---
Mugen: Kulit rin nitong si Joms no?
Pulsar: Honga eh. Weirdo talaga.
Mugen: Nagtaxi nga pauwi pero wag ka, pinapatay na ang aircon, nagpabukas pa ng bintana ng taxi. Para namang ang lamig-lamig ng paligid. Sobrang init na kaya!
Pulsar: Ganun talaga, pagbigyan mo na. Nagfreak-out na naman siguro.
Mugen: Bakit?
Pulsar: Naninibago sa kanyang paligid. Ang nakakatuwa pa roon, gabi naman siya kung umuwi galing sa trabaho pero naninibago siya kasi sa halip na galing sa gym, galing siya sa inuman kagabi.
Mugen: Anong bago dun? Diba lasenggero naman talaga siya kahit noon pa?
Pulsar: Malaki bro. Ang Joms natin noon ay hindi na ang Joms natin ngayon.
Darkstar: Por que?

Pulsar: Uy nanjan ka pala kaibigang Darkstar. Tatlo pala tayo dito sa likuran ng taxi. Anyway, hindi niyo ba napapansin, tuluyan na siyang nag lie-low sa lahat ng night activities niya?
Mugen: Bakit nga?
Pulsar: Malay. Basta ang alam ko, nagsasawa na siya.
Darkstar: Bakit nga, sagutin mo kami.
Pulsar: Alam ko ang tunay na sagot, pero sa akin na lang yun. Sabihin na lang natin na ngayong bahagi na siya ng gabi, nais naman niyang bumalik sa liwanag.
Darkstar: Labo mo talaga brad.
Mugen: Pansin ko tahimik ka ngayon Darkstar?
Darkstar: Hindi ako kailangan ni Joms eh, anong magiging silbi ko?
Mugen: Role model para sa mga malilibog na bata? Ha ha.
Darkstar: Gagu!
Pulsar: Nasaan na pala yung alaga mong si Kitsune?
Darkstar: Matagal ng wala. Ang hirap i-control nun. Kahit ako eh tinatabla. Napagkasunduan namin ni Joms na ibalik na siya sa kanyang pinanggalingan.
Mugen: Sa CB?
Darkstar: Yep, isinusumpa ko, ayaw ko na siyang makasama.
Pulsar: Sabi mo eh.
Habang binabagtas ng taxi ang kahabaan ng Shaw Boulevard, may mangilan-ngilang mga motorbike ang nag-cut sa right of way ng kanyang sinasakyang taxi.
Mugen: Iba na talaga ang mga bata ngayon no? Lakas ng loob, walang helmet bike pa rin ng bike.
Darkstar: Kaya naman kapag natepok, luwa pati utak.
Pulsar: Morbid mo pare! Tandaan mo, may isang panahon ring ganyan si Joms.
Mugen: Yun ba yung nagkaroon siya ng scooter noong third year high school siya?
Pulsar: Yep, pero gaya ng mga bata ngayon, mapusok rin si Joms noon. Lakas ng loob niya magbike kahit wala siyang lisensya at yung scooter na bigay ng dad niya eh smuggled galing Ilocos.
Darkstar: That's my boy. Minsan iniisip ko saan nanggaling ang tigas niya noon.
Mugen: Kanino pa edi sayo. Buti na lang at hindi siya buminggo no?
Pulsar: Anong hindi buminggo. Nahuli kaya siya ng Hagad! Tapos muntikan na siyang makulong kung hindi nakiusap yung kapitbahay nila at sinabing anak siya ng isang reporter. Malupit dun, hindi pa nadala itong si Joms.
Mugen: Eh ano itong nakapagpatigil sa kanya mag-scooter?
Pulsar: Hindi mo matandaan. Namatay yung bodyguard ng erpats niya kasi binangga ng L300 yung motorbike na sinasakyan nito tapos tumilapon siya sa isa pang sasakyan? Hayun patay.
Mugen: Honga no? I remember it now. Mula noon hindi na siya nagscooter ulit.
Pulsar: At yung scooter niya ay kinalawang na lang sa tapat ng bahay nila.
Darkstar: Sayang... ang scooter.
Pulsar: Natatandaan niyo ba noong natuto siyang magdrive dahil lamang sa isang arcade game sa Megamall? Lupit niya rin noon ah!
