Sunday, March 23, 2008

Dark Night Tripping (Epilogue)

Sa taxi kanina, habang pauwi si Joms galing sa kanyang inuman.

---

Darkstar: Oye, sabihan mo Mugen si Joms na huwag ngumiti sa side mirror. Makita siya nung driver, mapagkamalan pa siyang abnoy. Kaw ren, kasalanan mo kapag sa Mental yan dinetso at hindi sa bahay.

Pulsar: Yaan mo na, lasing na naman eh...

Mugen: As usual. Gaya last week, narito na naman tayong tatlo sa backseat ng taxi.

Darkstar: Honga eh, pero hindi gaya last week, medyo mas magaan na ang aura ng boylet natin ngayon. Bakit nga ba Pulsar?

Pulsar: Malay... siguro dahil lasing.

Mugen: Pwede.

Darkstar: Hindi kaya dahil natatanggap na niyang mas madali siyang makagimik pag night shift siya?

Mugen: Pwede rin!

Pulsar: Let's just say na wala na sa kanya yung burden na dala dala niya last week. He finally learned to keep them aside muna.

Mugen: Magdilang anghel ka sana Pulsar.

Pulsar: Well, gaya nga ng sabi niya sa kanyang bata kanina. "Leave your worries for tomorrow." Baka narealize rin niya yun.

Darkstar: Sana naman ay ma-apply niya sa buhay niya yun no? Lahat ata ng worries sa mundo eh inako na niya eh. Badtrip dun, sinosolo niya lagi ang mga bagay bagay.

Pulsar: Kaya nga siya nagbloblog, para wala siyang kwentuhan ng mga issues niya diba?

Habang binabagtas ng Taxi ang kahabaan ng Bonny Serrano Avenue, kapansin pansin na walang sasakyan sa daanan.

Mugen: Ang linis ng kalsada. Sana laging ganito no?

Pulsar: At sana laging mainit kahit gabi. Alam niyo naman na mas sanay si Joms sa ganitong weather.

Darkstar: Yeah... Sarap magsalsal pag ganitong mga panahon.

Pulsar & Mugen: Ish tat yuu Kitsune?

Darkstar: Gagu! Ako to. Mas matalim dila sa akin nung hayup na yun. Commander-in-Chief yata sa kama yun no.

Mugen: Sabi mo eh. Anyway anong plano natin pagkatapos nito?

Pulsar: No change of plan. Gaya pa rin ng dati. What is important is that...

Darkstar: Masaya si Joms. There is no doubt he had a better night out. Kahit yung mga kainuman niya eh nanood ng Naruto samantalang yung dalawa naman sa dulo eh parang love birds na kwentuhan ng kwentuhan.

Mugen: Walang senti moments?

Darkstar: Wala. Just pure fun and nothing more. Let's make love mga parekoy!

Pulsar to Mugen: Lasing siguro kaya bangag. Dalawang bote lang yun infairness.

Darkstar: Dalawang bote nga, ang hapunan naman eh kakarampot na oatmeal. Nasira kaya workout schedule niya!!

Pulsar: He can always work out next time. Wala naman siyang aim na hinahabol eh.

Darkstar: Kaya nga okay lang eh. Basta pag umabot siya ng 165. Serious mode na naman tayo.

Mugen: Serious mode talaga.

Darkstar: So paano mga tsong. Sa susunod na sabado nights ulit.

Mugen: Sa susunod na sabado nights mga parekoy.

Pulsar: Well bukas, bagong pakikibaka ulit.

... : It seems that Joms... is learning to place everything on faith...

Darkstar: WTF sino yun.

Mugen: Ano yun??

Darkstar: May narinig akong boses. Bedroom voice pare, parang trip ko ka SOP!!

Mugen: Di ako yun ha. Tatlo lang tayo dito diba?

Pulsar: Wala akong narinig. Nakatingin ako sa labas eh. Paano, Happy Easter sa inyo mga dudes.

Darkstar: Sure kayo hindi kayo yun???

Mugen: Hindi ako yun.

Pulsar: Wala nga akong narinig, pasaway ka ah!

Darkstar: O siya, baka guni-guni ko lang. Sige mga tsong. Happy Easter senyo.

---

"Manong sa tabi na lang ng Besprend,*" Ang sabi ni Joms sa manong.

Matapos bumunot ng isangdaan at ilang mga barya sa kanyang walet. Humingi siya sa driver ng bente pesos na sukli. Bago siya lumabas ng taxi, naalala niyang espesyal na araw pala ngayon.

"Happy Easter manong."

Ang hangin ngayong gabi ay higit na mas mainit kaysa noong isang linggo. Sa kabila nito, higit na mas maaliwalas ang pakiramdam ni Joms sa ganitong mga panahon. Bilog ang buwan sa langit at ang mga simbahan naman ay maagang nagbukas para sa Misa ng Pagkabuhay mamayang umaga.

Isang linggo na ang nakalipas simula ng muling mamulat si Joms sa hatinggabi. Nag-iba man ng tuluyan ang kanyang tingin dito, ngunit ang anyaya ng mga kaibigan ang laging nagpapaalala sa kanyang...

The scene may have changed, but the essence of friendship remains the same.

Tuloy ang nightlife.

---

*Bestfriends - isang sikat na bilihan ng Tapsilog at Pares malapit sa lugar nina Joms.

No comments: