Kabilugan ng buwan, buwan ng kalibugan. Natapos ang linggo na higit sa dalawang beses isang araw kung siya ay magjakol. Nakipag-meet up isang hatinggabi upang kilatisin ang lalaking kalaro niya dapat sa kama. "Okay na," ang sabi nito sa sarili. "Malamya lang pero may dating. Puwede nang pangkamot sa kati." Problema ay walang lugar at wala siyang balak maguwi sa kanyang kwarto. Nagpatulog lang kasi siya doon ng lalaki noong huling buwan. Umuwi ng madaling araw matapos ang maikling kuwentuhan. Walang silang napagkasunduan, ngunit siya ay nakaramdam ng biglang panlalamig sa kausap. "Kung ayaw di wag," pangiting sagot nito nang hindi na mag-reply ang kalandian sa text. "Mabuti nga yun, nababawasan ang mga nangungulit sa telepono."
Ngunit hindi doon nagtatapos ang kanyang mga pahirap. Buwan ang nakakaraan, may kalaro siya sa telepono na naging kaibigan. Taglibog ang kaibigan at naghanap bigla ng laban. Usapan ay kinabukasan ngunit atras ang kanyang bagong kasagutan. "Pass na lang," ang desisyon nito kanina lang.
"Hindi ako papatol sa kaibigan at lalo na sa may asawa."
Kabilugan ng buwan, buwan ng kalibugan. Marami ang nadadala ng magandang katawan. Marami ang nakikiliti ng maharot na isipan. Habang nakainstall ang kanyang MIRc ay hindi matatapos ang ganitong hamunan. Naroon si 7-incher na kahawig ng kanyang ex. Dati itong naghahanap ng trabaho na inayusan niya ng resume nang sila ay unang mag-chat noong Mayo. Tila gustong bumawi ni 7-incher nang magsabi ito ng motel habang sila ay magka-chat kanina. Nagpalitan sila ng number. Nagbitawan ng kapangakuan ng totoong pagkikita.
At nagkasundo sa kalandian.
Ngunit matapos noon ay nawalan rin siya ng gana sa binatang may pitong pulgada.
"Sex lang to, kayang ipagpaliban pa."
Kabilugan ng buwan, buwan ng kalibugan. Kelan matatapos ang labanan, tanging siya lang ang makakapagpasya. Taglibog ngunit lumalayo sa tukso. Palaban ngunit naduduwag makipagdigmaan. Maharot, mapili at higit sa lahat ay madaling magsawa. Ito marahil ang dahilan kung bakit wala pa rin siyang kabiyak.
Hindi ako magtataka na pagkatapos ng tatlong linggo,
Magbubukas ang Disyembre na siya ay isa nang ganap na bato.

---
A new one bites the dust.
And we know what happens when somebody crosses the line.