Mugen: Oo naman. Binigyan pa nga siya ng kotse ng dad niya. Yung bulok na Izuzu Gemini. Ha ha.
Pulsar: Pero huwag ka. Bago siya nagkaroon ng kotse noon, Isang taon rin niyang tinatakas yung FX nila tuwing madaling araw. Wala rin siya lisensya noong magdrive siya noon.
Darkstar: Ha ha. Pangarap nga niyang iakyat yung FX nila sa Antipolo noon, dun sa overlooking daw. Balak niyang isama yung tropa niyang madalas makitulog sa kanila. Senti nights sila magdamag habang pinagmamasdan ang kumukuti-kutitap na mga ilaw ng Metro Manila. Musta naman yun!
Mugen: At kilala ko kung sino ang binatang iyon. Sobrang gwaping kasi eh.
Pulsar: Ako rin naman eh. Kilala ko siya.
Darkstar: Kung alam ko lang na magiging PLU si Joms balang araw, dapat tinabla na namin siya noong madalas siyang mag-sleep over sa kwarto niya. Willing naman yata ang tropa niya eh.
Pulsar: Pero you know that it's not our way. Ikaw na rin ang nagsabi, let them make the first move.
Darkstar: Kaya nga wala akong pakielam noon eh. Straight pa si Joms nun. He he.
Mugen: Pero bakit natigil magdrive si Joms? Bakit hindi na siya humawak ulit ng manibela?
Pulsar: Naalala mo, nilalabas niya yung Gemini isang gabi, tapos natabig niya yung FX ng kapitbahay nila? Laki ng binayaran ng dad niya dahil dun sa maliit na yupi ha!
Mugen: Honga no? Haha. Takot niya talaga noon no? Paano wala kasing lisensya nagdri-drive ng sasakyan.
Pulsar: Tapos sinabon siya ng nanay niya ng todo todo. Sinabihan pa siyang arogante at mayabang. Hayun simula noon, hindi na siya nagdrive.
Darkstar: Sayang, pangarap pa naman niya makakita ng drag racing noon sa C5.
Mugen: Iba talaga ang nagagawa ng gabi kay Joms no? To think times have changed.
Darkstar: Malay natin, ito'y pansamantala lamang.
Pulsar: Ewan ko. Pero mas kuntento na ako sa ganito. Tumatanda na tayo eh.
Mugen: Ramdam mo na ba Pulsar?
Darkstar: Aga pa ng gabi. Bakit naman nag-aastang kwarenta si Joms?
Mugen: Naghahabol sa oras? Nagpapaka-hermit?
Pulsar: Nagpapakaspirituwal? Sabi niya he's looking for something sublime.
Darkstar: Nosebleed! Arte lang yun.
Pulsar: Hindi nga, nararamdaman ko na iba na ngayon.
Pulsar: Habang pinagmamasdan niya ang opposite lane ng kalsada na puro taxi lang at mangilan-ngilang jeep ang pumapasada...
Pulsar: At ang mga japorms na mga bata naman ay papunta pa lang sa kanilang party ala una ng madaling araw...
Pulsar: At ang mga binatilyong nagbibike ng walang helmet na nakikipagpustahan kay Kamatayan...
Pulsar: Alam niyang kelangan na niya mag-move on.
Darkstar: Drama naman.
Mugen: Naks ang senti ah!
Pulsar: Tingnan natin. Maaga pa ang taon. Pero matagal ko nang alam na hindi na siya ganoon ka thrilled mag night-out... hindi gaya dati.
Darkstar: Talaga lang ha. Hayaan mo sa next reincarnation ko, top na si Joms! Ha ha.
---
Ngunit bago pa may nakahirit kay Darkstar, biglang nagsalita si Joms upang nagbigay direksyon sa taxi driver.
"Manong sa kaliwa po... Para na ho diyan sa tabi..."
Matapos ang mahigit isang buwang hibernation. Si Joms ay umuwing may tama ng alak galing sa kanyang inuman.
Pero ang tingin niya sa gabi ay lubos na nag- iba na. Hindi gaya ng mga magdamag na minsang nakapiling niya sa kanyang kabataan.

No comments:
Post a Comment