Friday, March 14, 2008

Borderline | Hibernation

Kapag naglakad ka sa ilalim ng Carriedo LRT Station noong araw ay may mapapansin kang isang grupo ng mga kalalakihan na animo'y mga callboy na nakatayo sa tapat ng Uniwide Mall.

Madali mo silang makikita sapagkat bukod sa karamihan sa kanila ay mga bata pa, laging may malaking karton na kadalasan ay sigarilyo ang nasa tabi nila. Kung iyong titingnang mabuti, may nakasulat na malaking titik X sa kanilang karton. Halatang pentel pen ang ginamit na panulat dito sapagkat hindi lamang laging kulay itim ang pinansulat na tinta sa karton, minsan ay malabo pa ito dahil ang Pentel Pen ay pinagpasa-pasahan na ng mga tindero.

Dahil sa lagi silang nababagansya ng mga pulis sa lugar na iyon, nasanay na silang hindi mamansin ng mga dumaraang tao. Sa halip, hinahayaan nilang ang mga kalalakihan ang siyang lumapit upang magtanong ng kanilang paninda.

Minsan, dahil sa aking curiousity ay sinubukan ko ring lumapit sa mga tinderong iyon. Noong una'y kabado pa ako sapagkat nararamdaman kong magkakakuntsaba ang mga kalalakihang nagtitinda sa bahaging iyon. Nalaman ko na ang kanila palang binebenta ay mga X-Rated na VCD. Sa aking kalibugan ay napabili rin ako, hindi lang isang beses sa mga tinderong ito.

Isang hapon, tanda ko pa, galing ako sa OJT ko noon sa Manila Times. Mag-isa kong binabagtas ang kahabaan ng Rizal Avenue nang mapadako ako sa lugar na kinatatayuan nila. Para silang mga punong kawayan na gagalaw-galaw sa kanilang kinatatayuan. Ang iba ay nagyoyosi habang nakatulala, samantalang ang iba naman ay lalakad-lakad upang ang binti ay hindi pulikatin.

Gaya ng nakagawian, magtititigan kami ng suki kong tindero bago ko siya bigyang hudyat na lumapit sa akin. Ngunit noong hapong iyon ay wala roon ang suki ko. Sa halip, iba ang lumapit sa akin at ang kanyang mga binebenta ang siyang nagpabago ng takbo ng mundo ko.

"Boss X," pabulong niya sa akin. Dahil sa ako naman ay kating-kati na magjakol pagdating sa bahay, nagbigay hudyat akong mag-usap kami tungkol sa bentahan.

Gaya nga ng sabi ko, uso ang hulihan sa lugar na iyon. Bago pa lang kasi ang bentahan ng mga X-Rated at hindi ko pa nadidiskubre noon ang eskinita sa Hidalgo kung saan lantarang nakasabit sa dingding ang mga binebentang Porn VCD sa lugar na iyon. Ilang buwan pa ang lumipas bago ko nadiskubre ang eskinitang iyon na matatagpuan sa loob ng palengke.

Naglakad kami papasok sa isang makitid na eskinita papalayo ng Rizal Avenue. Akala ko ay tatagusin pa namin ang kalyeng kahilera ng nasabing kalsada, ngunit bago pa kami makalabas ng eskinita ay huminto kami sa isang gawaan ng mga Name Pins kung saan niya ipinapatago ang kanyang tindang mga epektos.

Sa totoo, noong mga araw na iyon ay parang bentahan ng droga ang pinapasok ko. Isipin mo na lang, habang nilalabas niya ang kanyang backpack na puno ng mga X-Rated na VCD ay titingin pa siya sa kaliwa at sa kanan sa pag-aalalang baka buminggo siya sa mga pulis na umoorbit sa lugar na iyon. Gaya ng sa aking suki, puro M2F ang una niyang nilalako sa akin. Habang namimili ako ng mga pamagat, pinagmamasdan ko muna kung gaano kabata at kakisig ang bidang lalaki, at kung gaano kalaki ang kanyang kargada.

Aaminin ko, hindi kailanman ako naging interesado sa mukha babae kahit na pilit kong tinatanong sa sarili ko, bakit ganon ang takbo ng utak ko. Basta ang sa akin, tinitigasan ako habang sarap na sarap sa pagkadyot ang bidang lalaki, samantalang ang babae naman ay mababakas sa mukha ang hirap na kanyang dinadanas sa bawat pag-ulos ng lalaki.

Yun ang trip ko.

Babayaran ko na sana ang napili kong X-Rated nang mapansin kong may naligaw na kakaibang VCD na iba sa mga unang titles na nakita ko. Sa halip na babae at lalaki ang nasa litrato, parehong lalaking hubad ang nasa kalakip na papel ng VCD. Noong una ay pilit kong dinedma ang nadiskubre ko. Tutal, kahit na lumalaban ako sa tendencies ko noon, alam kong hindi ako basta-basta bibigay nang dahil sa isang X-Rated lang.

Ngunit, nagkamali ako...

Pitong taon na ang lumipas, sa Hidalgo Quiapo kung saan matatagpuan ang palengke at eskinita kung saan hile-hilarang nakasabit sa dingding ang mga X-Rated na binebenta sa lugar na iyon. Dito, kung saan naglipana ang iba't ibang Male to Female Kantutan na VCD, DVD pati na rin Gangbang, Girl to Girl, Bestiality, Lolita at Anime;

dito rin matatagpuan ang...

---

"Boss anong bago niyong M2M?" Tanong ng binata.

"Meron dito, heto o, paubos na nga eh. Maganda iyan! Madami na nga ang bumili sa akin." Sabay abot ng tinderong Maranao sa binata.

"Bareback, Bel-Ami, ayus to!" Bulong ng binata sa sarili.

"Kunin ko dalawa sa sandaan. Ok ho ba?"

"Sige ba, basta balik ka dito suki ha."
Pangiting sagot ng tindero sa binata.

"Dito naman ako laging bumibili eh. Basta gumagana to manong ha?"

"Soli mo lang kung ayaw gumana. Palitan natin ng iba."

---

Mula sa kabadong paghugot sa nag-iisang M2M Bisidi na nabili ko sa Carriedo sabay mataimtim na pag-abot ng isang-daang piso sa tindero ng hindi tumitingin rito, hanggang sa lantarang pamimili ng X-Rated M2M Dibidi sa Quiapo Hidalgo na pangiti at may apog pang nakikipagbiruan sa tindero,

Ang lahat ay parang evolution lang.

No comments: