Isa na akong ganap na grade school pupil noong unang makabasa ng Funny Komiks. Tinitinda ito sa isang news stand malapit sa aming lugar. Noong una ay hindi ko ito pinapansin. Palibhasa kasi ay sobrang adik ako kay Ultraman at masyado niyang binigyang kulay ang aking otistik na buhay.
Lahat ay biglang nagbago nang minsang makatiyempo ng back-issue ng Funny Komiks. Nabili ko yun sa isang matandang babae (if my failing memory serves me right) na nagbebenta ng mga lumang Hiwaga, Aliwan at kung anu-anu pang komiks na sikat noong panahong iyon. Kalimutan mo na si Eklok at pati ang Planet Op Di Epys, pero sa unang basa ko sa isa sa mga comic strips sa issue na aking nahawakan, men! Nainlab kaagad ako sa istorya.
Ang tinutukoy kong comic strip ay si Combatron. Tiyak na marami pa ang nakakaalala sa superhero na ito. Doon sa mga kids na hindi makarelate, medyo nosebleed ang magbigay description sa aming pop culture icon. Paano kasi ay si Combatron ang local version ni Rockman na isang video game sa family computer. Samantalang ang istorya naman ng aking super hero ay sinunod sa mga kaganapan sa anime na Voltes V.
Tuwing Biyernes ay nakaugalian ko na ang gumising ng mas maaga para makipagunahan sa mga bata sa pagbili ng Funny Komiks. Naroong magsto-stop over kami ng aking tiga-hatid sa Banawe dahil madalas ay sarado pa ang tindahan ng komiks sa Espana. Pagdating sa school, minsan ay tinatago ko ang comics sa loob ng aking sando. Hindi bale na ang pagpawisan, ang mahalaga ay mabasa ko ang karugtong na issue ng Combatron.
Sa loob ng ilang taon ay sinundan ko ang mga kaganapan sa mundo ng aking super hero. Naroong namatay si Askal sa kamay ni Diaconda at pumalit si Dobbernaut. Nagkaroon ng civil war sa Omicron at sinamantala ito ng ating bida upang tagpuin si Axel at Metallica. Namatay si Alchitran at muling nabuhay sa katawang bakal ni Deathmetal. Natalo si Pinunong Abodawn sa isang laban na siya nitong kinamatay. Pinasabog ni Komikus ang Omicron. At sa huli ay nabunyag ang nilalang na siyang naglikha kay Deathmetal.
Sinundan ko ang istorya ni Combatron na parang isang groupie. Hanggang Baguio, kung saan minsan kaming nagbakasyon ay hindi ako nagpaawat makahanap lang ng newstand kung saan may nagtitinda ng Funny Komiks. Dala ng pagiging ma-senti, tinabi ko ang lahat ng komiks na nabili sa halip na ipamigay sa iba. Taon pa ang lumipas, naging dragging na ang istorya. Pati si Berlin Manalaysay na siyang may akda ng strip ay nawalan na rin ng gana. Hindi ko namamalayan, nagbabago na ang panahon. Kaya pala dumadalang ang aking pagbili ay dahil sa katotohanang,
Ako ay tumatanda na.
Ako ay tumatanda na.
Hindi ko nalaman kung ano ang naging katapusan ng Combatron. Maging ang kababata kong minsan ay nakisabay sa mga trip ko ay biglang nagbago nang ito ay makabuntis ng kanyang syota. Fast forward into the future. Nauso ang internet at sa aking pagbabalik-tanaw sa nakaraan, naisipan kong i-google kung merong ibang tao na higit na mas naging adik kesa akin.
For a time, mukhang nag-iisa lang ako sa cyberspace. Malabo ko na yatang mabasa ang lahat ng issue ng kaisa-isang comic strip na aking sinundan hanggang pagtanda.
Subalit isang madaling araw noong nakaraang buwan. Habang ako ay abala sa pagmomonitor ng mga ahente, isang ad ang aking natanggap mula sa isang fan page sa Facebook na kasalukuyang sinisilip ko noon.
Iyon ay isang imbitasyon para sa isang blog kung saan lahat ng issues ng Combatron ay maari mong mabasa.
---
Mabilis ang aking pagpapakilala. Pinahayag ko ang aking hangaring punan ang mga issues na wala ang mga may akda.
