Tuesday, March 11, 2008

A Little Piece Of Paradise

Wala nang hihigit pa
sa kapanatagan ng
pakiramdam ang magkulong
sa iyong kuwartong
pagkainit-init, habang
ang iyong butihing ina ay
na nanonood ng Senate Hearing sa ANC
at ang iyong kapatid naman
ay nasa job interview
kasama ang driver at ang kanyang
kanang kamay.

Malayo man ang buddy
ngunit dahil sa strike ngayong araw
ay napilitan rin siyang mamalagi sa
kanyang bahay.
Siya man ay may sakit,
ngunit alam mong ang kanyang
pagtigil sa kanyang tinutuluyan ay
katumbas rin ng isang araw na pahinga.

I guess this must be the closest
thing of what heaven is to me.

No comments: