Malamig pa rin ang paligid nang maisipan kong bumaba ng office upang magyosi sa tabi ng kalsada. Papalubog na ang araw at dahil linggo naman, wala masyadong sasakyan sa lansangan. Hawak-hawak ang kaha ng Marlboro Lights na binili ko ilang araw na ang nakalipas, pilit ko itong pinapaikot sa aking kamay upang ma-distract ang sarili sa pangungulila. Nagsosolo na naman kasi ako sa aking yosi break gaya pa rin ng dati.
Madalas ko nang marinig na ang paninigarilyo ay masama sa kalusugan. Palibhasa'y isa sa mga kaanak ko ay doktor, katakot-takot na babala na ang narinig ko sa kanya tungkol sa masamang epekto ng yosi bago pa man ako matuto humithit nito. Pero dedma lang. Simula ng madiskubre ko ang saya ng paghithit-buga ng suba, hindi na ito tuluyang nawala sa aking sistema. Nalaman ko kasi na nakakapagpakalma ng isipan ang nikotina kaya naman sa mga panahong nalulunod ako kakaisip ng mga bagay-bagay, yosi na ang pantapat ko sa lahat ng problema.
Tanda ko pa, yosi ang umagahan ko noong ako'y nasa kolehiyo. Palibhasa'y hindi pa bawal magyosi sa loob ng uste noong estudyante pa ako, bibili ako ng Marlboro Methol malapit sa gate at uubusin ko ito habang naglalakad patungo sa aming gusali. Kadalasan ay mahuhuli ako ng mga tropa ko malapit sa pavillion na nasa tapat ng aming lobby. Upang pigilan ako't sirain ang umaga ko, madalas ay bigla nila itong pipitikin sa aking kamay sabay hirit ng "yosi ka na naman!" Ang bawi ko naman kadalasan ay "tangina heto ang wan pipty! magyosi ka rin kung gusto mo!"
Sa tuwing may meeting kami sa partido, nagiging pugon ang headquarters namin. Paano kasi, yosi ang nagiging pampakalma sa mga miyembro lalo na kung umiinit na ang debate tungkol sa mga kandidato na papatakbuhin sa student council o kaya naman ay kung anong stand ang paninindigan namin sa tuwing may issue sa loob ng college. Dito ko natutunan na mamulot ng stick ng yosi kahit na ito'y nahulog na sa lupa. "Wala pang five minutes!" Pabiro kong sasabihin sa aking kapartido na nakatingin sa akin. Malayo kasi ang aming headquarters sa gate kung saan naroon ang mga tindera kaya naman sobrang tindi ng pagtitipid namin pagdating sa happy stick na ito.
Nang maiwan naman ako sa pagpapatakbo ng negosyo matapos sumakabilang-buhay ang erpats ko, yosi rin ang naging pampakalma ko sa mga trobol na inaabot ko araw-araw. Sa tuwing nagkakaroon kami ng informal meetings sa tuwing may problemang pinansyal ang kumpanya, kadalasan ay may nakapasak na Phillip Morris sa bibig ko. Wala man akong mahanap na solusyon sa aming kinakaharap na problema, ngunit the fact na may pacifier ako na sinisimbolo ng yosi, nalampasan ko rin ang mga unos na dumaan sa akin.
Lumipas ang mga taon ngunit hindi nawala sa akin ang smoking habit. Nagyoyosi ako sa tuwing naglalakad ng pagkalayo-layo, nagyoyosi ako sa tuwing gusto kong magsenti sa aking utak. Nagyoyosi ako upang makihalubilo at makipagusap sa mga tao at nagyoyosi rin ako upang dumistansya sa mga taong nasa paligid ko nang hindi nagmumukhang loser at walang kasama.
Nagyoyosi ako upang magbigay impression na ako'y cool at in control sa aking sarili; upang itago ang sangkatutak na insecurities at anxieties na naglalaro sa aking utak. Nagyoyosi ako upang huwag matakot humarap sa buhay; upang mahanap ang katiwasayan dala ng nikotina na dumadaloy sa laman ko.
Marami sa mga kaibigan ko ang hindi natuto nito, samantalang ako naman ay nagcontrol sa pamamagitan ng hindi pagbili ng kaha sa paniwalang mapipigilan nito ang dami ng stick na mauubos ko sa isang araw.
Isang dekada matapos ko itong unang subukan, kung saan dati-rati ay sa ilong ko pa pinapalabas ang usok sa halip na sa aking bibig, sa tingin ko'y hindi na ito matatanggal sa aking sistema. Maging vegetarian man ako sa hinaharap, tingin ko'y masyado na akong nakadepende sa nikotina upang makawala pa dito.
Ang nakakatuwa lang, kung gaano man ako kalayang makapagsigarilyo sa labas ng bahay ang totoo'y hindi ako legal sa aking nanay. Sa tinagal tagal ng panahon, minabuti kong huwag na itong ipaalam sa kanya.
Naniniwala kasi akong ang hindi niya alam ay hindi niya ikababahala.
---
Yosi Facts About Me:
- Favorite Yosi: Marlboro Green, Phillip Morris
- Doesn't own a lighter
- Regular Yosi Buddy: Mami Athena
- Average Stick Consumption per day: 4
- Doesn't Smoke Four Hours Prior to Working Out

No comments:
Post a Comment