Isang linggo matapos madiskubre ang
Nagkasundo ang mga may-ari ng blog na isali ako sa kanilang munting alyansa.
Pahirapan man ang pagsca-scan ng mga litrato. Ngayong gabi ang simula ng aking pagbabahagi.
Iyon ay isang imbitasyon para sa isang blog kung saan lahat ng issues ng Combatron ay maari mong mabasa.
---
Mabilis ang aking pagpapakilala. Pinahayag ko ang aking hangaring punan ang mga issues na wala ang mga may akda.
Isang linggo matapos madiskubre ang
Project Combatron Blog
Nagkasundo ang mga may-ari ng blog na isali ako sa kanilang munting alyansa.
Pahirapan man ang pagsca-scan ng mga litrato. Ngayong gabi ang simula ng aking pagbabahagi.
20 comments:
Haha. It's been ages since I last saw Funny. Kamusta na kaya si Nik Nok?
mayruong nabibiling murang scanner.
maganda ang quality
at maliit lang
magtanong ka sa cdr king
wala pa siyang dalawang libo
planet op d eyps po ata iyon
at oo, si niknok na palaging hindi tama ang pagsusuot ng tsinelas
OMG!!! Inabangan ko din yang funny komiks! Combatron! I love it.
ANong link nung blog sir?? Heehhee Na excite naman ako. :-)
Rjpebs:
projectcombatron.blogspot.com hope my discovery will put a smile on your face dude.
:)
Period:
salamat sa suggestion. Heheh makikigamit na lang ako ng scanner sa labas. Or magbabayad. Hindi naman ganun ka-essential sa akin ang scanner.
Tristan:
Hoy mas matanda ka lang sa akin ng ilang taon so alam mo ang Funny Komiks. I think they had a wrap-up. Eventually, hindi sila nakapag-adapt sa market changes ng next generation.
I was young, had very few friends. It was the perfect excuse to stay indoors, and get lost in a world devoid of the realities of the one I inhabited. I do remember that first issue.
Hung on a wire with a clothespin holding it up. It was a local variety store that sold merengue and cornix, across the scrambol cart at the local marketplace. I would look forward to Sundays after mass so I can coerce my parents to pass by the market for lunch, and incidentally pass this particular store.
I was young. Life was simpler.
Askal was my first attempt at sketching, that ignited a lifelong love affair with the world of graphics. I kept at it, perfecting each line to embody his essence. I failed, tried again. Soon I could sketch well enough to draw complete spreads like a copying machine. Back then, I haven't heard of manga. Funny Komiks was one of the high points of my week. Besides walking alone at the park on weekends.
Years later, I would entrust my collection to my kid brother, who would later on entrust it to a younger cousin. It never stayed in my hands, it was meant to be shared. And Project Combatron is doing exactly that, for future kids and to us who refuse to forget.
Because although times may change, our inner child never dies. Thanks for posting this Joms.
Will you guys let me have the honor of designing a banner for the library?
SIGE, kaso kung susumahin mo ang magagastos mo, mukhang mas mura pa rin ang scanner ng cdr king
(ang kuripot ko talaga..bwahahahaha)
Of course! I'm smiling now! :-D
Thank u!
Thank u!
Thank u!
Its always fun to remember the good times. heeeheee!
huwaw... may copya ako niyan... kumpleto ako niyan... huhuhu!
basta ako si axel, pwede din metababe! hahaha!
sana meron din magganyan sa Force One Animax. Yun yung favorite kong binabasa noon sa Funny Komiks.
tsong salamat sa link. finally mababasa ko ulit at masasariwa ang alaala ni combatron. sana meron ding eklok, pitit at planet opdi eyps.
Period:
Hindi naman kasi ako required na magcontribute madalas kaya okay lang. Besides, maari naman ako maki-scan kung talagang kinakailangan. Hehehe. Salamat sa suggestion. ;)
RjPebs:
Walang anuman. I'm glad you liked it.
Wiwik:
Daliii. Baka meron ka nung issues na wala dun sa collection. I-add natin para naman makatulong ka sa mga batang naka-miss ng ibang issues ng Combatron.
Engel:
Force One Animax? Yun ba yung nauna sa Combatron? Masyado pa yata akong bata nun tol. Lol.
