only in suffering will we find true enlightenment
- Dr. L.R. Tope
kita mo naman, kahit isang taon akong walang trabaho hindi Niya kami pinabayaan.
- Gripen, explaining his spiritual beliefs.
---
Sa panaginip, nakita ko ang aking sarili sa tapat ng Santa Clara Church.
Bumili ako ng itlog na nilalako ng mga tindera sa gate bago pumasok sa loob. Sa tagal ko ng nagagawi sa simbahan na iyon upang humingi ng prayer intercessions kay Santa Clara, panahon naman na suklian ko ang mga sagot niya sa aking mga dasal sa pamamagitan ng pagtulong sa mga madreng nakatira doon.
Naglakad ako patungo sa dulong gusali kung saan inihahabilin ang mga donasyon. Ang daan mula Katipunan pababa ay medyo matarik. Ngunit ito naman ay napapalitan ng pagkamangha sapagkat matatanaw mo ang kapatagan ng Marikina at Pasig sa gawing dulo ng simbahan.
Mangilan-ngilan lang ang mga tao noong hapong iyon. Tila ang katahimikan ng paligid ay nang-eenganyo sa mga bisitang kagaya ko upang magreflect at manalangin ng taimtim sa harap ng poon.
Ngunit sa panaginip na iyon, iba ang pakay ko sa simbahan. Ramdam ko ang napipintong paghaharap namin ng isang taong posibleng magpabago sa aking pagtingin sa buhay. Ilang beses ko ng narinig ang bulong niya sa akin. Sa pagkakataong ito, ako na mismo ang nangahas hanapin kung sino ba ang taong iyon na panay ang sabi sa aking,
"Gumising ka na..."
Nanalangin ako ng mataimtim kay Lord sa harap ng rebulto ni Santa Clara. Sa kaliwa ko ay may matandang babaeng nakabelo na nagrorosaryo. Sa tabi naman niya ay may isang batang lalaking biglang nagtatakbo palabas ng maliit na chapel upang hanapin ang kanyang mga kasama. Susundan ko sana ng tingin patalikod ang bata nang biglang dating naman ng isang binata na tila kasing tangkad at kasing-edad ko kung pagmamasdan mo siya sa malayo.
Sa unang tingin, ang binata ay hindi mo mapapagkamalang nagsisimba. Paano ba naman ay skinhead ito, may hikaw na pilak sa kaliwang kilay, may goatie at soul patch sa kanyang baba at may tribal na tattoo sa kanang braso. Hindi rin nakatulong ang kanyang suot na kulay itim na t-shirt at kupas na grey pants na halatang pinaglumaan na nito. Ngunit sa kabila ng kanyang matikas na itsura, mataimtim na nagdasal ang binata sa harap ng altar. Alam kong mas malalim ang kanyang paniniwala kaysa sa akin. At pilit ko mang iwasan tumitig sa kanya, masyadong maakit ang kanyang dating sa akin. Sa tagal naming dalawa sa loob ng chapel, pakiramdam kong nahalata niya ang aking buong tapang na pagpapapansin sa kanya.
Nauna akong lumabas ng chapel upang magsindi ng kandila malapit sa mismong simbahan. Papalubog na ang araw noon at medyo lumalamig na ang paligid. Akala ko ay doon na nagtatapos ang panandaliang pagtatagpo namin ng binata nang biglang sa aking pagtalikod upang maglakad palabas, naroon siya't papalapit sa akin.
"Pare is there a problem?" Unang bungad niya sa akin?
"Huh? Bakit tol?" Ang mabilis kong tugon sa kanya.
"Bakit ka tingin ng tingin sa akin kanina? May problema ba?" Ang kanyang maangas na boses ay medyo nagpakaba sa akin.
"Ah eh, para kasing kahawig mo yung tropa ko dati sa high school. Hindi naman pala." Sagot ko sa kanya.
"San ka ba nag-aral ng high school?" Tanong niya sa akin.
"Sa PUP. Hindi ka naman dun diba?"
"Hindi." Maikli niyang sagot sa akin.
Akala ko ay matatapos na doon ang aming usapan. Ngunit sa aking pagkamangha, ang usapan namin tungkol sa high school ay nagtuloy-tuloy upang mapag-usapan namin ang aming mga buhay. Nalaman ko na magkasing edad kami, parehong panganay sa pamilya at ulila na sa ama. Sa malapitan, para lang kaming magkambal. Singkit rin ang kanyang mga mata, makapal rin ang kanyang labi at malapad rin ang kanyang pangangatawan. Gusto ko sanang tanungin kung PLU siya na kagaya ko, ngunit dahil inassume kong straight siya sa aming pagtatagpo, pinili kong umaktong straight sa kanyang harapan.
