Sunday, November 22, 2009

Blame It On The Weather






I must agree, those kids are getting hotter!

Hot # 1

Si Sam Gilbys. Sawi sya sa pag-ibig, isang lingo pa lang syang iniwan ng kanyang partner na si “toooot” (bawal mag drop ng name baka ma-nuno sa punso) ay tila yata hindi ininda ang pag-aabandona sa kanya. Tanong ng mga lamanlupa….. SAWI BA SYA? Eh bakit hot sya! Blooming si Sam ngayon, lumiit ang tyan, gumanda ang katawan, at kuminis ang mukha. Ang inaasahang Sam Gilbys na bubulaga samin sa tagayan ay dugyot, malalim ang mata at may maitim sa tagiliran na mistulang si Edward Cullen. Pero bakit? Bakit gwapo at hot siya ngayon?

Magaling lang talaga sigurong magdala ng problema itong si Sam Gilbys. Duguan ang kanyang puso ngunit puno ng sigla kanyang pisikal na katawan. Hmmmm. That makes him HOT ! (clue: he has the most gorgeous face among kutonglupa!)


---


Hot # 2

Si Gerald Anderwear. Isa syang kutonglupa na under species ng lamanlupa. (wala akong panahong iexplain ang difference ng lamanlupa sa kutong lupa, kaya nga nosebleed noh). Pero itong si Gerald super hot kagabi. Simple lang ang kanyang porma. Tahimik ngunit malalim. Hmmmmm… Dyosa ha? Gwardyahan mo yang si Gerald, baka may mangarir dyan at mahagupit mo na naman.

Pero in Fairview, itong si Gerald, gwapo naman talaga. Ngunit sa pansamantala nyang pagliban sa tagayan, ang bumuluga samin ay gwapong Gerald Anderwear ! Gumanda ang kanyang katawan, kuminis ang mukha at HOT tingnan, oo hot sya hehehe. Magbibigay na ako ng clue kasi hindi matatahimik ang Mahrk at Bloiggster. Siguradong mag-ooverseas call sila , gagastos ng dolyares sa telepono, mang-aabala sa mga trabaho namin, mangungulit para lang malaman kung sino ang HOT na to.

Clue: He’s wearing eyeglasses. Ayan Mahrk at Bloiggster ha? Pag hindi nyo pa nakuha yan, naku! Pagdududahan namin na ang inyong UP Diploma ay made in Recto!

I guess all that we're saying is we missed your company

And we're glad to have you back.