Jinjiruks:
Walang anuman. Nostalgia appeals. Hindi lang natin inaamin. Ehehe.
Red The Mod:
Wow! Seems like this entry struck a chord in your memory. It's like an entry within a comment and I liked it.
I agree. Maybe the reason why people like the (real) authors of project combatron have put up a blog site for the hero is because they wanted to share something that has profoundly affected their childhood.
Now I recall, even when classes are suspended (because of a storm or something) I'd still ask the maid to go the the news stand to look for the newest issue of Funny Komiks. The sheer pleasure of reading the latest episode of Combatron over a glass of milk and Lucky instant pancit canton with hard-boiled egg made that cold, rainy morning extra special. No wonder, I still remember the moment almost two decades later.
Thanks for sharing dude.
Salamat Galen sa contribution mo sa Project Combatron.
Maraming sumubok na i-compile lahat ng scans sa isang site, pero hindi masimulan. May nagpakilala sa akin noon si Pyrolactus, reader ng fancomics ko - Combatron: Space Warrior, na may planong ilagay sa sarili niyang website ang lahat ng scans niya hinihintay na lang niya na makumpleto ito mula sa ibang fans bago nya ipublish lahat. Ayaw niya ipost ito hanggat hindi kumpleto.
Kaya naisipan ko na lang gumawa ng panibagong blog dahil patapos na rin noon ang fan comics ko - Project Combatron na ang objective ko ay mapagtulung tulungan ng mga fans na mabuo ang lahat ng scans ng Combatron. Sinimulan ko, mula sa mga scanned comics na na research ko sa net. Dahil wala naman akong kopya na ng Funny Komiks (naiwan sa dati naming bahay).
Nakilala ko si Pinoy Verse, isa ring graphic artist na nagbabasa sa Combatron: Space Warrior, sinabi nyang tutulong siya sa pagcontribute sa Project Combatron.
Nakilala ko rin si Galen, reader din ng Combatron: Space Warrior at nabasa nya ang nasimulan ko sa Project Combatron. Siya ang pinakamaraming nacontribute sa site - nagpapascan lang siya sa labas at nagbabayad ng rental mapasaya lang ang bawat fans every week.
Like Mr. Berlin did.
Kaya ito tinawag na Project Combatron because we want to achieve a particular aim, one goal. Lahat tulong tulong maibalik ang super hero nating si Combatron!
matanong ko nga yung kaibigan ko na may collection din niyan haha pero pano yun baka makilala ako lol
Kerk Urgel
Tiyak ko dude mas marami pa ang magcocontribute niyan. Hindi lang natin kilala kung sino pa ang ibang naging collector ng Funny Komiks.
Dun sa dati kong blog, nagparamdam si Berlin Manalaysay. May binigay nga siya sa akin na bagong drawing niya ng Combatron eh.
Hindi ako yung tinutukoy mo. Si N.Aldrin C. yun. Hehehe. Bago pa lang ako.
Susubukan kong punan ang mga kulang na issues. Hindi rin ako kumpleto eh, pero marami-rami rin akong naipon.
Na bore na lang ako nung napasabog na si Megadeath. Dapat natapos na yung Combatron dun.
Curious Cat
Gaya nga ng sabi ni Red The Mod, isipin mo na lang, marami kang natulungang mga bata (binata) sa iyong kontribusyon. Hehehe.
ako din dati, adik ako sa funny komiks, naalala ko si patit, eklok at yung planet op di eyps. lalo na si combatron. ang alam ko di ko sya naumpisahan pero parang naaalala ko yung katapusan. haha.
those were the days.
Your Funny Comics was my Liwayway. Early on, mga drama na ang umaaliw sa akin, saka yung mga steamy description ng sex. :)
Nice post.
Saka ang sarap balikan yung ganitong mga istorya ng pagkabata. :)
Manech:
No wonder, you're the most advanced among us. We're giggling over Combatron, and you, were giggling over romance short stories. Hahaha.
Maxwell:
Hulaan ko! Grade six ako nasa kinder ka? Lolz.
hahaha ako noon engkantasya at engkantadiya ang lagi kong binabasa ng walang palya...
hanggang ngayon dala dala ko ang pangarap na one of these days magiging isa na akong ganap na diwata.....
Post a Comment