Tinanong ko siya kung madalas siyang magawi sa Santa Clara. Ang sabi niya sa akin, nadiskubre niya ang simbahan dahil sa kanyang nanay. Dagdag pa niya dito, minsan siyang pinagdala ng prayer request ng kanyang lola para isama ng mga madre sa kanilang pagrorosaryo. Matapos noon, sa tuwing madedehado siya sa kanyang mga dala-dalang problema, sa Santa Clara lang siya tumatakbo upang kumuha ng buwelo.
"Wala namang masama diba? Saka sinasagot naman ang mga dasal ko pag dito ako nagpupunta." Pangiti niyang hirit sa akin.
Sa mga oras na iyon ay magaan na ang loob namin sa isa't isa.
Marami pa kaming napagkwentuhan, ngunit hindi ko na matandaan kung ano ang mga iyon. Napansin na lang namin na nagsisilabasan na ng simbahan ang ibang mga bisita, na sa hindi ko malamang dahilan ay nakatingin lang sa akin. Nang mapansin ng binata na nagsisialisan na ang mga tao, dahan-dahan itong tumayo sa aming kinauupuan. Hindi man niya ito sabihin, ngunit malinaw na pinahiwatig niyang kailangan na rin naming lumabas ng Santa Clara.
"Paano tsong hanggang dito na lang." Paalam niya sa akin.
"Sana magkita ulit tayo." Pahiwatig ko naman sa kanya.
"Malay mo, magkasalubong ulit tayo dito." Habang sinasabi niya ito, kinakapa niya ang kanyang bulsa, tila may hinahanap sa loob nito.
"Remembrance ko sayo brod." Isang asul na plastic na rosaryo ang inabot niya sa akin.
"Hindi ako nagrorosaryo eh. Pero salamat dito." Pinagmasdan kong maigi ang rosaryo. Kamukha ito ng rosaryong tinago ko sa aking drawer matagal na panahon na ang nakakaraan.
"Lam mo bro, may narealize akong isang bagay sa buhay." Ang sabi ng binata sa akin. Bago pa ako makapagsalita ay tinuloy niya ang kanyang sasabihin. "I live life in the fast lane. Pasarap dito, kagaguhan doon. Gago ako kung sa gago at ang masaklap dun, pailalim ako kung tumarantado."
"Pero one thing is for sure. I don't want to end things wasted. Sandali lang ang buhay... Parang itong pagtatagpo natin. Despite life's briefness, might as well do something that would make my life meaningful. After all, we don't know. Maraming bagay sa mundo ang hanggang sa ngayon ay hindi pa rin natin maipaliwanag."
"Ano bang pwede kong gawin sa buhay ko?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw ang bahala. Basta ako, binabalanse ko ang sarili ko. Hangga't maari, nag-iiwan ako ng mabuti kesa masama sa kapwa. Yun ako parekoy." Payabang niyang sagot sa akin.
Magsasalita pa sana ako tungkol sa aking kabataan, kung saan naging leader ako ng mga Marian devotee sa aming baranggay. Sasabihin ko sana sa kanya na kahit napakatagal ko nang hindi nagrorosaryo, memorize ko pa sa puso ang mga dasal dito.
Bago sana kami maghiwalay, aaminin ko sa kanya na ang dahilan bakit nag-iba ako ng landas ay dahil nadiskubre ko ang masarap na pakiramdam dulot ng karnal na kaligayahan...
Ngunit, matapos kong mailagay sa kailaliman ng aking bag ang rosaryong bigay ng binata, sa muling pagharap ko'y nawala na siyang parang bula.
Nasa labas na pala kami ng simbahan.
---
Nagising ako bandang alas kwatro ng madaling araw.
Habang pilit inaala ang mga sinabi ng binata sa akin na pinangalanan ko na lang na Dominus, tumayo ako upang kunin ang isang bagay na matagal ko nang pinakatatago sa drawer ng aking kabinet.
"Lagi akong uhaw over something these days... Bakit lagi akong takot..." Tanong ko sa aking sarili.
Hawak ang asul na rosaryong kinuha ko sa drawer ng aking kabinet, ilang minuto ko ring pinagmasdan ito kahit madilim ang aking kwarto at ang tanging ilaw na bumabalot dito ay nangagaling pa sa bintana ng kapitbahay.
Wala namang mawawala kung susubukan ko ulit...
Noong umaga ring iyon, matapos ang mahabang panahong pandededma dito, natuto ulit akong mag rosary.

No comments:
Post a Comment