwento din ako niyan

panalo ka kase ako yoko humipo, sila na lang

Maxwell5587 said...

isa yan sa mga di ko pa namamaster. ang makipaglaro sa public. hahaha. it's either di ako sure kung tama readings ng radar ko or di ko lang talaga trip, hehe.

Herbs D. said...

hindot. you have to teach me on how to flirt if the guy is infront of you- not next to youuuuu lol

DonCabalyero said...

parang iba ang excitement na nakukuha pag sa publicplace.. hehe!

Yj said...

hahahaha ngayon lang ulit nakabalik at ito ang unang mababasa ko? kaloka... nakakapag init.... hihihihi

i swear hindi ko kakayanin sa fx... sa bus pwede pa.... haaaaaaaays masubukan nga minsan....

free spirit said...

hahahaha.... kahit anu jan.. wala pa akong nagawa.. hahha.. ang harot mo tol...virgenna vergin ako..